♞♟♜♚ "Wag mo syadong isipin 'yung narinig mo kanina, hindi mo naman kasalanan ang nangyari sa kanila," pilit na dinadamayan ni RU ang kaibigan matapos ninto marinig ang kwento tungkol kay Leo at sa namatay nintong asawa. "Hindi ko maiwasan sisihin ang sarili ko, naiinis ako dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin kilala kung sino ang totoong nasa likod ng mga pangyayari na 'to, na pipikon ako! Gusto ko siyang tanungin at saktan sa dahilan bakit niya dinamay ang mga inosenteng tao sa loob ng game na 'to," hindi mapigilan ni Reo ang emosyon habang naglalakad sila papasok sa guild head quarters sa tapat ng dapat kung saan natitipon ang karamihan at naghahanda sa ibang mission. "Sa ngayon, wag mo muna isipin ang bagay na 'yan at mas focus tayo kung pano natin matatalo ang kalaban," saad ni RU

