♞♟♜♚ Masayang lumabas ang anim sa loob ng kweba at sine-celebrate ang pagkapanalo nila, panay ang puri kay Reo at yakap naman ni Kenneth sa braso ninto. "Isang level na ang na clear na'tin 99 na lang!" Hiyaw ni Kenneth at nang sabihin niya ito ay agad na napakamot sila Kyo ng ulo. "Grabe 99 pa," reklamo ninto at lahat sila ay biglang tinamad. "Isipin mo kung nakakatakot na 'yung itsura ng level one monster na 'yun, ano pa kaya sa mga susunod na level?" Tanong ni Mal at sabay-sabay silang nagbuntong hininga. "Isipin niyo na lang na at least naka-clear na tayo ng isang stage ng game no! Hindi mabubuo ang one hundred kung walang one!" Sagot naman ni Kenneth at pilit na mino-motivate ang mga kasamahan niya. Samatalang si Reo naman ay panay ang tingin sa inventory ng system niya, binabasa

