♞♟♜♚ Malamig na umaga ang sumalubong sa lahat ng players sa loob ng game, maaga nagising si Uwu para mag-ayos ng kaniyang mga dapat gamitin sa mini mission na kaniyang pupuntahan mamaya kasama ng ilan sa mga guild members niya. "Makapaglakad-lakad nga muna sandali," sambit ninto dahil naging ugali niya nang maglalakad sa dalampasigan para na rin sa ikakaganda ng kaniyang pangangatawa, nag-eensayo rin sila dati bago pa sumikat ang umaga ngunit na pansin niya na kahit mataas na ang sikat ng umaga ngayon ay wala pa rin ni isa sa mga guild members niya ang nag pa-practice sa training ground na kinalungkot niya. Alam niyang hindi lang siya ang nakapansin ng pagbabago sa mga kasamahan, alam niyang nawalan na ng pag-asa ang mga 'to at pinaghihinaan na naman ng loob. Kaya para bang wala na rin

