♞♟♜♚ Hindi akalain ni Reo na makakarating kaagad ang balita tungkol sa kaniya sa higher ups sa loob ng game na ito, sa totoo lang ay nagtataka pa rin siya bakit mayroon na mga council at iba pang mga grupo-grupo sa loob ng game. "Mukhang sakto ang dating ko dahil nakapagtayo kaagad kayo ng guild quarters sa stage na ito, ibig sabihin lang ay natalo niyo na ang kalaban sa level forty at level forty-one tama?" tanong ng lalaki nakasuot ng isang pormal na damit, may mahaba itong buhok at may hawak na tungkod. Kung hindi nagkakamali si Reo ay isa itong arch mage, isa sa pinaka mataas na antas ng mga wizard at magician sa loob ng game. "Ah, opo tama po kayo d'yan at siguro naman ay ayos lang na magtayo kami ng guild quarters namin dito dahil kami ang nag clear ng two level," sagot ni Kenn

