♞♟♜♚ Nagtatago ang dalawa sa hindi kalayuan habang may hawak na telescope at nakadapa habang pinapanood makipaglaban ang dalawang players sa isang malaking octopus sa gitna ng dagat. "Kraken pala 'yung stage boss sa level na 'to? Pano kung 'yung mga kinakain nating pusit kanina mga baby pala niya? Lalaki rin kaya sila sa tiyan natin katulad ng dambuhalang halimaw na 'yan?" Tanong ni RU at namutla naman si Reo dahil sa naiisip ng katabi niya. "Ang sarap pa naman nung pusit kanina tapos isipin mo nakakain na pala 'yun ng daliri ng ibang players hahaha." Lalong na windang si Reo sa mga sinasabi ni RU at naisip na hindi pa rin nagbabago ang kaibigan at mahilig pa rin ito mag imagine ng mga senaryo na nakakatakot sa kaniyang utak. "Pwede ba Vane, wag ka naman mag-isip ng mga ganiyang bagay,

