AYLA ANAIH SARMENTO POV:) Kumatok muna ako ng pinto saka ako pumasok sa loob. Nakita ko naman si Sir Damon na nakaupo pa rin sa kama niya habang nakasandig sa headboard habang si Sir Conan naman ay seryosong naglalaro ng video game at nakaupo lamang ito sa isang couch Tahimik lamang akong pumasok habang pinapakinggan lamang pag-uusap nila. Binigay ko kay Sir Damon ang tinimpla kong kape na agad itong tinanggihan. "Palagay nalang diyan," mahinang sabi nito sabay turo sa night table. Nilagay ko naman iyon doon. Sunod naman ay tahimik na lumapit ako sa kinaroroonan ni Sir Conan para ibigay din sa kanya ang tinimpla kong kape para sa kanya. "Napansin kasi ni mama na may nawawala akong gamit. Iyon nga, dahil doon pinalayas ako. Hanapin ko daw 'yon dito sa pamamahay mo." Nakatutok lamang

