AYLA ANAIH SARMENTO POV:) Pagkaalis ng mga ito, binuksan ko na ang kabinet kung saan ako nagtatago. Hawak ang kumot na natatakpan ng katawan ko nang tumayo ako. Habang taranta sila sa paghahanap sakin, pagkakataon ko nang mag-ayos at lumabas dito. Kailangan hindi kami mabuking ni sir, mabuking na gumawa kami ng kababalaghan kagabi. Isang kahihiyan ito kay sir lalo na boss ko siya at katulong lamang ako. In the first place, ako masisira sa aming dalawa. Sa mata ng mga tao, ako ang magiging mali at magmumukhang malandi dito. Kahit alam ko anong totoo, pero sa iba, papaniwalaan nila kung anong paniniwalaan nila. Una sa lahat, ako talaga mali. Sumugal ako sa isang laro na walang kasiguraduhan kung mananalo o matatalo ako. Maari rin akong madaya o malinlang. Kaya siguro, ang magmahal ang nak

