AYLA ANAIH SARMENTO POV:) Pabagsak na umupo ako ng swivel at pansamantalang natulala sa taas. Kanina pa ko kali-kalikot dito sa loob ng office ni Sir Damon at ngayon lang ako nakaramdam ng pagod. Ang sarap sa feeling na mag-isa ka sa ganitong kwarto na ang ganda tambayan at pagtulugan. Hindi maingay at malaya ka gawin mga naiisip mong kalokohan sa isipan mo. Hindi ko maiwasang mapa-isip, nabo-boring kaya si sir dito pag mag-isa siya? Umayos ako ng upo at lumingon sa paligid. Nakita ko namang may picture na naka-display sa mesa niya kaya mabilis lumapit ako habang sakay sa swivel. Kinuha ko naman ang picture frame at tinignan. Family picture siya. Kasama niya sa retratong ito ang mga magulang niya. "Ang cute mo pala, sir no'ng baby ka." nakangiting sabi ko."Ang ganda at guwapo naman ng

