AYLA ANAIH SARMENTO POV:) Rinig ko mula sa sala ang tawa ni Ma'am Avannah. Hindi ko kayang pumasok sa kusina at i-serve sila. Baka umiyak nalang ako basta-basta, at ako pa dahilan ulit ng away nilang mag-jowa. Kasalukuyang kumakain na sila ng tanghalian ngayon habang ako ay naisipang lumabas na lamang ng mansyon. Gusto ko mapag-isa ngayon at gusto ko umiyak na walang nakakakita sa akin. Pagkalabas ko ng mansyon, siya naman nagsidating ang mga kaibigan ni Sir Damon. Sakay ito ng mga kanya-kanyang kotse ito. Sabay-sabay naman hininto nito iyon sa harap. Mabilis naman akong gumilid at yumuko."Magandang tanghali po, Sir." Magalang kong bati sa mga ito nang dumaan ito sa harapan ko. Si Sir Kian at 'yong magkambal lang ang dumating. Hindi nila kasama si Sir Conan, mukhang busy na ito lalo

