AYLA ANAIH SARMENTO POV:) Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata. Bumungad naman sa akin ang nakakasilaw na liwanag na nanggagaling sa bintana. Ginalaw ko lamang bahagya ang katawan ko, ramdam ko na kaagad ang pananakit ng buong katawan ko lalo na ang p********e ko. Feeling ko, sobrang pagod na pagod ako at nasobrahan ang katawan ko sa isang bagay. Naalala ko na lamang ang nangyari kagabi at nanlaki mata na lamang ako nang maalala ang gabing pinagsaluhan namin ni sir. Bawat haplos, bawat ungol at bawat tawag ko sa pangalan ni sir nang gabing gawin namin ang bagay na iyon. Agad akong tumingin sa likuran ko at nakita ko naman ang isang mala-adonis na lalaki na katabi ko. Pareho kaming walang saplot sa katawan at natatanging makapal na kumot lamang ang nagtatakpan ng hubad namin kataw

