AYLA ANAIH SARMENTO POV:)
Malakas na bahing ang nagawa ko habang nandito pa rin ako sa gilid ng pool, nakaupo sa beach lounge chair. Basang-basa dahil sa nahulog kami kanina sa pool ni Sir Damon. Ramdam ko ang lamig at feeling ko sisipunin ako.
Dumating na nga si Nanay Sol dala ang tuwalya at mainit na tubig.
"Ano nangyari sayo at bakit basang-basa kayo pareho ni Damon?" Alalang tanong nito at mabilis na nilagay sa balikat ko ang dala niyang tuwalya.
Bumahing na naman ako ng pagkalakas. Pagkatapos mabilis na pinunas ko ng aking palad ang ilong ko.
"Si Tokyo kasi," parang bata na sumbong ko sabay singhot.
"Dapat kasi di mo na siya hinabol. Oh sya! Inumin mo 'to para di ka sipunin." Sabi nito at mabilis ko naman kinuha rito ang baso.
Nilalamig na ininom ko iyon.
Unang araw kong balik sa bahay ng boss ko at ito nangyari kaagad. Nakagawa ako ng unang katarantaduhan na magpapalayas sakin sa bahay na 'to. Napaka-malas ng araw ko ngayon. Panigurado, galit na galit sakin si Sir Damon.
**Flashbacks**
"Tulong, Sir! Di ako marunong lumangoy!"
Mabilis naman lumangoy palapit sa akin si Sir Damon at niligtas ako nito sa pagkakalunod. Dinala naman ako nito sa gilid. Nang nasa gilid na kami ng pool, mabilis na kumapit ako doon.
Galit na galit na umahon si Sir Damon habang ako ay nasa pool pa rin.
"Look what have done!" Malakas na sigaw nito."You...you...tsk!" Di mapatuloy ang sasabihin dahil sa galit na nararamdaman.
Tumalikod na lamang si Sir at pumasok ng bahay. Tarantang dumating naman sila Nanay Sol kasama ang mga katulong.
"Anyari, Sir?" Tanong kaagad ni Nanay Sol dito.
"Tanungin mo sa babaeng yan." Galit na sabi nito sabay turo sa akin."D*MN!" Mura nito at nagpatuloy na ulit sa paglalakad habang basang-basa.
Napagilid naman ang mga katulong nang dumaan ito. Ramdam nila ang galit na galit na isang Damon Reid Kingston dahil panay 'tsk' ito habang naglalakad. Nagdadabog pa rin na pumanhik na ito sa taas.
Napasinghap pa sila sa gulat nang marinig ang malakas na pagsara ng pinto ng kwarto nito halos mag-echo iyon sa loob ng bahay.
Napatingin naman sila sakin at ako ang iniisip nilang dahilan ng pagkasira ng mood ni Sir. Dahil sa kataranduhang ginawa ko, nag-peace sign na lamang ako kay Nanay Sol sabay nilubog ang sarili sa pool dahil sa kahihiyan.
**End Of Flashbacks**
Nararamdaman kong mapapalayas ako wala sa oras sa pamamahay na ito. Di ko na kailangan mag-expect dahil mangyayari talaga dahil sinira ko ang araw ni Sir Damon. Kung hindi man ako papalayasin, panigurado pag palagi niya akong nakikita sa pamamahay na ito, mainit na palagi ang dugo niya sa akin.
Kasalanan ko 'to kaya i-career ko na ito.
Nandito na ako ngayon sa kwarto ko, nakaupo sa higaan habang sinusuklayan ang mahaba kong buhok. Di ko maiwasang mandiri sa kwarto ko dahil maliit lamang ang espasyo at may naka-stock pa na mga gamit panlinis dito na nagpapasikip dito. Isa lang ang bintana at patay-sindi pa ang ilaw. Pag nasa mood naman ito, maayos naman ang ilaw niya.
Pansin ko nga, magkakasama sa isang kwarto ang mga katulong dito, except sakin na naiiba at mag-isa lang. Pero ang unfair dahil ang pangit ng kwarto ko at parang stock-an ito ng mga gamit.
Feeling ko nga hindi ako nagku-kuwarto ng ganito. Para akong nakahiga sa malambot na kama at hindi itong higaan ko ngayon na ang nipis ng foam at isa lang ang unan. May kumot rin pero manipis rin.
Mas lalong nakaka-unfair dahil walang electric fan dito pero sa kwarto ng mga katrabaho ko, meron. Tatlo pa! Unfair di ba?
Parusa na talaga ata 'to sakin ni Sir. Makulit talaga ata ako noon at hanggang ngayon na wala akong maalala, makulit pa rin ako. Di ba? Double kill ako kay Sir. Hay naku talaga!
Feeling ko may gumagapang sa binyi ko kaya sa sobrang gulat mabilis tiningnan ko naman ang legs ko. Nanlaki na lamang ang mga mata ko nang makakita ng ipis na nasa legs ko.
Sumigaw na lamang akong napakalakas.
Parang baliw na lumabas ako ng kwarto ko habang sumisigaw. Nang makita kong may taong papunta sa kwarto ko, mabilis hinila ko ito paalis sa kwarto ko. Nang malayo na kami, pumwesto ako sa likod nito at niyakap ito patalikod.
"May ipis! Ah! Ayaw ko ng ipis!" Sigaw ko pa rin sa sobrang takot.
Hindi umimik o gumalaw lamang ang taong niyakap ko. Nagtaka ako dahil napakabango ng damit niya. Kahit nakapikit ako, feeling ko amoy mayaman ito. Dahan-dahan ko iminulat ang mata ko at lumayo dito sa pagkakayakap sa likuran nito.
Dahan-dahan itong humarap at napasinghap na lamang ako sa gulat nang makita si...
Sumigaw na lamang ako ng napakalakas ng makita sa pisngi nito ang ipis. Tila lumipat ang ipis sa kanya na kanina na nasa legs ko.
Patay! Kasalanan ko na naman ito.
"Sir, ipis!" Sigaw ko sabay turo sa pisngi niya. Nagsisigaw pa rin na nailagay ko ang mga kamay ko sa pisngi ko.
"What?" Bulalas nito.
Gumapang na lamang ang ipis sa mukha nito. Pagtingin niya malapit sa kanyang ilong ay nanlaki na lamang ang mata niya nang makita nga ito.
Nagtatalon naman ito sa takot at pinapagpag ang mukha. Paikot-ikot siya habang pilit inaalis ang ipis sa kanya. Matagumpay na naalis naman niya iyon at lumipat sa akin. Napunta na naman ang munting ipis sa dibdib ko.
Nakasuot ako ng sandong puti at saktong sa clevage ko sumakto ang ipis.
Sumigaw na naman ako ng napakalakas.
"Ipis!"
Parang baliw na nagtatalon-talon ako.
"Stop! Stop! Aalisin ko!" Sabi niya sa akin.
Dahil sa hindi ako makalmado, mabilis naman dumapo ang kamay ni Sir sa dibdib ko. Kasamaang palad, pagdapo ng kamay niya para kunin ang ipis, nakaalis na ito at dumapo sa pader.
Nanlalaki mata na natigilan naman kami pareho nang nakahawak siya sa dibdib ko. Sabay na napatingin kami sa isa't-isa at bakas sa aming dalawa ang pagkabigla. Dahan-dahan napatingin ulit kami sa kamay niya sa dibdib ko at balik ulit ng tingin sa isa't-isa.
"Bastos!" Sigaw ko at mabilis na sinapak ito ng napakalakas.
Napahiga naman si Sir sa sahig at nawalan ng malay.
Patay! Kasalanan ko na naman.
****
"Ouch!" Sambit ni Sir Damon habang nilalagyan ng ice ang pisngi niyang namamaga. Para tuloy siyang sinuntok at nakatanggap ng mga pasa."Nanay Sol, paki-hinaan. Masakit." Parang bata na reklamo niya dito.
"Sige, hijo."
Nilalagyan niya ito ng ice sa pasa nito. Sino pa ba ang dahilan nagkaroon ng pasa sa napakaguwapo niyang mukha? Kailangan ko pa talaga sabihin? Kasalanan ko na naman.
Minamalas ka pa naman. Hays!
Nilapag ko naman sa tapat nito ang basong naglalaman ng juice. Nandito kami sa kusina ngayon.
"S-sir, pinagtimpla ko kayo ng juice. Ma-malamig yan, mabawas-bawasan lamang ang init ng ulo nyo---"
"You!" Galit na turo nito sa akin na dahilan hindi ko napatuloy ang sasabihin ko."Sinira mo ang araw ko ngayon!" Panunumbat nito.
"P-pasensya na, Sir. Sino di makakasampal e nakahawak ka sa dibdib k---" di ko ulit napatuloy ang sasabihin ko nang magsalita ito.
"Get out!"
"O-opo." Parang di nakabasag ng pinggan na lumabas ako ng kusina.
Di ko tuloy maiwasang masabunutan ang sarili ko. Kasalanan ko lahat ito. Dapat hinayaan ko nalang ipahawak kay Sir ang dibdib ko. Tutal, guwapo naman siya. Just kidding!
Paglabas ko ng sala, naabutan ko naman ang mga katulong na palihim na nagchi-chismisan. Tatlo sila habang nagtitipon sa isang sulok.
"Kahit kailan talaga, malas sa buhay ni Sir ang babaeng iyon." Sabi ng isang katulong na hanggang balikat ang buhok.
"Sinabi mo pa!"
"Hoy! Tumahimik kayo! Anak pa rin siya ni---" di napatuloy ang sasabihin nito nang makita akong paparating."Andyan siya." Mahinang sabi niya sa mga kabigan niya.
Nang makita ako nito, mabilis na nagwatak-watak ito at pumunta sa ibang direksyon. Pero may naiwan naman na isang katulong. Aalis na din sana ito nang hinarangan ko ang dadaanan nito.
"Bakit?" Pagsusungit nito sa akin.
"Saan ang garden dito?" Tanong ko. Di ko pa nalilibot dito. Dahil nga nawalan ako ng alaala kaya di ko alam ang pasikot-sikot sa pamamahay na ito.
"Kuya Rayyen!" Tawag nito sa isang lalaki na dumaan.
Mabilis naman pumasok ito sa loob ng pamamahay. Base sa pananamit nito, hardenero siya dito.
"Bakit?" Nakangiting tanong nito pagkalapit.
"Tinatanong niya kung nasaan ang garden. Dalhin mo siya doon para makalayo-layo kay Sir. Binibigyan niya kasi ng kamalasan ngayon," malditang wika nito. Ang sungit! Kung ayaw niya sakin, 'di wag! Over my dead body!
"Tara, Ma'am---isteh Miss." Yaya ng hardenero sa akin halos namali pa ito ng tawag. Di nga talaga ako nababagay na matawag na Ma'am dahil isang katulong lamang ako dito.
Nakangiting sumunod na nga ako dito.
****
"Wow. Ang ganda naman ng garden dito." Manghang sabi ko.
Isa-isa kong nilapitan ang iba't-ibang klase ng bulaklak at inamoy.
"Mukhang namiss ka ng mga alaga mo Ma'am---isteh Miss. Hehehe." Namali na naman na sabi ni Rayyen. Nalaman kong bente-tres palang siya at five years na siya nagtatrabaho dito bilang hardenero.
"Ah? Alaga ko?" Takang saad ko.
"N-no'ng di ka pa nawawalan ng a-aalala, palagi ka nandito. Ikaw nag-aalaga sa kanila, hindi ako. Ngayon lang ako nakakapagdilig dito nung na-aksidente at na-coma ka." Nautal na kwento nito.
"Talaga? So, mahilig ako sa mga bulaklak at halaman." Manghang turan ko at mabilis inamoy ang sampaguita. Nilanghap ko pa ito dahil sa sobrang bango. Di mawala sa labi ko ang malaking ngiti.
"Oo, Ma'am--- Miss pala." Namali ulit na sabi nito."Sige, maiwan na kita. May iti-trim pa ko doon." Paalam nito.
"Salamat, Rayyen."
Umalis na nga ito naiwan ako dito.
Nakangiting tumakbo ako nang makitang may fountain dito. Pagkarating ko doon, di mawala sa labi ko ang magandang ngiti ng makita ang naglalarong mga tubig doon. Ang sarap sa mata at ang presko dito.
Nalimutan ko kaagad ang nangyari kanina dahil dito. Ang gaan ng pakiramdam ko, nare-relax ako.
Napatingin na lamang ako sa isang direksyon. May maliit na tulay doon at maliit na fishpond. Di nagdalawang isip na pumunta kaagad ako doon. Pagkarating sa tulay, namangha na lamang ako nang makita ang mga isdang naglalangoy sa tubig.
"Ang cute!" Manghang sabi ko.
Natigilan na lamang ako nang makarinig ng di pamilyar na boses sa akin.
"Anaih?"
Napalingon naman ako.
Nakita kong may lalaking nakatayo at papunta rin sana sa tulay. Hindi ko siya kilala at parang ngayon ko lang siya nakita. May angking kaguwapuhan rin siyang tinataglay at pananamit nito ay tulad na tulad kay Sir Damon.
Takang-taka na nakatingin lamang kami sa isat-isa.