Nandito na kami sa harap ng restaurant. Mukhang mas lalong gumanda ngayon ang restuarant ha. Hindi ako nagsisi na si Emily ang pinamanage ko dito, habang wala ako. Naisipan kasi naming dito kumain kasama ang iba ko pang kaibigan. Kinakabahan nga akong pumasok e, baka makita ko siya sa loob at hindi ko alam ang gagawin ko. Pero hayaan na nga. Matagal ng panahon ang lumipas, dapat ng kalimutan ang nangyari. " Welcome home! " sigaw nilang lahat ng makapasok kami sa loob ng restaurant. Sarado ngayon ang restaurant kaya kami-kami lang ang tao dito. Kasama syempre ang nagtatrabaho dito sa restaurant ko. " Welcome home, Mayumi. " nakangiting bati sa akin ni Emily saka yumakap sa akin. " Thanks. " sabi ko at niyakap din siya pabalik. " Ehem! " Napatingin naman ako kay Kuya Mike na nasa tab

