* Niko POV * Nandito kami ngayon sa bar, ilang araw na rin kaming pabalik-balik dito dahil kay Kevin. Simula nong umalis si Nicole, walang araw na hindi siya umiinom. Siguro sobra talaga siyang nasaktan ng malaman niyang umalis si Nicole na hindi man lang namin napatawad. Pero ramdam ko, ramdam namin lahat na napatawad na niya si Nicole. Magluluksa ba siya ng ganito kung hindi niya pa napapatawad si Nicole. " Pre, tigilan mo na kaya yang kakainom? Wala namang magandang idudulot yan sayo e. " sabi ni Kent kay Kevin na patuloy paring umiinom. Tiningnan lang siya nito sandali saka umiinom ulit. Napabuntong hininga nalang kaming tatlo. " Huwag kayong makialam. Kung gusto niyong uminom. Uminom rin kayo. " sabi niya ba sa amin. Nagbago na talaga siya, mas lalo yatang nagdagdagan ang kasun

