Kinabukasan hindi na ako umuwi sa amin para kumuha ng gamit. May gamit naman ako dito e. Yun nga lang kunti lang uniform ko para sa school at kunting damit. Hindi naman kasi ako madalas pumupunta dito e. Dito lang talaga ako matutulog kapag nagkataon na ihahatid ako ni Kevin sa apartment. Matapos kung mag-ayos at kumain, inilock ko muna yung pinto ng apartment ko para makasigurado na walang makakapasok. Pero kahit merong makakapasok dyan, wala naman silang makukuha e, dahil wala naman akong gamit sa loob. Kahit TV nga wala? Sofa rin wala? Ang meron lang ako ay yung gamit sa kusina yun lang. So! Wala talaga silang makukuha sa loob ng bahay. Pagdating ko sa school, naabutan ko si Kevin sa labas ng gate habang nakasandal sa pader. Napaayos naman siya ng tayo ng makita niya ako. " Anong gin

