Nakarating ako sa bahay na mga 2:30 ng umaga palang, kaya nakapatay pa ang mga ilaw sa bahay namin. Tulog parin ang mga tao, kaya walang makakita sa akin pagdating ko. Sino ba naman kasing magigising 2:30 lalo nat ang sarap-sarap pa ng tulog mo. Hindi ko naman pwedeng buksan ang gate ng bahay namin, dahil baka magising ko lang sila. Kaya iniwan ko nalang ang sasakyan ko sa harap ng mansyon namin at saka umakyat sa pader. Wala naman sigurong magtangkang magnakaw ng sasakyan ko no? Kung may magnakaw man nito? Matutunton at matutunton ko parin dahil nilagyan ko itong ng tracking device. Nakapasok na ako sa loob kaya nagmamadali naman akong pumunta sa harap ng kwarto ko saka umakyat. Hindi naman pwedeng pumasok ako sa may pinto diba? Nang makapasok na ako sa kwarto ko, dumiretso ako sa ma

