Gabi na ng makarating kami sa resort nina Kevin, matagal-tagal din kasi ang byahe papunta sa resort nila. Kahit gabi na kita parin yung ganda ng resort nila, kita mo rin kung gaano kalawak ang lugar dito. " Magpahinga muna tayo, bukas nalang tayo mamasyal. " sabi ni Niko. " E ang maligo.. pwede? " nakangiting sabi ni Yassy. " Hindi pwede. " pagkontra naman ni Kent sa kanya. " Eh, bak- sabi ko nga. " natawa nalang kami sa pagbago ng mood niya. Pano ba naman kasi sinamaan siya ng tingin ni Kent, kaya ayun hindi na siya kumontra pa. " Gusto mong maligo? " napatingin ako kay Kevin. " Hmm....bukas nalang, gusto kung ikutin muna ang buong lugar dito. " nakangiting sabi ko sa kanya. " Kung yan ang gusto mo sasamahan kita. " sabay gulo niya ng buhok ko. Inis naman akong inalis ang kamay

