Wala man lang pag-alala yung mukha niya. Hindi man lang siya natakot sa maaaring gawin nong lalake sa kanya. Napansin kung isa-isang nilapitan ng mga waiter at waitress ang mga table para pagsabihan at pakalmahin ang mga customer. Napansin ko kasing meron iba dito na gustong makialam sa gulo. Pero dahil sa mga waiter, umupo nalang sila at manuod. Habang ako hindi mapakali dito sa inuupuan ko habang nakatingin sa kanila. " Worried na worried ha! " pang-aasar sa akin ni Yassy. Hindi ko nalang siya pinansin at natuon lang ang tingin ko sa kanila. " Ano ba ang nangyari don at bakit bigla nalang sinampal ng kasamahan niyo ang lalakeng yun? " curios na tanong ni Henry. " Binastos po kasi ng customer ang kasamahan namin. Alam niyo naman po. Bawal po ang pangbabastos sa restaurant namin.

