Pagdating namin sa park agad namang tumakbo si Mikki sa loob ng court. Hinabol ko nga dahil baka madapa, papagalitan pa ako nila kuya. Inalagay ko naman yung bag na dala ko na may laman ng pangpalit na damit ni Mikki. Mahirap na baka mapawisan siya at magkasakit. Pagkatapos non nilapitan ko si Mikki para makipaglaro sa kanya. Nakakapagod nga, kasi kailangan ko pa siyang buhatin para mashot niya yung bola niyang maliit. Hindi naman pwedeng malaking bola ang gagamitin niya dahil hindi niya yun kaya. Pero kahit ganun masaya parin ako kasi kasama ko ang pamangkin ko. Iniwan ko muna si Mikki sa gitna ng court dahil kukuha ako ng towel para sa pawis niya, pawisan na kasi sa paglalaro. Pagkaharap ko nakita ko si Mikki na napapalibutan ng limang lalake. Dali-dali akong lumapit dito at doon

