Maagad akong nagising para sanang magluto ng breakfast namin ni Emily. Kaya lang nauna yata siyang nagising sa akin. Dahil pagkagising ko nakahanda na yung unifirom ko at merong naring pagkain na nakahanda sa kusina. Kaya ang ginawa ko nalang naligo, pagkatapos nagsuot ng damit at saka nag-ayos. Kumain ako ng niluto niya saka nagtoothbrush at umalis. Dumaan muna ako sa bahay namin at nakipaglaro kay Mikki matagal na kasi akong hindi nakikipaglaro sa kanya at isa pa namiss ko narin yung bata na yun. Sandali lang naman ako don, nagpalipas lang ng oras. Pagkatapos ng kunting laro kay Mikki umalis narin ako sa bahay. Pagdating ko sa school, nagtaka ako dahil sa tuwing dadaan ako sa mga student. Nakatingin silang lahat sa akin at yung mga tingin nila parang may ginawa akong malaking kasalanan

