Kagaya ng napag-usapan namin, Ate Vhynne at Papa na ang tawag ko sa kanila. Madalas silang gumagala sa bahay kaya nakakapag-usap kami. Hindi na ulit itinanong ni Ate Vhynne ang resignation ko dahil sinabi sa’kin ni Mama Fe na hindi naman papayag si Papa at balak pa nga raw na bigyan ako ng mataas na posisyon sa kumpanya. Sinabi ko sa kanila na gusto kong manatili sa pagiging secretary ni Ate Vhynne dahil marami akong natututunan sa kanya, pumayag naman sila. Alam na rin nila na anak ako ng may-ari ng Letrodo Wind Inter-Asia Inc. kaya binabati nila ako kapag dumadaan ako sa harap nila. Sinabi ko naman na empleyado pa rin ako rito kaya hindi na nila kailangan na bumati sa’kin. Hindi ko naman sila mapipigilan, hindi lang ako sigurado kung kailan ako masasanay. Naging mas maayos a

