Nandito na kaming magkakaibigan sa bahay. Halos lahat nga sila ay naka-simangot. Pinilit lang yata sila ni Dan na tumulong sa’min. Pagkatapos ng makabagbag-dadamin at kakaibang proposal na nangyari kagabi ay sinabi niya sa’kin na event organizer ang kausap niya para sa espesiyal na event sa kumpanya nila at hindi alam ni Daddy Ivan ang pakikipag-usap niya sa organizer na iyon. Actually, asawa iyon ng totoong kausap ni Dan, nagkataon lang na may sakit ang lalaki kaya ang asawa nito ang nakipag-kita kay Dan. Alam niyo ang nakakaloka? After niyang sabihin na magpakasal na kami ay hindi na ulit namin iyon napag-usapan. Pinagti-tripan ba niya ako? Hindi ko nalang din itinanong dahil pag-uusapan naman din namin iyon sa mga susunod na araw. Wala nga rin yatang alam ang mga kaibigan namin

