Iniiwasan talaga ako ni Marco kaya mas nahihirapan ako na kausapin siya. Kasama pa naman namin siya sa Tagaytay para sa aayusin naming project. Hindi ko nga alam na kasama si Marco kaya hindi ako makakilos nang maayos. Awkwardness? This is not me! Ni hindi ko nga alam kung ano ang ibig sabihin niyan dati pagkatapos ngayon ay nararamdaman ko pa? Ang isa ko pang iniisip ay ang pag-stay namin sa guest house nila Dan. I have no idea kung nandoon siya dahil simula noong mapag-usapan na ire-resume na ang project, hindi nila binabanggit si Dan. Marami kaming memories ni Dan sa guest house na iyon at may sarili pa kaming kwarto roon kaya hindi ko maintindihan kung sa project ba ako kinakabahan, sa pag-iwas ni Marco, sa mga ala-ala na nabuo sa bahay na iyon, sa posibilidad na makita ulit si Dan

