Nang makaalis si Nigel ay nilapitan ni Elaine ang doktor at sinampal ito. "Ibinenta mo ko, how dare you?!" Galit niyang sigaw.
"At ano ang gusto mong gawin ko, hayaan na lang siya na laslasin ang leeg ko? Hindi kasi ikaw ang nasa lugar ko kaya hindi mo alam kung gaano ang takot ko kanina."
"Kahit na! Bakit mo sinabi lahat, kailangan mo bang gawin yun? Sinabi mo pa na gusto kong dispatsahin ang lecheng Nathalie na yun!"
"Bakit, totoo naman a? Huwag mong asahan na pagtatakpan pa kita. Kung hindi ako magsasalita, ako naman ang malilintikan...... Ayoko nang maugnay pa sa kasamaan mo, ito na ang pagtatapos ng kasunduan natin dahil magku-quit na ko."
Bigla itong sinunggaban ni Elaine sa kolyar. "Bastard! Hindi mo ko puwedeng iwanan sa ere nang ganito, bawiin mo ang sinabi mo kay Nigel. Linisin mo ang pangalan ko, ngayon din!"
Marahas na inalis ng doktor ang kamay ng babae sa kanyang damit. "Tama na! Ano ba ang tingin mo kay Mr. Sarmiento, kulang-kulang na basta na lang maniniwala kapag binawi ko ang mga nasabi ko na? Alam mo Ms. Elaine, dapat mo nang ihanda ang sarili mo kung paano mo haharapin ang kahihinatnan nitong ginawa mo. Kung kilala mo na si Mr. Sarmiento, alam mo na rin siguro kung ano ang puwede niyang gawin."
Natakot si Elaine nang mapagtanto ito. Ito ang unang kasalanan na nalanatad sa kanya, ngunit nalalaman niyang tapos na siya sa pagkakataong ito. 'Tama! Kung magiging successful ang surgery ni Nathalie, hindi na ko puwedeng manatili pa dito.' Agad n'yang hinubad ang suot na hospital gown at nagpalit ng damit, dinampot n'ya ang lahat niyang gamit at nagmamadaling lumabas ng kuwarto. Kukunin n'ya ang pagkakataon na ito para tumakas habang abala si Nigel kay Nathalie.
Halos magkandabangga-bangga na si Nigel sa mga nakakasalubong n'ya, balak n'yang puntahan ang surgery center. 'Nathalie, pakiusap, huwag mong ituloy.' Sinunggaban n'ya ang nasalubong na nurse at agad tinanong. "Nasaan ang surgery center n'yo?"
Hindi pa man tapos ang nurse sa pagsasabi ng direksyon ay agad nang tinungo ni Nigel ang direksyong itinuturo nito.
Humihingal nang marating ni Nigel ang naturang silid, nasa tapat siya ngayon ng pinto. Papasok sana siya nang bigla itong magbukas. Lumabas ang isang babae na nakasuot ng surgeon clothes, caps at mask. Nagulat ito nang tumambad sa kanya ang isang guwapong lalaki. "Excuse me, may kai–"
Bago pa man matapos ay agad itong pinutol ni Nigel. "S-si Nathalie, yung asawa ko, nasa loob ba siya?" Tanong n'ya na may bakas ng pag-aalala.
"A, si Ms. Nathalie? Yes po, nasa loob po siya." Nagkaroon ng simpatya sa mukha ng babae ngunit hindi iyon nakikita dahil naka-mask ito.
"A-ano? N-nasa loob na siya?" Gulat na tanong ni Nigel, ang kanyang pagkataranta at takot ay muling bumalik. "N-no, No! Stop the surgery! Hindi na siya magpapa-surgery!"
Pinigilan siya ng babae nang tangkain niyang pumasok sa loob. "Sir, hindi po kayo puwedeng pumasok, on-going pa po ang operasyon!"
"Ang sabi ko ay itigil n'yo na ang surgery! Hindi mo ba ako narinig? Kakasuhan ko ang ospital n'yo kapag hindi n'yo inilabas ang asawa ko!" Sigaw ni Nigel na naka-agaw sa atensyon ng mga nurse na nagdadaan doon.
Lumapit ang dalawang male nurse at sinunggaban si Nigel sa magkabilang bisig.
Nang halos magwala na si Nigel ay muling nagbukas ang pinto ng surgery room at lumabas ang isang may-edad na babaeng doktor. Tinanggal nito ang kanyang mask at sumimangot. "Ano't nagkakaingay kayo? Alam n'yo namang nasa surgery center kayo, diba?"
Kumawala si Nigel mula sa dalawang male nurse at humakbang palapit sa babae. "Nasaan ang asawa ko? ilabas n'yo siya kung hindi ay idedemanda ko kayo at ang ospital n'yo."
Tumaas ang kilay ng doktora. "A, so ikaw pala ang EX-HUSBAND n'ya."
Natigilan si Nigel nang maalala'ng divorce na nga pala sila ni Nathalie.
Sumingasing ang doktora. "Hump! Hindi ba divorce na kayo? And since hiwalay na kayo, wala ka na dapat pakialam pa sa affairs niya dahil hindi ka na responsable pa sa kanya."
"Wala ka na'ng pakialam doon, ilabas mo siya!" Sagot ni nigel.
Dinukot ng doktora ang isang nakatiklop na papel mula sa kanyang bulsa "Gusto kong ipakita ito sayo, heto't tingnan mo." Iniabot n'ya iyon kay Nigel.
Natigilan si Nigel nang makitang isang letter of consent pala iyon. 'Ang i-ibig ba nitong sabihin ay.... willing talaga si Nathalie na..... sumailalim s-sa surgery?' Muli niyan'g sinubukang pumasok sa surgery room habang nagsisisigaw. "Nathalie! Nathalie! Huwag mong ituloy, lumabas ka diyan!"
Sinenyasan ng doktora ang dalawang lalaking nurse na huwag itong pigilan.
Pagpasok ni Nigel ay wala siyang nakitang tao, wala doon ang kanyang hinahanap. Makakahinga na sana siya nang maluwag dahil inisip niyang maaaring hindi na natuloy ang operasyon nang magsalita ang doktora sa kanya likod.
"Wala na si Nathalie, matagumpay naming na-ialis ang puso n'ya. Mababasa mo sa letter of consent na ni-request din niya na i-donate din ang iba pa niyang healthy organs sa mga nangangailangan. Mr. Sarmiento....... I'm very sorry."
Tila tinamaan ng kidalt si Nigel sa narinig. "A-anong..... sabi mo?"
Bumuntong-hininga ang doktora. "Dinispose agad namin ang katawan niya ayon na rin sa request n'ya, matapos naming makuha ang mga dapat kunin sa kanya. Kaya pasensya na kung hin–" Nagitla siya nang bigla siyang sunggaban ni Nigel.
"Hindi ako naniniwala sayo!.…... Isinusumpa ko, idedemanda ko talaga kayo kapag hindi n'yo s'ya inilabas!" Tila mawawala na sa sarili si Nigel, ngunit hindi dahil sa may pagtingin s'ya sa dating asawa, kundi, dahil sa responsabilidad. Paano na lang n'ya haharapin ang kanyang mga magulang at ang mga magulang ni Nathalie kapag may nangyari dito?
Muling siyang sinunggaban ng dalawang lalaking nurse at hinila palayo sa doktora.
"Kung gusto mong magsampa ng kaso, gawin mo. Hindi ako natatakot dahil wala akong nilalabag. Sinunod ko lang ang kahilingan ni Nathalie, at ang letter of consent ang ebidensya."
Hindi pa rin mapaniwalaan ni Nigel ang naging desisyon ng dating asawa. "P-pero bakit? Bakit basta na lang niya itinapon ang buhay niya nang ganun-ganun na lang?"
Ngumisi ang doktora. "Hindi mo talaga alam? I see, Mr. Sarmiento, ngayon ko lang na-realize kung gaano ka kahina."
Tila hindi ito naunawaan ni Nigel. "W-what do you mean?"
"Hindi mo ba alam na may depresyon ang asawa mo? I mean, ang dati mong asawa?"
"D-depression?"
"So, mukhang hindi mo nga alam hanggang ngayon. Well, hindi ko lang alam kung gaano kalala ang depresyon n'ya, pero kapag tumitingin ako sa mga mata n'ya, parang nakikita ko na rin ang paghihirap n'ya. Walang buhay ang mga mata n'ya kaya hindi na ako magtataka kung bakit naisip niya na sumuko na lang. Sinabi n'ya na ang desisyon n'ya ay para sa'yo, dahil gusto ka niyang maging masaya."
Nag-angat ng tingin si Nigel sa doktora, makikita sa kanyang mga mata ang pagtatanong at ang kalituhan. 'P-para maging masaya ako? Anong ibig niyang sabihin?'
Tila nabasa ng doktora ang katanungan sa kanyang isipan. "Mahal ka ng asawa mo...."
Ang napapaisip pang si Nigel ay napamaang at natigilan sa narinig.
"Isinuko n'ya ang buhay n'ya para mabigyan ng pagkakataong mabuhay pa ang kalaguyo mo, idinonate n'ya ang puso n'ya yamang isa s'ya sa right donor. Alam mo kung ano tuloy ang naging tingin ko sa isang katulad mo, Mr. Sarmiento? You're such an unworthy scumbag!"
Hindi umimik si Nigel, nakayuko lamang ito na wari'y tinatanggap lang ang sermon ng kanyang magulang. 'M-mahal ako ni Nathalie?........ Yes, I'm such a scumbag. Naniwala ako kay Elaine, hindi ko akalain na may masama pala siya'ng intensyon kay Nathalie.' Bumakas ang kalungkutan sa kanyang mga mata. 'Elaine, kailangan mong maging responsable sa ginawa mo, patawarin mo sana ako.' Sa kabila ng kasamaan ng babae ay mahal pa rin niya ito, ngunit nagbabanta nang mawala iyon nang tuluyan nang iabot ng doktora ang isa pang sulat mula kay Nathalie:
"Ibinilin ito sa kin ni Nathalie, ang sabi n'ya ay ibigay ko raw ito sa'yo kapag hinanap mo s'ya. Diyan ko din nalaman ang nangyari sa inyong dalawa. Alam kong mali ang pakialaman yan, pero hindi ko napigilan ang curiosity ko kung bakit s'ya gumawa ng ganitong desisyon." Pagkabigay ng sulat ay umalis na ang doktora at iniwan si Nigel sa silid.
Agad iyon binasa ni Nigel:
"June 2, 2018, nasunog ang villa n'yo at na-trapped ka sa loob. Naalala ko na injured ang binti mo nun dahil sa paglalaro mo ng basketball. Akala ko ay hindi na kita makikita pa, kaya sa takot ko ay naglakas-loob akong sumugod sa loob para iligtas ka."
Natigilan si Nigel, inunawa niyang mabuti ang kanyang nabasa. Nagtaka siya nang husto kung bakit tila sinasabi ni Nathalie sa sulat na ito ang nagligtas sa kanya mula sa sunog tatlong taon na ang nakalilipas. 'Hindi ba't si Elaine ang nagligtas sa akin?' itinuloy n'ya ang pagbabasa.:
"Naalala ko na nasunog ang puwitan mo...." Halos masamid si Nigel sa sariling laway nang mabasa iyon. Ang kanyang puwitan ay halos ma-toasted na dahil sa sunog at iyon ay talagang nakakahiya. Walang ibang nakakaalam niyon kundi ang doktor na gumamot sa kanya at ang mga nurses na naroon, ang kanyang mga magulang at ang taong nagligtas sa kanya....... Natigilan siya nang magkaroon ng reyalisasyon:
Naalala n'ya nang minsang naglalambingan sila ni Elaine, tinanong n'ya ito bilang paglalambing kung na-aalala pa ba nito kung anong parte ng katawan n'ya ang nasunog, ngunit hindi ito makasagot. Ngayon ay nauunawaan na n'ya, dahil hindi talaga ito ang nagligtas sa kanya; kundi, ang mismong asawa nya–si nathalie.
Ang nakalulungkot na katotohanang ito ay nagpalambot nang tuluyan sa mga tuhod ni Nigel. Paluhod s'yang bumagsak sa malamig na sahig. 'A-anong ginawa ko?....... So, all these years, si Nathalie pala ang totoong mahal ko?'