Chapter 6

1314 Words
"You will stay here hanggang sa ganapin na ang kasal nyo ni Lord, Shienna" sambit ng kanang kamay ng may Lord nila bago ito yumuko sa harap ko. Agad na napakunot noo ako ng marinig ko ang sinambit nya. "What do you mean? Shienna? Who's Shienna" nagtatakang tanong ko sa kanang kamay. Malay ko ba kung hindi pala ako ang kausap nya. Well actually, after akong hatakin ng 'My Lord' nila ay ipinagkatiwala nya naman ako dito sa kanang kamay nya. "Shienna means queen in our place, Shienna" nakayuko pa ring sambit nya. Napaismid naman ako sa sagot nya. Tsk! Queen their face! Inirapan ko naman agad sya. "Eh bat ka nakayuko?" naiinis na tanong ko sa kanya. I don't want this kind of treatment. "Bilang pagpapakita ng paggalang at respeto sa itinakdang Shienna" seryosong sambit nya. Napa taray agad ako dahil sa walang kwenta nyang sagot. "Weh? Meron pala kayo non?" lumunok ako bago sya irapan. "I'm very sorry to my unacceptable treatment to you and to your friends before, Shienna. I'm just doing my job as a loyal servant of My Lord" maikling sambit nya habang nakayuko pa din. "Tsk" mailkling sambit ko. Hindi ko naman kaylangan na makipag sundo sa lalaking to o kahit sino pa man dito, dahil makakaalis din kami agad dito. Makakatakas at makakauwi din kami. Konting tiis lang at makakagawa din kami ng plano at paraan para makawala sa lugar na'to. "You should take a rest, Shienna. Kakaylanganin mo nang sapat na lakas para sa Royal Wedding na gaganapin mamaya. Kung may kakaylanganin pa po kayo ay pindutin nyo lang ang red button na malapit sa higaan sa loob ng inyong silid. Kung wala na po kayong tanong ay mauuna na ko, Shienna" mahabang paliwanag nya atsaka sya lalong yumuko bago tumalikod sakin ngunit agad ko syang pinigilan. "Wait" pagtawag ko sa kanya dahilan para agad syang lumingon sakin. "What is it, Shienna?" nagtatakang tanong nya sakin. Napalunok ako bago ko ikuyom ang kamao ko na nakapwesto sa likod ko upang hindi nya makita. "W-What is your name?" maikli kong tanong hindi para makilala talaga sya at makipag kaibigan. May gusto kasi akong itanong sa kanya at ang chaka naman kung tawagin ko syang 'kanang kamay'. "I am Grim, Shienna" napatango tango ako. Apaka kisig ng name. "A-ahmm Grim, can I ask you about my friends?" napakunot noo sya sa tanong ko. "They're surely fine." maikling sagot nya. "How'bout my boy bestfriends?" mabilisang tanong ko ulit sa kanya. Baka biglang umalis ih. "Same as your girl bestfriends. My Lord will take care of them so relax, Shienna" How can I f*cking relax in this sh*tting place?! Assh*le! "U-Uhmm, how'bout my boyfriend? Galen?" Agad syang napakunot noo na parang may hindi maganda sa sinabi ko. "You have no boyfriend only fiancee, Shienna. Only my Lord" maikling sambit nya bago ulit tumalikod "And his name is Lord Cassius Fuller, your soon to be husband" sambit nya sabay alis. ***•••*** Two days ang nakalipas ng maganap ang 'Royal Wedding' namin ni Cassius. Actually kahit kasal na kami ay nararapat pa rin daw na tawagin ko syang 'Lord' but the hell I care? As if naman na Lord ko talaga sya. Tsk. Hindi kami taga dito at wala kaming balak na magtagal pa ng mga kabigan ko. Idinaos ang napakagrandeng kasal dalawang araw na ang nakakalipas. Nakilala ko ang mga magulang at nagiisang kapatid na babae ni Cassius nung araw na yon. Dumalo sila sa kasal. At nung malaman kong nagmula sila sa maynila ay halos lumuhod na ko sa pagmamakaawa para lang isama nila kami sa pag uwi nila. But I was wrong. Mali ako ng hiningan ng tulong. Dahil ultimo pamilya ni Cassius ay takot din sa kanya. Taga maynila din si Cassius at mayroon silang napakadaming negosyo don. Yon ang kwento sakin ni Cassie, ang kapatid nyang babae. Mayaman at kilala sila pagdating sa usaping business. At eto pa lang lugar na to ay nasa dulo ng gubat. Gubat kung saan binili ito ni Cassius para sana tayuan ng mga building para sa kanyang dagdag negosyo ngunit nakita nya at nakilala ang mga taong naninirahan dito. Dahil tuso daw si Cassius ay imbis na tayuan ng mga building ay ginawa nya na lang private place nya to kung san naninirahan den ang ibang pamilya dito. Kumuha daw si Cassius ng isa sa pinaka magagaling nyang tauhan sa maynila at pinapunta dito para sanayin ang mga tao dito sa pakikipaglaban. Kaya hinid nakakapagtaka na halos lahat ng tao dito ay may mga armas. And ang hindi ko makakalimutan na sinabi sakin ni Cassie ay may mga nakatagong sikreto pa daw sa lugar na to na tanging ang mga taga dito at si Cassius lang ang nakakaalam. Minsan nga napapaisip ako kung eto na ba yung time sa buhay ko na makakakita ako in face-to face ng aswang o bampira? Kasi look, nasa tagong lugar sila, malay ko ba kung may something na palasa kanila. Or maybe, isa silang kulto! Jusko po! Si Cassie lang ang nakausap ko nung araw matapos ang kasal at dalawang araw na rin akong walang nakakausap ngayon pwera sa sarili ko at sa mga tagapagsilbi nila dito na dinadalhan ako ng pagkain. And yes! Tama kayo ng iniisip. Two days straight na kong nakakulong sa napaka laking kwartong to! Tulog, pagkain, ligo, toothbrush at pagkatulala lang ang ginagawa ko sa isang araw then mauulit ulit kinabukasan. Ang kapal ng mukhang pakasalan ako tas iiwan lang ako dito?! God! I miss my bestfriends! Kamusta na kaya sila? And my boyfriend Galen, kamusta na rin kaya sya? Kumakain kaya sya ng maayos? Galit kaya sya sakin? Hayst. Alam kong masakit na makita mo ng harap harapan na ikasal ang taong mahal mo sa iba. Pero ginawa ko lang naman lahat ng to, para sa kanila ih. Lahat ng tagarito ay imbitado non sa kasal. And pag sinabi kong lahat, as in lahat. Even my bestfriends. At labis labis ang tuwa ko ng makita kong ligtas pati si Phil. Ligtas silang lahat ngunit si Rhea ay hindi ko nakita nung araw na yon. Yung araw ng kasal. Hindi ko rin naman natanong sa mga kabigan ko dahil ang higpit ng bantay non. Walang pinapalapit sakin kahit sino, well except kay Cassius. Nasan na kaya si Rhea? Kasama ba sya ngayon nila Oli? Oh God! kamusta na rin kaya si Oli?! I forgot she's--- "Shienna, narito po ang Lord" "Ay pregnant!" bigla kong naisigaw dahil sa gulat. "What the hell Grim?! Uso manggulat?!" "You what?" at halos mapako ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang boses na yon. B-Bakit sya nandito?! A-Akala ko ba one week pa sya sa maynila para sa company nya?! "Ah---" sasagot na sana ako ng bigla ulit syang magsalita. "Leave us alone Grim" sambit nya dahilan para yumuko si Grim na nasa hamba ng pinto bago tumalikod at umalis. Lalo tuloy akong pinagpawisan at kinabahan! "Now tell me, what is that pregnant thing your talking about?" malamig ngunit seryoso nyang tanong sakin. . Napalunok ako dahil sa kabang bumabalot sa buong katawan ko. His manly posture and body. His perfect curve of face. His pointed nose, his d*mn lips and hell! His attractive blue eyes! Parang mas nakakadagdag kaba ang itsura nya. Ang badboy ng look at parang walang magandang maidudulot sa napaka inosente kong buhay! "Nava Ellis-Fuller!" "Ay Fuller!" napasigaw ako sa gulat kasabay non ang bahagya kong pagtalon dahil sa malakas nyang sigaw na bumalot at nag echo sa buong kwarto. "Ano ba?! Narinig ko!" sigaw ko ulit. "Then tell me what is the f*cking pregnant are you talking about" maotoridad nyang sambit. Napataray naman ako. Apaka bossy. Padabog akong umupo sa gilid ng kama tsaka sya hinarap at nginitian ng matamis. "I'm pregnant. Aren't you happy? Akala ko pa naman matutuwa ka" kunwareng nagtatampo kong sambit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD