Sa palagay ni Knight, sila na ata ni Aisha ang pinaka-weirdong ikinasal. They met in a wrong place and in a wrong way, napagkamalan nilang kalaban ang isa't-isa. Isang araw nalaman nilang kailangan nilang magpakasal, at heto sila ngayon trapped on an Island. He got a beautiful wife that he can't touch. They were only married for the sake of his father and in due time they have to file an annulment. They will be separated. His father said that it is the only way para ma-protektahan si Aisha, but why would he want to protect her? Why would he ask his son to marry her at her age? And his brother like this girl. Pino-protektahan ba ng ama nila ang babaeng ito para sa kapatid niya? This girl is supposed to be Kingson's wife o baka naman gusto lang i-trap ng ama nila ang kapatid niya upang masunod ang mga gusto nito at ang kapalit ay si Aisha. Isa lang ang alam ni Knight. "HE'S DAD IS EVIL TO MANIPULATE THEIR LIVES."
CHAPTER 1
"TUMIGIL KA NGA! Hahalikan kita diyan eh!" Seryosong pahayag ni Jin na ikinatahimik ni Aisha. Itinuloy naman ni Jin ang paglilinis ng paa nito. Sumusulyap-sulyap pa siya sa mukha ni Aisha pero iwas naman nang iwas ng tingin si Aisha.
Heto na naman sila. Bakit ba naman kasi isiningit pa ni Jin ang word na halik. Nagiging awkward na naman tuloy si Aisha sa kanya.
"Look Aisha, hindi ako manyak I kissed you because..." Nag-isip si Jin. What is he gonna say? f**k! WHY DID HE KISSED HER? It's normal, right? A guy kissing a girl? It's freakin' normal! Ilang babae na ba ang nahalikan ni Jin? Sa Bar, kapag may nang-se-seduce sa kanya, sa States when girls greet him! Pero it's all normal for those girls. Paano kay Aisha?
"Because?" may diin sa tanong ni Aisha. Iniisip na niya na PERVERT din si Jin katulad ni KNIGHT! Magkapatid nga sila!
"Because... I LIKE YOU." Seryosong sinabi ni Jin. Nag-blush yata si Aisha, natahimik siya. She suddenly felt her heart beat fast.
ANSABE RAW NI JIN?
'BECAUSE I LIKE YOU.' all caps pa na ulit ng kunsensya niya.
Hindi ba ang tagalog nun ay "may gusto ako sa 'yo?"
'MAY GUSTO SI JIN SA AKIN?' epal na tanong ng shungang kunsensya niya. English kasi eh!
Napakurap-kurap pa si Aisha. Bakit ganito ang kunsensya niya? Ang labong kausap?
"May gusto ka sa 'kin?" Hindi makapaniwalang tanong ni Aisha kay Jin. Nakaturo pa siya sa sarili niya. Ayaw kasi sumagot ng kunsensya niya kaya kay Jin nalang niya tatanungin.
"Kailangan ba ulitin ko pa?" Nawi-weirduhan na naman si Jin sa kausap. He like this girl. Tama, may gusto nga siya kay Aisha. Gusto niya si Aisha. Kailangan paulit-ulit?
"Oo..." Namimilog pa ang mga matang tumango-tango ang dalaga.
Saglit na tumahimik si Jin at seryosong tumingin sa mga mata ni Aisha at saka muling binigkas ang mga katagang... "I LIKE YOU..."
Bahagya pang napanganga si Aisha. Ano ba'ng pinagsasasabi ni Jin? Pinaglololoko na naman yata siya eh! Kaya naman bago pa i-deklara ni Jin na joke lang ang lahat ay inunahan na niya ito.
"Gago! Huwag mo nga akong niloloko! Nakakatawa ka! Hahahaha!" Sinuntok pa ni Aisha ang braso nito habang tumatawa.
"I'm serious here!" Napipikong sabi ni Jin. Napaka-slow talaga ni Aisha! How can she not believe him when he's so serious?
"HAHAHAHAHAHAHA!!!!"
"Ah ewan! Tss!" Hopeless na si Jin. "Funny right? I like someone who's about to get married?" patuloy pa niya. Tapos diniinan niya yung sugat ni Aisha sa paa.
"ARAAAAAAAAAAAAAAAAAAAY!" Reklamo nito sabay sinapok si Jin. Napahawak naman si Jin sa ulo niyang tinamaan ng mabigat na kamay ni Aisha tapos ay itinulak pa niya yung paa ni Aisha na nakapatong sa hita niya.
"Ewan ko sa'yo tumayo ka na! Hayan yung tsinelas na binili ko. Suotin mo!" Utos niya kay Aisha. Sinunod naman siya nito at iika-ikang lumakad pasunod kay Jin na nauna nang naglakad. Napansin naman ni Jin na iika-ika si Aisha kaya walang sali-salita na binuhat niya ito. Iyong buhat na parang nangingidnap lang? Parang isang sako ng bigas na nakapasan si Aisha sa balikat niya.
"Hoy! Ibaba mo 'ko! Hoy!" Sinuntok-suntok naman ni Aisha ang likod ni Jin. Ang lakas lang niya sumuntok kaya naman pinalo ni Jin ang pang-upo ni Aisha kaya saglit itong natahimik. Napangisi pa si Jin. Finally! Nanahimik rin ang kasama niya pero lingid sa kaalaman niya ay ina-analize lang nito ang naganap na pagpalo ni Jin sa puwitan niya. Kaya nang makasigurado si Aisha na iyon ang naganap ay mariin na kinurot niya ang likod ni Jin kaya binitawan siya nito. Napahiga si Aisha sa damuhan at si Jin naman ay napaluhod at namimilipit sa sakit ng kurot ni Aisha.
"Ang sakit! Bakit ka nangurot?!" sigaw ni Jin.
"BAKIT HINAWAKAN MO ANG PWET KO?" Singhal ni Aisha rito. Pulang-pula pa ang mukha niya.
"Ang pervert mo rin eh!" Bumangon si Aisha at nauna nang maglakad nang paika-ika pero kapag minamalas ka nga naman at talagang sinandya pa ng pagkakataon na biglang umulan nang malakas! Bumangon naman si Jin at tumakbo. Nilagpasan niya si Aisha.
"Hoy! Hintayin mo 'ko!" Sigaw ni Aisha dito. Grabe lang! Mang-iwan daw ba? Huminto naman si Jin. Basang-basa na silang dalawa.
"Ayoko! Baka kurutin mo ulit ako!" Sigaw pa nito kay Aisha. Animo'y isang bata na natatakot sa kanya.
"Hindi na! Aaaaahhhh! Ang lamig!" Niyakap ni Aisha ang kanyang sarili habang iika-ika pa rin na lumalapit kay Jin. Matitiis ba naman siya nito? Siyempre hindi! Kaya naman nilapitan din siya ni Jin at pinasakay siya sa likuran nito. Napapangiti lang si Jin habang nasa likod niya ang dalaga. Kakaiba rin talaga itong si Aisha, para siyang si Coco. Mabagsik pero maamo. Mailap pero malambing. Hay... Jin, Jin, Jin... iba na yata iyang nararamdaman mo.
Sa taxi palang ay nakatulog na si Aisha kaya naman nang marating nila ang mansyon ay binuhat nalang siya ni Jin. Mantika rin kasi matulog itong si Aisha. Kahit anong yugyog ang gawin niya ay ayaw talaga nitong dumilat.
"KINGSON!" Galit na galit na sinalubong ni Knight ang kapatid na buhat pa si Aisha. Mukha namang antok na antok ang dalaga. Mula sa bisig ni Jin ay kinuha niya ito kaya naman hindi na nakatanggi pa si Jin.
"We'll talk later!" Mariing sabi ni Knight na binuhat na si Aisha papunta sa silid nito. Tumawag siya ng mga babaeng taga-silbi para mabihisan si Aisha. Nilalagnat ang fiancée niya. Lumabas muna si Knight at pinuntahan ang kapatid niya sa silid nito. Pagbukas na pagbukas ng pinto ay sinalubong nya agad ito ng suntok.
"Damn it Kingson! Saan mo ba dinala si Aisha!? Nagpa-ulan pa kayo! Nilalagnat ang Fiancée ko! Dalawang araw nalang ikakasal na kami dumidiskarte ka pa rin ba?" Bulalas ni Knight. Buong araw siyang pagod kaka-ayos sa kasal nila ni Aisha. It should be a perfect wedding. Ipapalabas sa T.V ang kasal nilang iyon. Marami pang kailangang aralin si Aisha, wala na silang oras. At si Coco! Paano nalang kapag nalaman ni Aisha na kinuha ng PHILIPPINE ANIMAL WELFARE SOCIETY si Coco? Nakalabas kasi ito ng mansyon kanina!
"You said I can marry her after you two annul your marriage?!" Makahulugang sabi ni Jin habang pinupunasan ang dumugo niyang labi sa suntok ni Knight.
Itinulak siya ni Knight kaya napaupo siya sa sahig. "Back off bro! Tantanan mo si Aisha!" Sabi ni Knight at tumalikod na siya.
Nang pumasok si Knight sa silid ni Aisha ay nadatnan niya itong natutulog. Napalitan na ito ng damit ng mga servants nila. Napatitig siya rito. Ang likot yata matulog ng babaeng ito? Bakit naman napakaikli ng ipinalit na damit kay Aisha? Nakalihis pa ang kumot? Naka-dapa pa ito sa kama, purple nighties ang suot nito, silk pa! Yung kumot naman ay nakalihis sa bandang hita niya at nabo-bother si Knight! Hindi kaya na-a-akit siya sa stupid at maton na si Aisha? This Dufus girl? Fiancée niya?
He 'tsked' sabay iwas ng tingin mula sa nakaka-akit na view pero maya-maya pa ay napatingin na naman siya rito, hinatak nalang niya ang makapal na kumot at ikinumot iyon nang maayos kay Aisha pagkatapos ay hinipo niya ang pisngi nito.
"Ang taas ng lagnat niya." Sabi ni Knight sa sarili at kinuha ang service phone na kunektado sa silid ng mga katulong. Nagpakuha siya ng basang twalya at malamig na tubig.
Pinagtiyagaang punasan ni Knight si Aisha, sa mukha, leeg, braso, pati binti at paa, hindi na siya nag-alangan pa. Nang matantiya niya na bumaba na ang lagnat nito ay nagpasya na siyang umalis pero biglang hinatak ni Aisha ang braso niya.
"Waaah Coco! Na-miss kita!" Sabi pa nito nang hatakin siya dahilan para mapahiga si Knight sa tabi ni Aisha. Dumantay pa ito kay Knight. Nakapulupot pati hita nito sa kanya habang ang ulo naman ni Knight ay hinihimas-himas nito. Napagkamalan niyang si Coco si Knight at dahil sa pagod din si Knight ay hinayaan nalang niya si Aisha hanggang sa hindi niya namalayang nakatulog na pala siya.
…
Maagang nagising si Jin kinabukasan. Nag-aalala siya kay Aisha, magaling na kaya siya? Nagtanong siya sa mga katulong kung lumabas na si Aisha mula sa silid nito. Ang sabi ay hindi pa raw.
"Eh si kuya gising na ba?" tanong pa niya muli sa katulong
"Mukhang tulog pa po, sir. Hindi pa nag-jo-jogging sa garden si ser Knight. kadalasan ho ganitong oras ay nasa garden na siya eh." sabi pa ng katulong.
"Ah ganun ba? May spare key ka ba ng silid ni Aisha?" Alang aning tumango naman ang katulong at ibinigay iyon kay Jin.
Nagmamadaling tinungo ni Jin ang silid ni Aisha. Pagbukas niya ay agad siyang pumasok at tinungo ang kama.
..
NAALIMPUNGATAN si Aisha. Pakiramdam niya'y ang sarap-sarap at ang haba ng tulog niya. Hinihimas himas pa niya ang ulo na yakap-yakap niya. Nakatapat pa iyon sa pagitan ng leeg at dibdib niya. Ramdam niya ang init ng hininga ng alaga niyang si Coco, ina-amoy-amoy pa niya ang ulo nito.
"Ang bango-bango mo naman Coco. Naligo ka ba kahapon?" Inamoy niya muli ang ulo nito.
"Hmmmmnnn sino'ng nagpaligo sa'yo?" Hinalik-halikan pa niya ang ulo nito.
"Ummmnn..." Umungol si Coco? Wait lang... bakit ummnn? Hindi ba dapat ay roar?
"What the he—" Gulat na bulalas ni Jin sa nadatnan pero bago pa niya matapos ang sasabihin ay tumili na si Aisha. Tila nagulat din ito sa kung sino ang yakap niya at hinahalik-halikan.
"Waaahhh!!!" Agad na itinulak ni Aisha si Knight at sinipa niya ito kahit nakahiga pa siya.
Bagsak si Knight sa sahig! Napabangon agad ito at halatang nagulat sa mga pangyayari.
"HOLY s**t! WHO DID THAT?" Sapo pa nito ang pang-upo niyang tumama sa sahig.
"Ano'ng ginawa mo sa'kin?! Ang manyak mo waaahh!" Nagtalukbong pa si Aisha, wala siyang maalala. Basta ang alam niya ay katabi niyang natulog si Coco!
"WHAT DID YOU DO?!" Hinigit ni Jin si Knight sa damit nito. Marahas namang tinanggal ni Knight ang kamay ni Jin.
"Tss. Ako na ngang nagmalasakit ako pa'ng napasama. You guys are ridiculous! Really! And you there Dufus get up!" Hinawi niya ang kumot ni Aisha kaya nalantad ang suot na maikling nighties nito. Napa-iwas naman ng tingin ang magkapatid at nagmadaling tumayo naman si Aisha.
"ANO?!" Malakas na tanong nito, pagkatapos ay bumulong pa siya habang masama niyang tiningnan si Knight na sa ibang direksyon parin nakatingin. "Tong Pervert na 'to! Hmp!"
"Anong sabi mo?" Singhal ni Knight na napatingin din kay Aisha. Narinig niya kasi ang bulong ng dalaga. Ehem! Calling him a pervert is a crime... tsk.tsk.tsk.
Napakagat labi naman si Aisha, mukha ngang narinig ni Knight. Paano nalang kung parusahan siya nito?
"Wala po, master." Iwas tinging sagot ni Aisha. Agad namang lumapit si Knight sa kanya kaya medyo nagulat pa si Aisha.
"Anong gagawin mo?" Saad ni Jin pero hindi iyon pinansin ni Knight.
Sinalat ni Knight ang noo ni Aisha, pagkatapos ay hinipo rin siya ni Knight sa leeg... sa pisngi... sa braso... PATI SA KAMAY?
Ngumiti si Knight at tiningnan siya sa mata. "You're Ok." Sabi nito at ginulo pa ang buhok ni Aisha."Now get dressed. May bisita pa tayo mamaya." Patuloy ni Knight at lumabas na ito ng silid.
Napatingin naman si Aisha kay Jin na nakatanaw pa sa pintong kasasara lang. Nilapitan niya si Jin.
"PROBLEMA NUN?" Tanong ni Aisha kaso masyado ata siyang malapit kay Jin. Paglingon ni Jin sa kanya ay nahalikan nito ang noo ni Aisha. Napa-iwas naman si Aisha, si Jin naman ay natahimik.
"Ahhh... hihintayin nalang kita sa ano... sa garden! Sige mauna na 'ko." Nagmamadaling lumabas si Jin.
Saglit pang natulala si Aisha nang makalabas na si Jin at nang masiguro niya na siya nalang ang nasa kwarto ay agad siyang nagwala.
"Uwaahh! Anong nangyayari?" Ibinato niya lahat ng unan. Natigil lang siya nang may makita siyang maliit na timba at towel sa ibaba ng kama. May alcohol din at thermometer sa side table.
Alam ni Aisha na nilalagnat siya kagabi. Natatandaan niyang binibihisan siya ng ilang taga-silbi at ang sabi nga ng isa ay mataas daw ang lagnat niya. Pinainom pa nga siya ng gamot eh. Pagkatapos nun, wala na siyang matandaan. Basta ang alam niya katabi niya si Coco. Pero si Knight? Inalagaan ba siya nito kagabi?
Lumigid ang mga mata ni Aisha sa paligid ng silid saka tila may naalala.
"Nasaan si Coco?"
NANG makapagbihis si Aisha ay dumiretyo na siya sa Garden. Natanaw niya agad si Jin na may kausap na mga katulong at iba pang tauhan. Seryoso at mukhang problemado.
"Jin!" tumakbo si Aisha papalapit sa mga ito, natahimik sila at tila nagsesenyasan.
"Oh... Aisha!" Si Jin.
"Nakita mo ba si Coco? Kanina ko pa kasi siya hinahanap." Nakangiting tanong niya.
Nagkatinginan naman ang mga katulong at guards. Si Jin naman ay hindi kaagad nakasagot. Napakamot pa ito sa ulo kaya nakahalata naman si Aisha.
"ANONG PROBLEMA? Nasaan si Coco?" Bumaling si Aisha sa isang lalaking guard.
"Ah eh... ma'am kasi—" She cut him and punched him in the face.
"IKAW!" turo niya dun sa isa pa. "SABIHIN MO SA'KIN!"
"Ma'am nakalabas po... ka... ka..." Bago pa matapos ang sinasabi ng isa sa mga gwardiya ay bumulagta na rin ito sa sahig dahil sa suntok ni Aisha.
"TAMA NA AISHA!" Sigaw ni Jin. Niyakap niya si Aisha mula sa likuran.
"Makikita rin natin si Coco." Mahinang sabi nito. Ramdam na ni Aisha, nawawala ang alaga niya. Ang isang kasamang sobrang pinapahalagahan niya. Si Coco, ang tanging kaibigan niya. ANG PINAKAMAMAHAL NIYANG SI COCO!
Mula sa malayo ay natanaw ni Knight si Aisha. Yakap ito ng kapatid niya, tila pinipigilang kumilos. Hinahanap na ni Aisha si Coco! Nilapitan niya ang mga ito.
"He's safe!" Malakas ang boses ni Knight at may assurance sa tono nito.
Napabitaw si Jin kay Aisha at lumapit siya kay Knight.
"Ikaw ba'ng may gawa nito kuya?" Salubong nito kay Knight.
"Hell! NO! Masyado akong busy para pagkatuwaan pang idispatya ang alaga niya, at isa pa DO I HAVE TO DO THAT?" Pagkatapos ay tumingin siya kay Aisha. Nanibago na naman siya sa aura nito—malungkot. She is supposed to be mad right now!
"Nasaan si Coco?" Parang bata na tanong ni Aisha.
Nag-iwas ng tingin si Knight kay Aisha. Hindi siya sanay na makita ito nang ganoon. Masagwa, hindi bagay at hindi kapanipaniwala!
"Animal Welfare found him in a field nearby. May ilang mga residente ang nakakita sa kanya. He ran away nang subukan siyang hulihin ng mga tao hanggang makarating siya sa isang abandoned warehouse. I owned that warehouse. Doon ay kinuha siya ng mga awtoridad kahit pinigilan sila ng mga tauhan ko at dahil nga wala silang maipakitang papeles ay kinuha nila si Coco. Iligal ang mag-alaga ng exotic animal, Aisha. Lalo pa at kabilang sa endangered species ang lahi ni Coco."
"Hindi ko na ba mababawi si Coco?" Nakayukong saad ni Aisha. Ito na ba iyon? Maghihiwalay na sila ng pinakamamahal niyang alaga? Limang taon na ang nakararaan nang matagpuan niya si Coco sa isang bodega. She was hunting wildpigs back then. Libangan kasi iyon nilang mag-ama sa tuwing nagbabakasyon sila. Nagulat noon si Aisha sa putok ng baril. Hinanap niya ang pinanggagalingan noon hanggang sa makita niya ang isang bodega. Maraming pulis doon, may mga hinuli silang mga tao. Mabaho rin ang paligid, amoy dumi ng mga hayop. Nakita pa niya nang isa-isa at isinakay sa trak ang mga nakakulong na ibat-ibang uri ng mga hayop. Nang makaalis na ang mga tao sa paligid ay may narinig siya galing sa loob ng bodega. Humuhuni iyon na parang natatakot na aso o pusa, basta mahirap intindihin. Pumasok siya doon at natagpuan nga niya ang isang lion cub. Nasa ilalim ito ng mga kahon. Mula noon ay siya na ang nag-alaga sa cub na iyon kahit pa ayaw ng ama niya, wala naman iyong nagawa. Gusto ni Aisha eh.
"Ilang taon na ba si Coco?" Tanong ni Knight.
"Five." Nakayukong saad ni Aisha.
"Alam mo bang usually 12years lang nabubuhay ang mga lion sa wild? Kung domesticated naman sila mahaba na ang 20years. Ayaw mo bang magkaroon ng pamilya si Coco? Maaalagaan naman siya doon." Pahayag ni Knight.
Hindi naman sumagot si Aisha, nakayuko lang siya. Hindi niya namalayan na pumatak na pala ang luha niya. Kailan nga ba siya huling umiyak? Noong 8yrs old siya?
Natigilan naman si Knight nang makitang umiiyak na si Aisha, humihikbi pa ito nang lapitan ni Jin at hagurin ang likod. Sinamaan ni Jin ng tingin si Knight. Napatingin ulit si Knight kay Aisha. She is tough, why is she crying?
"f**k!" Knight sigh. "FINE I'LL GET HIM!" He finally said. Hindi rin niya natiis si Aisha. It's something new about him. What the hell?
Nang umalis si Knight ay saka sunod-sunod na nagdatingan ang mga bisita sa pangunguna ng isang British designer at mga assistants nito. Si Aisha naman ay pilit na nagpapakabait. Kanina pa kasi niya gustong saktan ang designer na nasa harapan niya. ENGLISH kasi nang ENGLISH! Dumudugo na ang ilong ni Aisha. Sinusukat kasi sa kanya ang gown niya. Ikot dito ikot doon, taas kamay, baba kamay... hassle! Nang matapos na siyang ayusan ay pinalabas na siya ng silid.
"Here Mr. Estude, check if the fitting is fine." Sabi naman ng designer kay Jin. Wala nga kasi si Knight kaya si Jin ang nag-eentertain sa mga ito. Parang siya tuloy ang groom. Kailan nga ba ang kasal? Bukas na! Mwahahahaha! Matatapos na pala ang kontrata nina Knight at Aisha. Atat na kasi si Aisha na gawin ang mga dati niyang ginagawa! Pero sana mabawi ni Knight si Coco.
Natulala naman si Jin kay Aisha. Hindi ito nagsasalita. Aisha's wearing a princess cut wedding dress na may pearl and laces accent.
"Mr. Estude?" The designer snapped his finger para makuha ang atensyon ni Jin.
"S-She's stunning! Nice Work Mr. Rodley!" Tumatango-tango pa siya kay Jin.
"Do you think your brother will like it?" tanong ng designer kay Jin.
Napakamot naman siya ng ulo. "Yeah I think so."
"Mind if you turn arround Ms. Vega?" Nakangiting sabi nung Designer kay Aisha. Tila hindi naman iyon naintindihan ni Aisha. Panay ang haplos niya sa damit niya, nagkakamot pa ng braso, sa leeg, sa likod... nangangati ata sa laces ng gown.
"Miss Vega?"
"Waahh! Ang kati!" Reklamo naman ni Aisha. "AYOKO NITO JIN!"
"Mr. Rodley, she's not comfortable with the fabric. I think she should try another one..." Jin said worriedly.
After ten minutes ay lumabas na naman si Aisha at yung designer. This time, Aisha is wearing a silk wedding dress. Mermaid cut ito, fit sa katawan hanggang balakang, backless pero elagante namang tingnan.
Jin was mesmerized by her beauty. Bagay na bagay kay Aisha ang gown. Pinaikot pa ni Mr. Rodley si Aisha. Masyado atang reveiling ang gown na yun.
"Ah... Mr. Rodley, isn't it too daring?" He asked while glaring at Aisha.
"No, it's perfect!" It's Knight! Oh well the devil is back.
Nagliwanag naman ang mukha ni Aisha at tumakbo siya papalapit kay Knight. "Si Coco? Nakuha mo na? Okay na ba siya? Nasaan na, nasa labas ba?" Tuloy-tuloy na tanong nito. Bigla naman siyang niyakap ni Knight.
"I missed you too, Sweetheart!" Sabi pa nito pagkatapos ay bumulong. "Pretend." Yeah right... siya na talaga ang best actor.
Na-gets naman iyon ni Aisha. Magpapanggap nga pala silang sweet. Mabuti na lang British yung designer at assistant nito; hindi naintindihan yung mga sinabi ni Aisha.
"Oww! What a sweet couple," sabi pa ng assistant.
"You two are Perfect for each other." Sabi ng designer habang nagtu-twinkle pa ang mga mata nito.
"Yes Mr. Rodley, she's perfect for me." Niyakap ni Knight si Aisha mula sa likuran. Parang nanigas naman ang katawan ni Aisha. Ramdam na ramdam niya ang init ng katawan ni Knight dahil backless ang kanyang suot.
Biglang tumayo si Jin "I'm out of here..." at walang lingon lingon na umalis. Asar na asar siya sa kuya niya.
Tinungo niya ang common room kung saan nandoon ang mga bisita, yung mga pinsan niya. Ang iingay pa naman ng mga yun!
"KINGSON!" Yumakap si Jasmin sa kanya. Ayan na! Nagsisimula na naman.
"How is the best man? Akala ko si Ban ang pakakasalan ni Knight. Where is she by the way?" Bungad naman ni George na kapatid ni Jasmin. Yes, you read it right! Jin is the best man sa kasal ng kuya niya.
"Atty. George Hilford! Well, well, well, Ban is hiding! You know the story, right?!" Pakikipagkamay ni Jin sa pinsan.
"Oh yeah, I know! Ikaw? Kailan ka magpapakasal?" sabi naman ni George na ngumisi pa.
"When they finally annul their marriage?" Tumawa pa si Jin. Mukhang hindi naman na-gets ni George ang sinabi niya, kumunot lang ang noo nito. Napatingin naman si Jin sa pamilyar na babae na nakaupo, parang nakita na niya ito noon pero hindi niya matandaan.
"And who is that lady? New girl, George?" Pabulong na tanong ni Jin kay George. Siniko niya pa ito habang nakatingin doon sa babae.
"HAHAHAHA!" Natawa si George, "Babe, come here..."
Tumayo naman yung babae. Elegante itong tingnan sa cream dress nito na knee length, parang model kung maglakad.
"Nice..." sabi pa ni Jin.
"Kingson, don't you remember her?" George asked nang makalapit yung babae. Inakbayan pa niya ito.
Napakunot naman ng noo si Jin. Hindi niya talaga matandaan.
"The same girl my cousin! Nagbago na 'to. One-woman man na 'to!" Slang pa na pagkakasabi ni George. Hirap kasi siyang managalog since he's half American at sa States din ito lumaki.
"LALA?!" Hindi makapaniwala si Jin. Nakilala na kasi niya noon si Lala. Ipinakilala ni George pero parang hindi naman seryoso ang pinsan niya rito. Hindi naman kasi ito kagandahan noon at maid lang ng kaibagan ni George.
"It's nice to see you again." Nakangiting bati pa ni Lala kay Jin na inilahad ang kamay niya. Hindi parin makapaniwala si Jin.
"WOW!!! You changed a lot!"
"Yes, thanks to Jasmin." Nahihiyang ngumiti pa si Lala kay Jasmin.
"EHEM!!!" Singit naman ni Jasmin, Huwag mo lang pagtatagalugin itong si Lala! Sasablay! Hahaha..."
"Ay Ati HASMIN! Binokeng mu noman aku ih!" Baling ni Lala kay Jasmin na may kasamang hampas sa braso kaya nagtawanan silang lahat.
Nabaling ang paningin nila nang bumukas ang pinto. Lumabas mula roon sina Aisha at Knight na magkaholding hands.
"Waaahhhh! Knight! OH.MY.GOD! Is that her?" Nagtititili si Jasmin na lumapit sa mga ito. Pagkatapos ay lumapit kay Aisha at niyakap ito. Nanlaki naman ang mga mata ni Aisha at nakakunot na tumingin kay Knight habang nakayakap si Jasmin sa kanya. Mukhang naintindihan naman ni Knight ang pagtingin na iyon ni Aisha sa kanya. Kanina pa kasi naaasar si Aisha kay Knight, nakakarami na ng yakap at hawak sa kamay niya ito. Ipinakilala kasi siya sa iba pang mga bisita sa kabilang silid; mga kaibigan, kamag-anak at kung sino sino pang mga taong myembro ng altasosyedad! Hirap na hirap tuloy na kumilos si Aisha.
"Hey Cuz! Baka naman hindi na makahinga ang fiancée ko." Saway ni Knight kay Jasmin. Binitawan naman ni Jasmin si Aisha.
"Uwaaahhh! Koya? Ikaw na ba yan, KOYA?" lumapit si Lala kay Knight. Tila nagtaka naman si Knight tila kinikilala si Lala. Noon kasing pinakilala ni George si Lala ay maraming in-advice si Knight dito dahil nga parehong womanizer itong si George at si Knight. Napakaraming niyang alam tungkol kay George kaya naman binuking niya lahat iyon kay Lala. Natutuwa naman siya dahil sa wakas ay tumino rin ang pinsan niya. Siya kaya? Kailan may magpapabago sa kanya?
TSS! ASA!
"LALA?" Hindi siguradong tanong ni Knight.
"Waaahh! Naalala mu pa ku, KOYA? Nakow! Salamat sa mga payu mu nun koya!"
"Hahahahahahahahahahaha!!! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!" Naiiyak na si Aisha sa kakatawa, naku- cute-an kasi siya kay Lala. Nakikita niya ang sarili niya rito. Elegante kung tingnan, ayun pala may tinatagong kapraningan. Parang siya ngayon!
Ilang oras na ang nakakaraan nang magpaalam si Aisha. Magpapahangin daw muna siya. Namimiss kasi niya si Coco. Ayon kay Knight, pinapaayos na raw nito ang mga kailangan. Dahil nga menor de edad noon si Aisha nang mag-alaga ng exotic animal ay kay Knight ipapangalan ang pagmamay-ari kay Coco. Pikit mata siyang pumayag doon makapiling lang ang alaga.
Piniling maupo ni Aisha sa ilalim ng puno. Muntik na nga siyang makatulog nang may marinig siyang nagsalita na tila may kausap sa telepono.
"Okay, so do we have a chance?... That's Great!... How is Venice.... Yeah, I missed her already. Hey tomorrow! It's my wedding don't forget! NO!... No. Hindi pwedeng pumunta si Venice sa kasal ko. MY DAD WILL FREAK THE HELL OUT! HAHAHAHA!" Palayo nang palayo ang tinig ni Knight. Aalis siguro, pupunta sa Venice nya. Hindi namalayan ni Aisha na nabunot na pala niya ang damo sa tabi niya. Nahukay tuloy ang lupa. Nakakainis kasi si Knight!
Papunta na si Aisha sa silid niya nang bigla ay may humarang sa kanya na mga nakaitim na lalaki? Magnanakaw ba sila? Balot na balot pati mukha eh.
Hinawakan siya ng isa sa kaliwang braso, sa kanan naman yung isa. Tapos ay may lumapit na may hawak na panyo na itatakip sa ilong niya. Pero sinipa nya ito! Napahiga iyon sa semento. Sinuntok niya yung nasa kaliwa at hinatak naman ang nasa kanan. Napatambling iyon na bumulagta sa sahig. Sunod na sumugod naman ang iba.
HIYA!
WAPAK!
KABOG!
BLAG!
Bagsak ang mga ito pero may mga sumugod pa. Napapagod na si Aisha. Ang dami nang mga 'to. Nasaan ba ang mga guards sa mansyon? Paano nakapasok ang mga 'to? Dahil tinatamad na siyang makipagbabakbakan ay diniinan na lamang niya ang mga pressure points ng mga kalaban kaya naman bumulagta ang mga iyon. Tumalikod na siya sa mga nakatulog na kalaban. Isusunod niya ang mga gwardyang walang silbi. Ngunit pagtalikod niya ay umalingawngaw ang putok ng isang baril!
BANG!
Tinamaan sya! Namanhid ang buong katawan ni Aisha. Unti-unti ay nahilo siya at nawalan ng malay.