CHAPTER 14 Heto na ang kinatatakutan ni Jin—ang malaman mismo sa kuya niya na mahal na nito si Aisha. Mahirap kalabanin si Knight. Kapag may nagustuhan ito—lahat isinusuko makuha lang iyon. "Don't you dare hurt her!" Kinwelyuhan ni Jin ang kuya niya at marahas na itinulak. Pagkatapos ay tinalikuran na niya ito. "Tatakas ka na naman?!" Malakas na sabi ni Knight. Kaya naman natigilan si Jin sa paglalakad. "Kaya ka laging natatalo dahil lahat ng problema mo tinatakasan mo!" Dugtong pa ni Knight. "Kung hindi ka umalis noon, hindi mangyayari ito. Edi sana asawa mo na siya ngayon. Wala kang ginawa kung hindi tumakas! Hindi ka lumalaban! Duwag!" Napaharap si Jin sa kuya nya at mabilis itong nilapitan. "WALA KANG PINAGBAGO KINGSON! Rebelde ka pa rin hanggang ngayon! Patunayan mo sa 'kin na

