Zahara's PoV
The hour was passed so immediately, nakaramdam din ako ng pagod dahil sa paghahanap ko ng trabaho and I was lucky dahil nakuha naman ako sa trabaho na pinag aplayan ko at tinapos ko narin ang mga kailangan kong gawin sa school. Being a college student is not easy though. Kailangan ng matinding hirap, sakripisyo, tiyaga at pagtitiis.
Nag unat unat ako at napatakip sa bibig ko nang may maramdamang may biglang pumasok sa bibig ko. s**t what is that?! Agad kong idinura ang langaw na pumasok sa bibig ko at halos madapa na ako sa sobrang bilis ng pagpunta ko sa banyo para mag-tooth brush. Ang ganda naman ng bungad sa'kin ng langaw na 'yon! Kairita!
"Pesteng langaw!" iritang usal ko at nakasimangot na tinapos ang ginagawa kong pag to-tooth brush. I do my everyday doings at nang matapos ko ng gawin lahat ng dapat kong gawin ay nagmadali na akong lumabas ng apartment at sinigurado ko munang nakasarado ang apartment bago ako lumabas at pumara ng jeep.
"Puno na ineng!" sigaw ng driver no'ng pumara ako ng jeep, napasimangot ako at muling naghintay ng susunod na dadaang jeep. Maya't maya rin ang tingin ko sa relo ko dahil baka ma-late na ako. Bakit ba ang tagal dumaan ng mga jeep?
Agad kong pinara ang isang jeep ng makitang may dumaan, sumenyas naman ang driver ng jeep na puno na ito ngunit hindi na ako pwede pang maghintay ng susunod na jeep kaya agad ko iyong hinabol at huminto naman ang jeep.
"Manong bibitin na lang po ako!" sigaw ko.
"Naku ineng hindi pu-pwede," sagot niya.
"Ma le-late na po ako! sige na po manong!" sigaw ko at tumuntong na sa may likuran ng jeep kung saan pumapasok ang mga pasahero.
"Sige na manong, malapit narin akong bumaba, makaka upo na siya dito," sagot ng isang pasahero napangiti naman ako at nagpasalamat sakanya at muli nang umandar ang jeep.
Napapikit ako ng maramdaman ko ang malakas na paghampas sa 'kin ng hangin, kasabay ng pag alon ng aking buhok ay natatanaw ko rin ang mga naglalakihang building at mga puno na maganda ang pagkakatubo sa lupa. Our world is full of beauty, ngunit unti unti na ring nasisisra dahil narin sa atin na mga taong naninirahan sa mundong ito, kaya naman mismong ang kalikasan na ang gumawa ng paraan upang ma agapan ang pagkasira ng ating mundo--ang pagtangal sa mga tao. Well sariling opinion ko rin naman 'yan.
Bumaba ako ng huminto ang jeep at bumaba ang babae.
"Salamat po!" pagpapa salamat ko sakanya at ngumiti naman siya at saka na ako pumasok sa loob ng jeep, muling umandar ang jeep na sinasakyan ko, napatingin naman ako sa cellphone ko ng hindi pa ako nakakatanggap ng text mula sa boyfriend ko na si lucas. Maybe I should text him?
At yun nga ang ginawa ko, nagsend ako ng message sa kanya at hindi ako agad nakatanggap ng reply mula sa kanya hanggang sa makababa ako sa luagr kung saan ako mag t-trabaho. This is it pancit! My first day working on this hotel.
Inayos ko ang buhok ko bago ako pumasok sa loob ng hotel. Taas noo pa akong naglalakad ng biglang malaglag ang shoulder bag ko sa ibaba.
My eyes widened at agad yumuko para pulutin ang bag ko. Nakita ko pa ang pag kalat ng mga laman ng bag ko sa sahig kaya naman napasimangot ako at napakagat labi.
"Aish! nakakairita naman bakit ngayon pa naputol ang string ng bag ko? kabibili ko lang naman nito nung nakaraang linggo ah?" mahinang usal ko habang inaayos ang mga gamit kong nahulog sa ibaba at hindi alintana ang mga taong nakatingin sa akin.
I was about to grabbed my powder cushion ng makita ko ang dalawang pares ng sapatos at ang pagsipa niya sa powder cushion ko. What the heck! ang mahal mahal ng bili ko sa powder cushion na 'yon!
Agad akong tumayo at hinarap ang taong gumawa no'n ngunit nakatalikod na ito sa akin habang may kausap sa telepono. Tsk walang modo.
Agad kong kinuha ang mga gamit ko at sinundan siya at dahan dahan na inalis ang sapatos sa paa ko at ihagis sa kanya dahilan ng pagkatigil niya at narinig ko pa ang singhapan ng mga tao sa paligid.
"Hoy!" sigaw ko sakanya matapos kong ibato sa kanya ang isang pares ng sapatos ko.
Agad itong lumingon at makita kung sino ang lalaking 'yon. Siya nanaman?
"What the fvck are you doing?" sambit niya ng may diin napalunok ako dahil madiin ang mga titig niya sa aking at ramdam ko ang galit niya dahil sa mga tingin niya. Ngunit hindi ko kailangan mag patalo sa mga tingin niya! He needs someone to change his brat attitude napaka pangit ng ugali niya akala mo naman ang gwapo! Well gwapo naman talaga siya pero pangit ang attitude niya. Hindi kaya bagay sakanya!
" Anong what the fvck are you doing ka jan? Hindi ba uso sayo ang salitang 'sorry?" inis na sambit ko at napakunot naman ang noo niya at nakita ko ang pagbulsa niya ng kanyang cellphone at dahan dahan niyang paglapit sa akin.
I gulped when his eyes was darted to my body. Leche! Mukhang manyak pa ata ang isang 'to!
"I don't know what are you saying but I don't have time for a girl like you so... better out of my sight and don't bother me," sambit niya ng makalapit sa akin at nakadirekta pa iyon sa aking tenga. Agad kong naramdaman ang pag tayo ng balahibo ko sa aking batok dahil sa mga salitang binitawan niya o dahil iyon sa lamig ng boses niya?
Agad ko siyang itinulak at sinampal bago nagmadaling umalis at magpunta sa front desk.
"Goodmorning miss, I'm under miss Celine for housekeeping jobs?" sambit ko.
"Goodmorning, deretsyo lang po kayo jan at makikita niyo po ang 'Rooms for housekeepers' someone will guide you there." sambit ng babae ng nakangiti, ngumiti ako sakanya pablik at sinunod ang instructions na sinabi niya at agad ko namang nakita nag rooms for housekeepers na sinasabi niya.
Pag pasok ay sumalubong sa akin si miss Celine.
"Goodmorning miss Celine," sambit ko. She smiled.
"I'm going to teach you today sa mga dapat mong gawin sa hotel specially on how to clean the hotel rooms," sambit niya at napatango naman ako.
"Don't worry miss Celine, fast learner po ako!" sambit ko.
This will be exciting.