Chapter 28 Jasmine Pov Kinagabihan ay nagising ako na may humahalik sa labi ko. Unti-unti kong iminulat ang mata ko at nakita ko si Mike na nakangiti sa akin. Sa inis ko na baka angkinin niya na naman ako ay itinulak ko siya ng malakas. Kaya napa-upo siya sa tiles. ''Ang lakas mo magtulak, ha! Bumalik na ba ang lakas mo?'' ngisi nitong tanong sa akin. Napayakap naman ako sa sarili ko nang lapitan niya ulit ako. ''huwag mo akong hawakan!'' Sigaw ko at agad naupo sa kama. ''Shhh..Ano ka ba? Ginigising lang kita para kumain. Gabi na, oh! Kaya bumangon ka na riyan,'' mahinahon niyang utos sa akin. Naka-roba pa rin ako dahil wala akong damit. ''Anong oras na ba?'' ''Pasado alasyete na ng gabi. Kaya mahaba-haba na ang tulog mo. Kaya bumangon ka na riyan,'' mahinahon niyang sabi ul

