Episode 44

2346 Words

Chapter 44 Jasmine Pov Alas syete pa lang ng umaga ay umalis na ang mag-asawa. Para bumalik sa Laguna. Dahil may aasikasuhin silang mga papelis papuntang Canada. Ikakasal na si Dr. Maurine sa boyfriend nitong Canadian. Kaya dadalo sina Janzel at Cristy. Pero bago sila umalis ay nag-aalala pa rin ang mga ito sa akin. Pero magtatawagan na lang kami. Pumasok din ako sa sa trabaho at inagahan ko na ang pagpasok sa resort baka masermonan na naman ako. Binilinan ko rin si Manang na huwag dalhin sa resort ang mga kambal. Nang sa resort na ako ay binati ako ni Sir Helton. "Hoy, Day! Mabuti naman at maaga ka. Kung hindi eh baka mapatalsik ka na sa ressort." ani Sir Helton at kumibot pa ito. "Kaya nga maaga ako pumasok para 'di ako mapatalsik. Mahirap maghanap ng trabaho, noh?" wika ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD