Aurora
Tigas ang iling ko nang sabihin ‘yon ni Sharlene. At para namang nang-aasar pa si Sir Raphael, dahil inumpisahan niyang kagatin at sipsipin ang k*ntil ko.
Ngumisi naman ang kaibigan ko. “Sus, baka mamaya, paggising ko bukas, hindi na kita katabi, ha…”
“Manahimik ka nga, Shar!” inis na bulyaw ko habang pasimpleng nilalayo ang ulo ni Sir Raphael sa likod ng kitchen island. “Mamaya, iba pa isipin no’n…”
“Eh sus, mukha namang type ka no’n. Feeling ko nga gigilitan niya na si Gideon eh.”
Kahit na nahihirapan ay ngumiti na lang ako. “Pasensya na, Shar.”
Tumawa siya. “‘Wag ka sa ‘kin mag-sorry. Isa pa, alam mo namang mahal ka ng pinsan ko. Bigyan mo rin kasi ng chance. Mabait naman ‘yon.”
Nanginig ang kalamnan ko nang bumilis ang paggalaw ng dila ni Sir Raphael. Para bang binabalaan ako sa kung anong isasagot ko. “Maybe next time…”
Ngumiti naman si Sharlene. “O siya, matutulog na ‘ko ulit. Matulog ka na rin, Aurora…”
Ilang segundo ko ring hinigit ang aking hininga hanggang sa marinig ko ang pagsasara ng pinto ng kuwarto ko. Kaagad kong nilingon si Sir Raphael na nakaupo sa sahig, bahagyang basa ang labi at ilong. Nanunukat ang mga tingin niya. Na para bang…
“So pagbibigyan mo siya ng chance, huh? How could you say that while I'm here, pleasuring you, my love? You're cruel,” ani ni Sir Raphael.
Sinabunutan ko siya. “Nasisiraan ka na ba? At talagang tumiming ka pa na kausap ko si Sharlene! Paano kung mahuli niya tayo?”
“Oh, e ano naman ngayon? E ‘di maigi, nang malaman niya at ng pinsan niya na hindi ka na puwede.”
Napapalatak ako. “Makulit ka rin, sir, e, ‘no? Um-oo lang ako na makipag-s*x sa ‘yo, pero hindi mo ako pagmamay-ari. Walang sino man ang pwedeng mag-may-ari sa ‘kin dahil wala akong balak na magnobyo—”
Tumayo si Sir Raphael. Nag-aalab ang mga mata niya, dahilan para bahagya akong mapaatras at mapasandal sa kitchen counter. “Gano’n ba, Aurora? Bakit hindi natin subukan ngayon? Kung hindi ko magagawa na mapa-ungol sa ‘yo ang pangalan ko, hahayaan kitang lumapit sa Gideon na ‘yon. Baka mag-ninong pa ‘ko sa kasal n’yo. Pero kung hindi…” Dinilaan ni Sir Raphael ang ibabang labi niya. “Sa ‘kin ka, sa ayaw at sa gusto mo.”
Kung puwede ko lang sabunutan ang sarili ko noong mga oras na ‘yon, matagal ko nang ginawa. Dapat doon pa lang tinapos ko na ang kung ano mang ugnayan ang mayroon kami.
Desidido na ako na hindi magmahal, o ang ibigay ang sarili ko sa kahit na sino. Pero pagdating kay Sir Raphael…
Mas manipis pa sa plywood ang tatag ng loob ko.
Tila nananabik na binuhat niya ako at siniil ng halik. Naipanik niya na ako sa hagdan at lahat-lahat ay magkakabit pa rin ang aming mga labi. Nang maisara ang pinto ng kanyang silid ay sandali siyang lumayo at pilyong ngumisi.
“You know what? I saw a few of your books underneath the bed, my love. Hindi ko naman alam na gano’n pala ang gusto mong tipo ng lalaki. I'll keep that in mind—”
“Sir Raphael!” saway ko sa kanya at nagpumilit na bumaba mula sa pagkakabuhat niya. “Bakit mo naman binasa ‘yong mga libro ko? Hindi naman 'yon para sa mga kagaya mo---”
Idiniin niya ang kanyang hintuturo sa kanyang labi. “Ano, gusto mo ba na matuloy ‘to, o gigisingin mo sina Sharlene sa ingay mo?”
Napalunok ako. Alam ko naman na wala nang atrasan pa. Nagawa na namin nang ilang beses, at…
Halata namang masusundan pa ‘yon nang masusundan.
Para niya akong ginayuma. Pagkatapos ng nangyari kahapon, parang may nabuksan sa ‘kin na sa tuwing tatawagin ako ni Sir Raphael, hindi mapigilan ng katawan ko na sumagot sa tawag niya. Isang haplos niya lang, nanghihina na ako. Idagdag pa ang halos gabi-gabing panaginip ko kasama ang estrangherong kasing-katawan niya, na inaangkin ako nang paulit-ulit.
At hindi ko alam kung maganda ba ‘yon o hindi. Pero siguro nga, mahina ang tao sa tukso…
At tao lang din ako.
“Mhmmm…” Naitakip ko agad ang kamay ko sa bibig ko nang ililis ni Sir Raphael ang kuwelyo ng pantulog kong suot, kasabay ng pagdadala niya sa mga labi niya sa dibdib ko sa ibabaw ng manipis na telang naghihiwalay sa labi niya at balat ko.
“You better stop yourself from moaning too loud, my love,” tukso niya bago tuluyang pinunit ang suot kong pantulog. “Nasa kabilang kuwarto lang si Sharlene at ang pinakamamahal mong manliligaw.”
“Hindi ko naman siya hinahayaan pang manligaw—mmph!” Napadiin ako ng kagat sa pang-ibabang labi ko nang maramdaman ko ang unti-unting pagpasok niya sa loob ko. Sa tantiya ko pa nga, parang mas lalong lumaki ang sandata niya kumpara noong una namin ‘yong ginawa. Mangiyak-ngiyak na napatingin ako kay Sir Raphael. “Anong—”
“Hindi mo pa nga siya hinahayaang manligaw, pero napag-iisipan mo na,” may halong selos na sabi niya bago niya ipinulupot ang mga hita ko paikot sa kanyang beywang. “At sinabi ko na sa’yo, Miss Dela Vega, ayaw ko na may kaagaw.”
“Bakit, pagmamay-ari mo ba ‘ko?” sagot ko sa kanya habang pinipigilan ang mga mumunting-ungol na nakakulong sa lalamunan ko.
Ngumisi siya na may halong yabang. “Lahat pagmamay-ari ko, Aurora. Lalong-lalo na ikaw.”
Muntik ko nang hindi mapigilan ang pagungol at pagsinghap ko nang bigla niya akong isandal sa pader at nag-umpisang bumayo. Mas marahas ang galaw niya ngayon kumpara noong una. Na para bang parusa ang binibigay niya sa ‘kin at hindi ligaya.
Nagulat ako nang bigla niya akong ibaba at pinatalikod. Nabitin ang puson ko ngunit hindi na ako pinaghintay pa ni Sir Raphael nang matagal. Nang maayos ang posisyon ko ay bigla niya na naman akong binuhat, ngayon ay nakaharap na papalayo sa kanya. Isinabit niya sa braso niya ang dalawa kong hita, at ikinawit ang kanyang mga braso sa loob ng sa akin. Nakadantay ang mga kamay ko sa likod ng ulo ko at hindi ako makagalaw. ‘Ni ang matingnan ang mukha ni Sir Raphael ay hindi ko magawa. Pero isa lang ang alam ko.
Wala sa bokabularyo niya noong gabing ‘yon ang lambing.
Ramdam ko ang unti-unting pag-agos ng dugo mula sa labi ko nang muli siyang bumayo. Bawat galaw ay parang nililindol niya ang buo kong mundo, habang pinupuno niya ang sinapupunan ko ng kahabaan niya. Hindi ako makasigaw. ‘Ni hindi ko sinubukang umungol sa takot na baka mag-ingay lang ako nang kaunti ay bigla nang magising ang mga tao sa ibang kuwarto.
“Moan for me, Aurora,” hinihingal na sabi niya habang binabayo niya ako. “Gusto kong marinig ang boses mo.”
Mariin akong pumikit, habang patuloy na ikinukulong ang mga mumuting ungol na naipon sa lalamunan ko. Nang hindi siya magtagumpay na maipaungol sa ‘kin ang pangalan niya ay saglit na huminto si Sir Raphael. Dinala niya ako sa kama. Pinadapa at bahagya niyang iniangat ang balakang ko bago muling bumalik sa mararahas at malalalim na pag-ulos ng kanyang katawan.
“Are you really that stubborn?” may inis na sambit niya habang patuloy siya sa pag-ulos. “Moan my name, Aurora. Let me hear it!”
Nang isagad niya ang sarili niya sa loob ko ay hindi ko na napigilan pa na hindi iungol ang pangalan niya. Ngunit sadyang hindi pa nakontento si Sir Raphael doon. Ilang beses pa siyang umulos nang malalalim, kasabay ng pagkalat ng mainit na likido niya sa loob ng sinapupunan ko, habang wala akong ibang magawa kung hindi ang paulit-ulit na tawagin ang pangalan niya.
“Sir Raphael…” huling bigkas ko sa pangalan niya bago siya bumagsak sa ibabaw ko, habol ang kanyang hininga.
Hinalikan niya ako sa noo bago hinawi ang pawisan ko nang buhok. “Good girl…” Pinadaan niya ang kanyang hinlalaki sa labi kong bahagya nang nagsugat. “Tsk. Don’t do this again, okay? Pour your heart out. Hindi kita huhusgahan.”
Napakunot ang noo ko. “Alin, ‘tong pagkagat ng labi ko?”
Tumango siya. Muli, ay nakita ko ang kakaibang ekspresyong nagtatago sa likod ng mga mata niya. Ngunit wala siyang sinabi ‘ni isang salita. Nanatili lang siyang nakatitig sa akin na para bang kinakabisa niya ang itsura ko. Ang mukha ko.
“Sir, bakit… bakit ako? Alam mo ba na andami nating housekeeper sa hotel na nagpapantasya sa ‘yo? May mas maganda at mas bata pa sa 'kin...” wala sa loob na tanong ko.
Umalis siya sa pagkakadagan sa ‘kin at marahan akong ikinulong sa isang mainit na yakap. Matagal din bago siya nagsalitang muli. “Kailangan ba may dahilan para magustuhan ka ng isang tao?”
Bahagyang tumalon ang puso ko sa sinabi niya. “Gusto… mo ako?”
Mahinang tumawa si Sir Raphael. “Hindi ba halata?”
Naramdaman ko ang pag-akyat ng init sa mukha ko. Naiilang na pinilit kong tumayo at kumawala sa pagkakayakap niya, pero sadyang mas malakas siya sa ‘kin. Wala na akong nagawa kung hindi ang magpakulong ulit sa bisig niya.
“Ayan, tatakbuhan mo na naman ako. Can’t you just stay for a while?”
“Pero… nasabi ko naman na po sa inyo, Sir Raphael, hindi ba? Wala akong balak na magnobyo. At baka hindi ko masuklian ‘yang nararamdaman mo—”
“Nanghingi ba ako ng kapalit?” tanong niya pabalik, bago paulit-ulit na mabagal na hinalikan ang kamay ko. “Pinilit ba kita?”
Hindi ako umimik.
“So… bakit kailangan kong huminto dahil lang hindi mo kayang suklian ‘tong nararamdaman ko?”