Chapter 1
After 11 years
{ Insert the song}
Don't say goodbye
I closed my eyes and sung the first hello
I don't know how to live without you
I don't know how to breath in life
Tell myself I'd stop everyday knowing that I won't
Because of you, because of you
It's the truth
I don't know how to sleep without you
I don't know how to fix my heart
Tell myself I'd stop everyday knowing that I won't
Even if I did I don't know, If I'd try
Do I wanna believe you think the same
I am missing you
And I want you believe same love as me
I am missing you
You've given me your one last adios, but
Why do I still wanna believe
*************
"At last this is it! bulong ni Shimmy sa hawak niyang envelope habang nakatingala sa sampung palapag ng naturang gusali na yon, pero bago tuluyang pumasok sa entrance ay may dinukot muna ito mula sa loob ng kaniyang bestida at mahigpit na hinawakan ang hugis puso na pendat na nakasabit sa leeg niya.
''Mom,Dad, kayo na lang po ang bahala sa akin na makuha ko ang intership na ito para sa graduation ko.'' Impit na dalangin ng dalaga.
Napabuntong hininga nang malalim ang dalaga at saka naglaan ng isang matamis na ngiti sa kaniyang labi. At tuluyang pumasok sa automatic sliding door ng building. Habang papasok sa malawak na pasilyo ng gusali ay 'di maiwasang humanga ang dalaga sa ganda ng bawat sulok nito.
''Hi. Good morning, Im Shimmy Fernandez. Ako po yong nag-aapply as intern,'' kabadong sambit niya mula sa matabang babae na nakaupo sa information desk.
''Just one moment Miss. Fernandez, tatawagan ko lang ang supervisor just to inform na nandito ka na. You can sit for a while,'' sabay turo nito sa isang mahabang upuang marmol kung saan ay may iba ring mga aplikanteng nakaupo at naghihintay .
''Thank you, Maam.'' nakangiting tugon niya rin dito at tinungo ang marmol na upuan.
Matapos ang ilang minutong paghihintay ay tinawag ang pangalan niya.
''Ms.Fernandez, you can proceed to the 4th floor now. Please." may inabot itong I.d sa kanya (VISITOR)
She kindly thank her and walk over to the bank of elevator where there are two securities standing beside each elevator. Isang matamis na ngiti ang ibinigay niya sa mga ito't gumanti naman ng ngiti ang dalawang security sa kaniya. Pinindot ng isa sa mga ito ang open button ng elevator at ilang segundo lang ay nagbukas ito at tuloy'tuloy siyang pumasok sa loob. Habang nasa loob na siya ng elevator 'di pa rin siya mapakali sa sobrang kabang kaniyang nararamdaman. Ilang ulit niyang pinagmasdan ang sariling repleksyon sa salaming nakakabit sa tatlong sulok ng elevator.
Agad siyang sinalubong ng isang naka uniform na babae na sa tantiya niya ay sekretarya ng supervisor.
''Sumunod po kayo sa akin,'' magalang na sabi nito sa kanya at nagpatiuna nang lumakad sa kaniya.
Habang nakasunod ang dalaga ay 'di niya maiwasang maikumpara ang sarili sa sinusundang empleyada. Naiiling na pinagmasdan niya ang kaniyang sarili.
Nang nasa tapat na sila ng silid na inookopahan ng supervisor na mag-iinterview sa kaniya ay 'di niya maiwasang kabahan at panginigan ng tuhod.
"Just come inside no need to knock the door Ms.Fernandez, Mr.Maorillo is waiting for you inside," sabi nito na may tipid na ngiti sa mga labi at bumalik na ito sa inookopahang cubicle.
She was standing there shakily trying to suppres her nerve. She push the doorknob and stumble through, stripping over her two own legs and falling her head first to the office. Her hands and knees in the doorway of Mr. Maorillo's office.
Abala ang dalawang lalaki sa pagdidiskusyon sa mga maling files ng kompanya nang biglang bumukas ang pinto at inuluwa nito ang dalaga at bumulagta sa sahig. Gulat na napatayo si Terrence mula sa kinauupuang swivel chair at agad na tinungo ang dalaga upang alalayan itong makatayo.
''Are you alright, Miss?" tanong ng binata sa nag-aalalang boses.
''Ahm, um, tha-thank you sir,'' namumula ang pisngi ng dalaga kaya agad niyang binawi ang braso na hawak pa rin ng lalaki. She feel so embarrassed.
Agad namang lumapit ang may edad na lalaki sa dalawa.
''So you're Ms.Fernandez, the intern that Mrs.Cordero recommend us to work ? may pagkasarkastikong tanong nito sa kaniya.
''Ahm, ye-yes sir," namumulang alanganing sagot ng dalaga rito.
''Ms. Fernandez let me introduce you the president and owner of this company, Mr.Terrence Silva.'' pagpapakilala nito sa lalaking kaharap.
Isang tipid na ngiti ang ibinigay niya sa lalaking kaharap at 'di magkaugagang inilahad ang kanang kamay dito.
''Go-good morning po, sir,'' nauutal na bati niya sa lalaki.
Halos hindi makatingin ng diretso si Shimmy sa lalaking kaharap dahil sa bilis ng t***k ng puso niya na tila may kung anong bagay ang gustong lumabas mula rito.
''Nice to meet you, Ms. Fernandez,'' sabay abot sa palad niya at hinagkan ito ng banayad na siya namang ikinagulat ng dalaga at ni Mr. Maorillo.
She withdraw her hand hastily, embarrassed.Must static .She blink rapidly her eyelids matching her heart rate.
''Ahm... if youll excuse me sir, can I have the moment to interview her?'' sarkastikong tanong ni Mr. Maorillo sa lalaking hindi pa rin tumitinag sa pagkakatitig sa kaniya.
''Ahm, Im sorry. Ahm.. of course Mr.maorillo, you can.'' napapahiyang sambit ni Terrence at dire- diretsong lumabas ng pintuan.Shock na sinundan ng tingin ng dalaga ang lalaki.
''Ahem! Ms.Fernandez, iinterview-hin ba kita, oh, tutunganga ka na lang diyan, nakataas ang kilay na tanong nito sa kaniya.
Dagli at taranta namang lumapit ang dalaga rito at inabot ang hawak na envelope.
Pasalampak na ibinagsak ni Terrence ang katawan sa sofang nasa inookupahang opisina nito.
''Ano yong ginawa mo Terrence? Why do you have to do that for?'' asik na tanong niya sa sarili habang mariin na sabunot ang buhok at naihilamos na lamang ni Terrence ang mga palad sa mukha nang maalala ang mukha ng dalaga with paled brown-haired girl with brown eyes, her lips that every one would be willing to kiss gently and romantically.
''Woahh! Mr.Terrence Silva, is that you? hindi ganon and standard priority mo pagdating sa babae, youre a very singular person,Terrence remember that?" ipinilig-pilig pa ng binata ang ulo at dinampot ang papeles na kanina pa pala naghihintay sa kanya na suriin ito.
Ngunit nang buklatin na niya ang papeles ay ang mukha ng dalaga ang lumabas at nakikita niya, pabalibag niyang ibinaba ang papeles na hawak at marahas na nagpakawala ng hangin sa bibig.
Mahihinang katok ang gumising sa katinuan ng binata.
''Come in,'' pilit na pinapakalma ng binata ang boses.
''Sir? Mr.Maorillo is here, he wants to talk to you, do I let him in, sir?'' alangang tanong ng sekretarya nito habang nakasilip sa maliit na sawang ng pinto.
''Yes, let him come in,'' mahinahon na sagot niya dito.Maya maya pay bumukas ulit ang pintuan at inuluwa nito ang matandang lalaki na si Mr. Maorillo.
''What was that for Terrence?'' sitang tanong nito na ang tinutukoy ay ang pangyayari kanina sa opisina nito. Matagal ng magkatrabaho ang dalawa at parang tatay niya na ito kung ituring kaya gano'n na lamang siya nito sitahin.
Ngunit tanging titig lang ang isinagot niya sa tanong ng supervisor.
Itinaas na lamang ni Mr. Maorillo ang dalawang kamay tanda na suko na ito at naiintindihan siya nito.
''I approve her internship, she will work automically tomorrow with you, as your temporary P.A. I asked Cherry to look after her at turuan ng mga bagay na gagawin niya as your temporary P.A,'' pag-papaalala nito sa kaniya.
''So if youll excuse me, I have to go, ichecheck ko pa yong mga details ng last year files natin para maisubmit ko na sa'yo ang full statement ng company.'' pamamaalam na sabi nito at naglakad na patungo sa pintuan.
Naiwang amaze si Terrence sa isiping magiging P.A niya ang dalaga at kung may anong ligaya siyang naramdaman na nagpangiti sa kanya.