Chapter 2
Nice to meet you, Ms. Fernandez, He said in a seducing voice with eye contact on her.
He's tall, dressed with a fine black suit, white shirt and black tie, with unruly dark colored hair and intense, bright dark eyes that regards me shrewdly and make him more attractive.
"ATTRACTIVE! ATTRACTIVE..!napabalingkwas ng upo ang dalaga at mariin na naihilamos ang mga palad sa pawisang mukha.
Those words still echoing on her mind.
"Attractive," mahina niyang sambit sa sarili.
"Jeezz! anong salita ba ang sinasabi ko?!" pagmamaktol ng dalaga.
Anong oras na ba?" tanong niya sa sarili at siinilip ang nakasabit na wall clock malapit sa kusina 5:35 pm Napatayo na ng tuluyan ang dalaga. Nakaidlip pala siya habang nirerevised ang mga papers niya para sa finals nila.
Nasa ganoong posisyon ang dalaga nang marinig nito ang pagmamaktol ng tiyan.
"Aray--"
Napangiwing hinawakan ng dalaga ang kanyang tiyan at mabilis na tinungo ang kusina.
Nang makarating sa kusina ay agad na naghanap ng madali niyang lulutuin, dahil gusto na niyang matulog ulit.
Isang payless at dalawang itlog ang nakita niya at napagpasyahan niyang magnoodles omellete na lang siya.
Habang nagbabatil ng itlog ang dalaga ay biglang sumagi sa isip niya ang binata at ng hagkan nito ang likod ng palad niya.
"Jeezzz! ba't ba pumapasok ka sa isip ko?" iritadong sambit ng dalaga na 'di namamalayang natatapon na pala ang binabatil na itlog.
"Hoy! Ms.Shimmy Fernandez, ano sa palagay mo ang ginagawa mo sa itlog ha!?" sitang tanong nito sa kaniya, na hindi man lang niya namalayan na dumating na pala ito.
"A-aah" walang mahagilap na tugon ni Shimmy sa kaibigan.
"Akin na nga yang itlog at ako na ang magbabatil. ihanda mo nalang 'yong kawali," pahablot na kinuha nito ang hawak niyang bowl na naglalaman ng binabatil na itlog.
Matapos na kumain ang dalaga at agad itong nagpaalam sa kaibigan.
"Bru, matutulog na ako ulit. Maaga pa akong gigising bukas, ikaw na muna ang taya sa pagliligpit at paghuhugas ng mga kalat natin." Nakangiting sambit ni Shimmy sa kaibigang si Shean bago tuluyang tumayo sa kinauupuan.
"Shi--" naka-awang ang bibig na naiwan ang kaibigang si Shean.
"Talaga kang babae ka! Hayyy naku!naku--! Kung hindi lang kita mahal ay ewan ko lang!"
Napapailing na nakangiti ang dalaga habang pinakikinggan ang pagmamaktol ng kaibigan. Dahan-dahan niyang inilalatag ang katawan sa kama. Pakiramdam niya para siyang nakainom ng sleeping fills at niyayaya siyang matulog ng mahabang oras.
Nasa gano'ng posisyon ang dalaga nang sumagi sa kanyang isipan ang dalawang lalaking tila nagpapaligsahan sa kanyang puso.
"Jerome, magbabalik ka pa ba?" bulong ng dalaga sa sarili na hindi nito namamalayan ang pamamasa ng kanyang mga mata.
"Je-Jerome, bumalik ka na please!" Impit na hikbing pakiusap niya at mahigpit na hinagkan ang unang katabi.
Pilit na ipinikit ng dalaga ang mga mata kahit na hilam ang mga ito sa pagluha.
--