Nakalapit na nga si Kelly sa bakal na gate at nagkubli lamang siya sa likod ng van. Hindi naman siya makapaniwala na pinayagan siya nina Ash na sumugod mag-isa sa kota nina Gamarillo. Kung tagumpay man niya na mailigtas ang lalaki, sisingilin talaga niya ito ng kapalit. Hindi kasi niya inisip na mabibigo lamang siya sa pagligtas kay Vin, dapat think positive lang, ika nga. She would rescue Vin and both of them would walk out of this in one piece. Nagulantang nalang siya nang marinig niya ang putok ng isang baril. Kinakabahan siya at halos nanigas sa kinatayuan niya. Tinig naman ni Ash ang pumukaw sa kanya. "Final target locked in. Fire on my command..okay ready," Three.. Two.. One... Someone high overhead, nakita niyang may lumilipad sa himpapawid. And it had just launched its pair o

