"Hoy Kelly, gumising ka na." Naalimpungatan siya. The helicopter was still vibrating, thumping loudly around her. Vin was leaning forward, his hand resting on her bare knee. She drew in a quick breath of surprise. Shucks! Nakatanday ang isang binti niya sa hita ni Vin. Ano nalang ang sasabihin ng kumag at ng mga kasamahan nito? "Nasaan na tayo?" inaantok pa na saad niya. "Almost there." She didn't even bother to ask where "there" was. Kung gusto talaga nitong malaman niya kung saan, eh di sinabi na sana nito. Napabuntong-hininga na lamang siya. "Gaano ba ako katagal nakatulog?" "Tatlong oras lang naman." Wow. Ang bilis naman ng helicopter na ito, umabot na ng tatlong oras? Maybe two hundred miles per hour ang takbo nito. That means they could be anywhere up to six hundred miles away f

