Tinitigan lang ni Kelly ang boat control at hindi naman siya makapag pokus dahil nakatitig din sa kanya si Vin. Sa tuwing titigan kasi siya ng lalaki ay parang manlambot siya. Focus lang Kelly, wag na wag kang magpapaapekto sa presensya ng damuhong na iyan. Kay ganda talaga ng hapon na iyon, lalo na ang dahan-dahang paglubog ng araw ay talagang napakaganda pagmasdan. Kaya naman pala nakatambay lang si Vin sa deck ay para panuorin nito ang paglubog ng araw. Ang nakakailang lang ay magkasama sila sa iisang barko na silang dalawa lang ngunit hindi naman sila magkarelasyon. Hindi nga sila nag-uusap eh, tuloy napapanis na ang laway niya. Napabuntong-hininga na lamang siya. Wala naman kasing ibang iniisip ang lalaking ito kundi misyon. Nang tuloyan ng lumubog ang araw papaalis na rin ang lal

