Kabanata 4

1268 Words
Gabi na, ngunit wala pa rin si Leona sa bahay. Kanina pa pasulyap-sulyap si Aries sa wall clock na nasa dingding ng sala at binibilang ang minutong dumadaan sa paghihintay sa asawa. Kunwari'y nagbabasa siya ng Nobody's Child na sinulat ni Pat Warren ngunit nakalihis naman ang diwa niya kahit nakatingin sa librong hawak. Pagkatapos ng trabaho ay nagpaalam ito sa kaniya na may dadalawin daw ulit na kaibigan. Sa una ay natahimik siya pero pinayagan na lang niya ang asawa. Napagtanto niya na hindi dapat siya pumayag, nagdudusa tuloy siya ngayon sa kakahintay. Hindi siya makapagpokus kahit sa trabaho dahil ang nasa isip niya buong maghapon ay: Nasa'n ba ang asawa ko? Hindi naman siya mahigpit kay Leona. Naiintindihan naman niya na may sarili ring buhay ang minamahal bago niya ito pinakasalan. May mga kaibigan din naman ito at nauunawaan niya kung nais nitong makita muli ang mga iyon. May mga magulang din ang asawa na dapat dalawin paminsan-minsan. Hindi siya ang tipo ng lalaki na kumokontrol sa buhay ng isang babae. Hindi siya nananakal ng karelasyon at bukal ang loob niya sa mga opinyon ng ka-partner. Basta ba'y may tiwala sila sa isa't isa at ginagampanan nila ang responsibilidad nila kay Archie. Napabuntong-hininga si Aries na isinara na ang libro at inilapag sa side table. Pero sa mga lumipas na araw nagtataka siya sa kinikilos ni Leona. Parati na lang kasi itong umaalis at laging bukambibig ay dadalaw kay ganito, dadalaw kay ganiyan. Ayaw niyang magbintang ng walang pruweba ngunit 'di niya maisawalang bahala ang pagdududa. Tinawagan niya ang mga kaibigan at mga magulang ni Leona kanina. Hindi raw dumalaw ang babae sa kanila ngayong linggo. Habang tumatagal ang panghihinala niya ay lumalaki, palaki ito ng palaki at hinihintay niyang sumabog. Ito ang pangit sa ugali niya, nagkikimkim siya ng sama ng loob at kapag naipon na, saka lang niya ilalabas. Inabot niya ang tasa ng kape sa gilid at tumikim niyon habang nakatutok ang mga mata niya sa kamay ng orasan. 10:30 pm na. Sa wakas, narinig na rin niya ang tunog ng kotse nila sa garahe. Nandito na rin sa wakas ang asawa. Hindi siya tumayo sa kinauupuan, hinintay na lang niya ang babae na dumaan sa sala. "Oh, ba't gising ka pa?" Iyon ang bungad nito sa kaniya nang buksan nito ang pinto. Tinatanggal nito ang suot na sapatos sa doormat. Wala siyang tinugon at tinitigan lang ito habang pinapalitan ang sapin sa paa ng pambahay na slippers. "Si Archie? Tulog na ba?" "He is." Simpleng tugon niya, nanlalamig ang mga mata at boses. "I see. Did you eat already?" Hindi siya sumagot ulit. "Have you eaten dinner?" ulit nito. Akala naman ni Leona ay 'di niya narinig ang tanong. "Gusto mo bang sabay na tayo?" Lumapit ito sa kaniya at akmang hahagkan siya sa pisngi ngunit bago pa man ito magawa ni Leona, agad siyang tumayo at lumayo sa babae. Sa ginawa niyang iyon, nagulantang si Leona at nagtatakang tumingin sa kaniya. "W-Why? What's wrong?" Tila nasaktan ito sa biglang pag-iwas niya pero hindi na niya mapigilan pa ang damdamin at panghihinala sa asawa. Iniiputan ba siya nito sa ulo? May ginagawa ba itong malagim sa likod niya? "Where did you go today?" Tanong din ang sinagot niya rito. "Ha? I told you kanina 'di ba? Pupunta lang ako kay Bea--- " "Tumawag ako kay Bea kanina at tinanong ko s'ya kung kasama ka n'ya. Guess what? Your friend doesn't know how to lie. Sabagay, alam kasi ni Bea ang pakiramdam ng pagtaksilan ng asawa. Hindi mo kasama si Bea kanina. 'Wag mo kong gawing tanga." Namilog ang mga mata ni Leona nang marinig ang mga sinabi niya. Sa oras na 'yon, wala siyang paki-alam kung masaktan niya ang damdamin nito. Basta ang alam lang niya ay masama ang loob niya sa pagsisinungaling ng kaharap. "Sa'n ka talaga nagpunta, Leona?" Hinintay niya ang isasagot nito ngunit nagbaba lang ng tingin ang babae. Nasa mukha ng kausap ang pagkalito at pagkatakot, ngunit sa'n ba ito natatakot? Hindi maintindihan ni Aries. Gusto niyang maging matapat ito sa kaniya, gaya kung gaano siya naging matapat dito. "Aries---" "Mama..." Sabay silang napalingon sa anak na bumababa sa hagdan. Naka-pajama ang bata at may bitbit pang unan habang pupungas-pungas na humahakbang. Nang nasa ibaba na ito ay humikab pa habang kinukusot ang mga mata. "Why you're still awake, Archie? Sobrang gabi na," sita ni Leona. "I heard your voice po eh kaya bumaba ako." Lalapit sana si Leona sa anak nila pero nauna siyang makalapit kay Archie. Inunahan niya talaga ng kilos ang babae. Binuhat niya ang anak. "Matulog ka na may klase ka pa bukas, okay? Gusto mo ba na tabihan ka ni Papa sa pagtulog ngayong gabi?" Inaantok na tumango na lang ito at inihilig ang ulo sa balikat ng ama saka pumikit. Aakyat na sana sila ng hagdan pero pinigilan siya ni Leona. "Aries." Lumingon siya rito. "Galit ka ba sa 'kin? Pag-usapan naman natin 'to." Nag-aalala ang mga mata ng babae, parang nagsusumamo kung tumingin sa kaniya. Umiwas siya ng tingin at inayos ang pagkalong sa bata. "Bukas na tayo mag-usap, Leona. Huwag tayong maingay, natutulog na ang bata." Iyon lamang ang malamig na tugon niya, tumalikod na siya at umakyat ng hagdan. Iniwan niya ang asawa na nag-iisa sa sala. Malamig ang gabi na ito para sa kanilang dalawa. Kinabukasan, ang katulong nila sa bahay na si Manang Bertina ang nagluto ng almusal. Kakauwi lang nito galing sa probinsya. Noong nakaraang buwan kasi ay humingi ito ng bakasyon sa kanilang mag-asawa at pumayag naman sila sa pabor ng masipag na katulong. Kagigising pa lamang ni Aries at ang sumalubong sa kaniya sa pagbaba ay ang halimuyak ng nilulutong almusal mula sa kusina. "Manang Bertina, kamusta naman ang bakasyon ni'yo?" Naririnig niya roon ang boses ng asawa. "Okay naman po, ma'am." "Salamat pala sa pasalubong mo sa aming boneless bangus." "Nako wala 'yon." Dumaan siya sa likod nilang dalawa. Hindi niya binati si Leona. Sinasadya niya iyon para maramdaman ng babae na galit pa rin siya. Sa totoo lang ay hindi pa sila nag-uusap at wala siyang balak na kausapin ito ngayon. Hindi niya pinansin ang mukha ng babae na tila maiiyak na habang sinusundan siya ng tingin. Dumiretso lang siya sa dining table, dinampot ang takure at nagsalin ng mainit na kape sa tasa. "Sir, good morning, pasensya na po at ngayon lang ako nakabalik," bati ni Bertina sa kaniya at naglapag ng almusal sa mesa. "We're fine, don't worry. Kailangan mo talaga ng bakasyon Manang, after all you've been helping us a lot here," ngiti niya sa matanda. "Nanay!" Sabay silang napatingin sa masiglang boses at nakita si Archie na tumatakbong palapit sa katulong nila. "You're here! You're here! You're already here!" Masayang-masaya ang bata na yumakap nang mahigpit sa matanda. "Nako naman, ang alaga ko talaga!" Niyapos naman ito ni Bertina nang mahigpit. "Na-miss mo ko? 'Di ka ba pasaway sa mama at papa mo no'ng wala ako?" Habang masayang nagkakabatian at nag-uusap si Manang Bertina at si Archie, napansin ni Aries si Leona sa kusina na kinuha ang nagba-vibrate nitong phone sa bulsa. Nakatuon ang mga mata niya sa asawa habang may palihim itong kinakausap. Sino ang tumawag? Bakit parang napakahalaga niyon? Bakit kailangan pang itago? Napasimangot siya nang malaki. Nakakaramdam nanaman siya ng matinding pangigigil. Sa harap pa talaga ng anak nila at katulong? Hindi na nahiya. Pumunta sa gawi nila si Leona at ang sinabi nito ang lalong nagpakulo ng dugo niya. "Manang Bertina, p'wede bang ikaw muna ang maghatid kay Archie sa school?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD