" Pls. Bigyan mo ko ng limang piraso ng ganitong design yung ibat ibang colors ha."Si Luisa na
Itinuturo niya ang mga damit na nagugustuhan,pati
na ang mga bagong sapatos sa mga eskaparate,iba pa
ang mga dala dalahan niyang bags.
"Ibang klase ka talaga Luisa,wala akong masabi."
Ang nag iisa niyang matalik na kaibigan.
"Hum,huwag kang mag alala at ipipili kita mamaya ng para sa iy0."
"Talaga?"Nasasabik na sagot nito sa kanya.
"Ba'mukhang ayaw mo yata eh'."
"Hindi ba nakakahiya?"
"E kung sabunutan kaya kita rito para mapahiya ka nga?"Pang aasar niya sa kaibigan.
"Talaga?"Naeexcite na tanong uli nito sa kanya.
"Ang alin ang sabunutan kita?"Natatawa niyang ta-nong rito.
"Ito naman."
Nakaingos na sagot nito sa kanya.At napangiti siya.
Kanina pa sila nagsho-shopping kaya ng makaranm-dam ng gutom ay dumeretso na sila sa kainan.
"O ang dami mo namang inorder?mauubos ba nating lahat 'yan?"Napuna ng kaibigan niya ang ibang supot na dala niya.Nginitian niya lamang ito.Nakita niyang umiling iling ang kaibigan niya ng itigil niya sandali ang sasakyan at ipababa rito ang salamin ng kotse.
Isa isa niyang ipinaabot rito ang mga nakasupot at
ipinamigay sa mga pulubing nadaraanan niya.
"Hayy,salamat at naubos narin ang mga pamigayin mo,sa susunod best, aba'y abisuhan mo naman ako na mag gaganito ka nanaman,para naman maihanda ko itong mga pata at kililkili ko ng hindi mangawit kaka abot sa mga nadaraanan natin,abay pakiramdam ko ay kukulaniin ako ah."
"Ikaw naman,ayaw mo niyan?nang mabawasan naman ang mantika sa katawan mo?" Natatawang sabi ni Luisa sa kaibigan.
"Oo,hayaan mo at sa susunod ay sasahurin ko lahat ng mantikang aagos sa akin ng may maidagdag kang pamprito sa kanila."
Natawa siya sa huling sinabi nito at para silang mga
lukaluka na nagtawanan.Pag uwi nila sa bahay ay halos hindi sila makapasok sa loob ng kaibigan dahil sa mga dalahan nila.
"O! mukhang inubos nyo na naman ang laman ng buong mall sa mga pinamili niyo ah?Aba'y nagtira pa ba kayo para sa iba?"
"Ang daddy',alam niyo namang ito lang ang stress reliever ko eh."Nakangusong sabi nya sa kanyang ama.
"At saan ba nanman na istress ang aking unica iha?"
"Ay,kunwari pang hindi raw alamn.E di sa course ko,anu papo?Wala namang iba.E dangan naman kasi kung bakit hindi manlang kayo nag anak ng isa pa, pa-ra hindi naman ako na pe pressure ng ganito,alam niyo namang mahina ako sa numero.Pwede pa sana kung pinag tourism nyo nalang ako,di kaya'y flight attendant."Nakasibangot parin siya.
"Iha,matanda na ako,alam mo namang wala akong ibang maasahan na magmamana ng ating negosyo kundi ikaw.I'm sorry kung wala kang naging kapatid, God knows we tried but your mother was weak.Please be strong baby."Malungkot na sabi ng kanyang ama.
"Im sorry Dad.Siguro'y namimiss ko lang ang mommy, hindi bale I'll do my best dad,"
"And I miss her too baby,I miss her terribly!"
Nagyakapan silang mag ama.
Pumanhik na sila ng kaibigan sa itaas matapos idischarge ang ibang gamit para sa sala.
"Best kilala mo ba si Jomar?"Tanong sa kanya ni Blessie habang pumapapak ng snack sa ibabaw ng kama.
"Nope! Bakit?
"Tinatanong ka kasi niya sakin nung isang araw,I think he likes you and he's cute,alam ko parehas yata kayo ng kinukuhang course,hindi mo pa ba siya nakita?
Tanong parin nito sa kanya.
"Alam mo namang wala pa sa isip ko iyan,siguro iba ang tipo kong lalaki.'' Siya habang nagsusukat ng damit.
"Sa palagay ko naman hindi na magagalit si tito dahil nasa edad ka naman na,alam mo na,konting inspiras-yon. Dry na dry ang life mo girl!"
"Oy nagsalita ang hindi dry.E ikaw nga wala parin akong nababalitaang naging boyfriend mo eh."
"Eto naman.Alam mo namang hindi ako kasing seksi mo .Well,atleast maganda,kaya lang,hindi naman ako mayaman." Malungkot nitong sinisipat ang katawan.
Nilapitan niya ito at ninawakan sa kamay."Huwag kang ganyan.Maganda ka naman.Yun nga lang, kayla-ngan mo nang umpisahang mag diet kung gusto mo pa mag ka boyfriend."
"Bakit pa nandiyan ka naman?"Sagot naman sa kanya ng kaibigan.
"Yannnn,,kapag diet na ang pinag uusapan ako ang ibinabala mo."Para silang batang nagharutan sa ibabaw ng kama.
"Hindi nga best,bakit ano ba ang gusto mo sa isang lalaki?"Tanong nito sa kanya.
"Ang gusto ko,yung matalino,mapagmahal,na may pagka suplado,'yung tipong masasandalan ko at kaya-ng kaya akong ipagtanggol,'yung mamahalin ako ng soooobra sobra.At higit sa lahat yung mabait at gwapo!" Sabi niya na parang nangangarap.
"So alien, ang hinahanap mo?"Tawa ng tawa ang kaibigan sa kanya.
"Bakit?meron namang ganon ah!wala ba?"
"Meron nga,buttt..Alam mo bang lahat ng tao ay may itinatagong evilness sa katawan?" Sa pabulong na boses na tila nananakot na sabi ng kaibigan kay Luisa.
"Grabe ka naman! E bakit si dad?tumigil ka nga!hindi totoo yan!"Ingos ni Luisa.
"Sabagay.Pero friend,mag iingat ka.Lalo na 'yan hindi mo pa nasusubukang mainlove.Sabi nga nila dalawa ang mukha ng pag ibig.Isang masaya at isang malungkot."Sabi parin nito habang ngumunguya.
"At isang humahalakhak na parang demonyo!
Nananakot ang boses nito.
"Heh!tumigil ka nga.
Ngunit sa sinabing iyon ng kaibigan ay parang may
kakaiba siyang naramdaman na hindi niya mabigyan
ng pangalan.Bigla tuloy siyang kinilabutan.
"O bakit natahimik ka?Ano natakot ka ano????"
Pang aasar pa ng kaibigan niya.
"Hindi naman,kaya lang bakit parang may kahulugan ang sinabi mo?Para bang totoong totoo."Kinakaba-
hang tanong ni Luisa sa kaibigan.
"Hala ka!!! Baka may inapi ka noong una mong buhay kaya inaabangan ka ngayong bagong henerasyon."
"Huyyyyy,eto naman,tigilan mo na yan.Nag uumpisa na tuloy ako matakot nyan e."
"Naku Best!Kung sakali man na magkatotoo iyan?Anong ginagawa ng mga bilbil ko?Iipitin ko lang yan sa pagitang ng tyan at puson ko,para nayang tansan na napipi ."
Nagkatawanan na naman sila.
"Ano kaya kung magpahula tayo minsan?"
Si Luisa.
"Totoo ba naman ang hula?"
"Oo totoo iyon.Mayroon kasi kaming kapitbahay noon na hinulaan na hindi daw siya matutuloy sa pinapangarap niyang abroad dahil may mangyayari daw na hindi niya inaasahan."
"O pagkatapos?"Hook na hook sa kwento ni Luisa si Blessie.
"Alam mo ba ang nangyari?"
"Ano nga!?Antagal kanina pa ko rito pumapayat oh!"
Imbes na sagutin agad ang kaibigan ay nagtatawa siya ng nagtatawa.
"Namatay siya."
Doon niya napatigil ang pag nguya ng kaibigan.
"Hindi nga????"
"Oo nga!Kulet!"Sagot niya.
"Ano nangyare!?"Nanabik na tanong ni Blessie sa kanya.
"Nakulammmmm!!!"
Ahhhhhhhhhh!!!! Takbuhan sila sa kwarto.
"Hindi nga!?Nagkatotoo ang hula?!"Kulit parin nito.
"Syempre!"
"Pano mo nasabi?"
"Tange pala 'to di mo ba natatandaan.May mga nanghuhula na sa bible noon.Nakasulat iyan!"
"Aba'y oo nga ano?"Kumbinsidong pag ayon ni Blessie sa sinabi niya.
"Ipapapulis natin yan!"Sabi uli ng kaibigan.
ATTENTION!!
Dont try to skip even one page because you might
missed the twist.