"Elle, gising na." Unti unti kong binuksan yung mata ko. Parang ayaw magpabukas! Antok na antok ako! "Dito ko nalang ipa-park 'tong kotse, maglalakad nalang tayo papunta dun sa site." Ang dilim dilim naman dito papunta sa site! Sino bang nakahanap nitong lugar nato at sino ba namang maiisipang mag-camping sa ganitong lugar? Mukhang may ano.... Ano! "Chase! Pakiramdam ko may aswang sa sumusunod!" "Hindi totoo ang aswang." "Pakiramdam ko may tiktik somewhere! Kahit hindi ako buntis parang may sumusunod padin!" "They're not true." "Chase naman e!" Napaupo nalang ako sa takot at pangangatog ng tuhod ko. Ang daming puno tapos may mga paniki at tunog pa ng kwago. May mga kuliglig din at kung ano ano pang tunog. Bilog na bilog pa ang buwan! Aatakihin yata ako sa puso! "Elle, ba

