Walang choice ang dalaga kung hindi aminin kay Andrew ang nangyari. Hindi niya maitago pa ang sakit dahil namamaga ito. Masyadong malakas ang impact ng pagka-kahampas sa kanya. Matindi ang galit ng taong iyon at nagawa siyang saktan patalikod. Mabuti na lamang at balikat niya lang tinamaan at hindi ang kanyang ulo. Baka sa oras na ito ay wala na siya sa mundo. “M-May humampas kasi sa akin kanina sa tabing kalsada paglabas ko ng hotel. Hindi ko naman agad nakuha ang plate number ng sasakyan kung saan lulan doon ang nanghampas sa akin,” malungkot na saad ng dalaga kay Andrew. Nahabag naman agad ang binata dahil sa malungkot na turan ng dalaga. Mabilis niya itong niyakap na para bang sa pamamagitan noon ay mapapawi ang sakit na nadarama ni Evelyn. Hindi naman napigilan umiyak ng dalaga s

