Samantala, nanggigil sa galit ang ama ni Veronica na si Michael. Hindi niya maintindihan kung bakit walang nangyayari sa ipinapagawa sa anak. “Makakatikim ka talaga sa akin, Veronica! Masyado kang makati! Kung sino-sino na lamang ang kinakama mo!” gigil na bulong sa sarili. Patungo siya ngayon sa condo ng anak. Nag-aalala siya dahil baka isang araw ay hindi niya na mabayaran ang condo nito. Dahil sa magkasunod na transaksyon ng mga tauhan niya ang nabulabog ng mga parak. Ang iba ay nasa kulungan pa hanggang ngayon, pero pinapaayos niya na iyon sa kanyang mga tauhan sa loob ng presinto. Hindi puwedeng magtagal ang mga iyon dahil magagaling na tauhan niya ang mawawala. May malaki silang shipment next month kaya kailangan na rin niya ilabas ang mga nahuli ng mga parak na iyon. Hindi n

