Samantala, pinupukpok naman ni Evelyn ang kanyang cellphone sa lamesa. Naubusan kasi siya ng load at hindi niya na mareplayan ang Pokémon na lalaking iyon. Bakit kamo pokemon ang tawag niya? Dahil lang naman 'yung si Betty boop na hooker nito ay sinugod siya sa hotel. Dahil nakilala nito ang uniform niya noong isang gabi na kasama niya si Andrew. Mahilig kasi sa babae ang lalaki kaya bagay lang ang pangalan na iyon dito. Sinabi nito na layuan niya ang binata dahil ito raw ay kasintahan nga nito. As if maniwala siya? Si Andrew lang magsasabi sa kanya kung kailan siya titigil sa serbisyo niya. Sayang kaya ang three hundred kyaw! Naiinis lamang siya dahil unang beses na may sumugod na babae sa kanya dahil lang sa lalaki. Mostly kasi ang sumusugod sa kanya ay 'yung mga tsinismis niya sa

