Magka-text pa rin sina Evelyn at Andrew habang ang dalaga ay patungo sa kinaroroonan ng binata. Pagkapasa kasi nito ng load na three hundred, agad siyang nag-registered sa unlitext, may call din na free ng ilang minuto pero mamaya niya na gagamitin iyon kapag malapit na siya sa destination niya. “Hoy, Pokémon! Tama ba ang address na binigay mo? Baka mamaya nililigaw mo ako, ah. Kalbuhin talaga kita kapag nagkita tayo mamaya,” sabay send niya ng message sa binata. Hindi naman maitikom ang bibig ni Andrew sa malawak na pag-ngiti. Kung may makakakita sa kanya baka mapagkamalan siyang may tama na sa utak. “Tama iyan address na binigay ko. Nasaan ka na pala? Bilisan mo, inaantok na ako kakahintay sa iyo, Penguin!” pagda-drama niya sa text kay Evelyn. Pero napakalawak ng ngiti habang nag

