"Throw it!" halos bulyawan ako ni Alec habang nasa training room kami. Nabingi ako sa sobrang lakas ng sigaw niya. Pang-ilang sigaw na nya 'yon nang hindi ko matamaan ang dummy target na sumusulpot sa dimensional projector. Nakailang palya na ako sa pagbato ng napakabigat na boomerang blades. Nanggigil ako sa huling bato ko sa sandata nang lumitaw ang dummy target sa aking kaliwa. Magkasunod kong iwinasiwas ang dalawang boomerang pero hindi parin tumama ang kahit ni isa sa mga ito. Sa sobrang lakas ng bato ko, ganoon din ang lakas ng balik ng dalawang boomerang na halos hindi ko nasalo. Ilang araw na akong nagsasanay ng tamang pagbato at pagsalo ng sandatang ubod ng bigat. "Pang isandaang dummy na 'yon Alison, ni isa wala ka pang natatamaan?" nagsusungit na naman ang lalaki. Nakapameywa

