Normal ang pamumuhay ng lahat noong si King Peter III pa ang namumuno sa apat na rehiyon ng Lotus: ang Alpha, Beta, Cappa at Delta. Payapang nabubuhay ang mga tao kasama ang mga alius o mga nilalang na biniyayaan ng pambihirang kakayahan. Tanda ko 'yan noong musmos pa ako. Malaya akong nakakapaglaro kasama ang mga normal na bata. Tahimik ang pamumuhay nàamin ng aking ina.
Ngunit.
Nagbago ang lahat nang nagkaroon ng rebolusyon ang mga taga-Alpha at sapilitang pinatalsik ang dating hari ng Lotus. Biglang nawalang parang bula ang hari at ang pamilya nito. Napalitan ng bagong pinuno ang supreme land na Alpha. Kasabay ng pagbabagong iyon ang pagtugis sa mga katulad namin. Tinuring kaming panganib sa buhay ng mga mortal. Karamihan sa mga nanlaban saamin ay pinaslang. Ang ibang sumuko sa bagong gobyerno ng Alpha ay ipinadala sa floating island na tinatawag nilang Delta -ang lupain ipinangako para sa mga deathbound na katulad ko. Isang lupaing hindi ko pinangarap puntahan...
LOTUS Island 707, an isolated island of the city Alpha
"How did we exist? Bakit sa kasalukuyan ay hinahabol at tinutugis tayo ng Alpha?" Pagpapatuloy ko sa kalagitnaan ng discussion sa harap ng limang bata na edad apat hanggang walo ang tinuturuan ko. Mga bagong alius na naligtas na naman ni amang Lucas mula sa mapagmalupit na kawal ng Alpha. Kahit papano, sa loob ng dalawang buwang paninirahan nila sa tagong isla ay napamahal na ang mga ito saakin.
Due to a strong earthquake, a chemical that has the capability to mutate and evolve the human brain was released beneath the earth's crust. This evolution or brain mutation causes an ordinary person to do something extraordinary. Thus, they were able to use more than the expected usage of their brain capacity.
The first generation of these special humans or the alius were found to be deadly and are threats to the human world. The government created weapons that can eliminate the alius. As the last resort, because the alius were still outnumbered by the ordinary, the first generation down to the fifth generation alius were exiled to the city of death called Delta.
"Alison? Ba't di na lang tayo dito tumira? Mababait naman tayo ah?" little girl Zia asked. Kulot ang buhok nito na pinahaba ng apat taon. She has dark brown eyes that can manipulate the movements of every single matter. Naunang kinakitaan ito ng specialized telekinesis nang sanggol pa lang at itinapon ng magulang sa takot na baka pati sila ay tugisin ng mga Alpha army. Napulot ito ni Amang Lucas sa isang ilog malapit sa islang kinalalagyan namin.
"We can live here. Basta walang lalabas sa islang 'to, lahat tayo ay ligtas." I faked a smile. Alam kong isa na naman yung kasinungalingan. Napansin kong nakamasid si Levi, ang nag-iisang anak ni amang Lucas na kababata ko rin. He seemed disappointed. Marahil ay ayaw nitong pinapaasa ko ang limang bata sa aking klase na maari kaming mabuhay ng normal kasama ang mga taga Alpha.
"Teacher Ali, who are the first generation alius? Anong ginawa nila at nagalit ang Alpha government kaya sila pinatapon sa Delta?" Seven year old Ivy asked. Isa siyang batang may singkit na mata. Mausisa ito, matalino, at may kakayahang kausapin at utusan ang mga makina. Isa na itong ulilang lubos matapos sunugin ng mga kawal ng Alpha ang buo niyang pamilya noong ito'y sanggol pa. Luckily she survived the fire when her parents hid her inside the refrigerator. How did she survive? It's her special ability that saved her from freezing. She can manipulate every machine with a single touch.
Which is the exact opposite of her brother's power. Zack, is a ten year old boy who can talk to animals -from the most dangerous to the smallest specie if animals. He can even manipulate them through powerful empathy. Kwento ng amang Lucas, duguang nagtatatakbo noon si Zac, habang humihingi ng saklolo dahil sa pagkakaasunog ng kanilang bahay. Natagpuan ito ni amang Lucas sa isang kagubatan habang kausap ang isang tigre. Kasama ang batang si Zack at si Lucas, binalikan nila ang abong tirahan nina Zack at tanging ang refrigerator na lang ang naiwan kung saan nakatago si Ivy.
Akmang sasagutin ko na sana ang tanong ni Ivy nang sinenyasan ako ni Levi na lumapit sa kanyan. Nagpaumanhin ako sa mga bata at agad na pinuntahan si Levi na nakahalukipkip ang mga kamay.
"What are you doing?" On that tone, alam kong may malalim na pakahulugan na ang tanong nito.
"Doing what?" Painosente kong tanong. I know what my fault pero alam kong ginagawa ko ang tama para sa mga bata.
"Why are you having this lecture? You should be teaching them the basics."
I walked. He followed. Hindi kailangang marinig ng mga bata ang pang-isan daan naming pagtatalo. Tinungo ko ang kampong gawa sa pinagtagpi-tagping telang pinaglagyan ng mga metallic supplies mula sa siyudad ng alpha. Saka ako bumuntong hininga at sinagot sa nakasunod na lalaki. "I have had! They have mastered the basics. They need to know what lies outside this island."
Levi hissed. Ngumiwi ang mapupula nitong labi habang nakatitig ang mga matatalim nitong matang pinapalibutan ng maitim at makakapal na pilik mata. "Then why are you telling them they can live normal here?" He toned down. Nandoon parin ang warning stare nito.
"It's the truth. Hindi yun imposible."
"You are teaching them false hopes!" He raised a tone again.
"I am teaching them what I believe in. Hindi imposible yun! I can't just fake a smile and lie to them that I believe into something I don't. I can't give what I don't have!" I raised a tone as well. Levi knows me. Once I raise a tone or answer back, he can no longer change my mind.
"Ali, ilang beses na ba nating napag-usapan 'to? Those are kids. They need to be kids once in a while." Bumaba ang tono nito. He's trying to make ammends again.
"Then? Magaya sila kay Sheryl noon na walang ideya kung anong uri ng mundo ang ginagalawan niya?" I was referring to the young girl who has the ability to create illusions. Labing apat na ito nang magising ang pagiging alius niya. Nilagnat ng mataas sa loob ng isang linggo, nahirapang huminga, sumasakit ang ulo at parang sinusunog ang dibdib; mga pangkaraniwang sintomas ng pagiging alius. Hindi ito nahasa at napaghandaan ang katotohanan sa kanyang pagkatao. Muntik na itong ipatapon sa Delta pero nakaya nitong makatakas nang makagawa ito ng isang fake dimension na gumulat ng halos dalawampung kawal ng Alpha. She put them into the deepest pit of hell, bringing the soldiers the sensation of being burned alive. That day started Sheryl's trauma. Akala niya isa siyang kampon ng dilim. I was eighteen when we saved her kasama si Levi at ang ama nitong si Lucas.
"Sheryl has a different case Ali!" Narinig ko habang ako'y nagbabalik diwa.
"So sa tingin m-"
Naputol ang aking sasabihin. Biglang dumating si amang Lucas. Agad akong nagmano at ganun din si Levi.
"Fighting again?" Tanong nito habang pabalik-balik ang tingin saamin ni Levi. He's wearing a brown leather thrench coat and black boots. Bakas na sa mukha nito at sa namumuting buhok ang katandaan. Nasa edad singkwenta na kasi ito. Sa loob ng labin-limang taong kasama ko ito ay halos kabisado ko na ang lahat ng kilos nito. Kung paano ito magalit, kung malungkot ito, kung may iniisip, kung may lakad o pupuntahan. Siya na anh kinilala kong ama simula nang maulila ako. Mukhang aalis na naman ito para magscout sa siyudad. "You're fighting?" Pag-uulit nito.
I shook my head. I saw Levi denied too.
"Kukuha ako ng supplies sa siyudad kasama si Bue." Pagpapaalam ni amang Lucas. Si Bue ay isa sa mga inampon nitong may ability of speed. He is the most useful alius in the camp pagdating sa scouting sa siyudad.
"Okay." Tipid na sagot ni Levi. Alam na nito ang gagawin. Siya ang pansamantalang mamumuno sa kampo. Kampong binubuo ng pawang mga batang hindi magkakadugo ngunit naging magkakapatid dahil kay amang Lucas na nagsilbing magulang naming lahat.
We were composed of twenty alius. Limang batang edad apat hanggang sampo, limang teenagers, at sampong may edad na disinueve pataas. Levi is twenty four at biente naman ako. May dalawang kasapi na nasa edad biente sinco pero mas pinagkakatiwalaan si Levi pagdating sa pamumuno gaya ng ama nito.
Ilang saglit lang ay nakaalis na si amang Lucas lulan ng isang bangka. Nagpaalam pa ang mga bata dito. Sa paglayo ng bangka mula sa isla ay tila nagkaroon ng masamang kutob. Parang may hindi magandang mangyayari.
Ipinagsawalang bahala ko iyon at nagpatuloy sa pagtuturo sa mga batang alius.
Like the normal, pagkatapos ng lecture ay ang special training ng mga bata under Levi and two other trainers na sina Allen at Allan. Araw-araw naming ginagawa ito para matuto at masanay ang mga batang gamitin ang kanilang mga talento para ipagtanggol ang kapwa at sarili. Dito natututo sila ng self-defense, one-on-one combat o duel at kung paano umiwasnat tumikas kung alanganin ang sitwasyon.
Abala ang lahat sa training. Mag-aalas tres na ngunit hindi pa nakakabalik sina Bue at amang Lucas. Lumalala ang masamang kutob ko kanina pa.
Nagdesisyon akong maghanda ng kakainin ng mga bata para maibsan ang kabang kanina pa bumabagabag saakin. Bago pa ako makarating ng kusina ay nakaramdam ako ng hindi pangkaraniwang pangyayari.
Napakapit ako sa isang upuan dahil sa sobrang bigat na nararamdaman ko. May nangyayaring hindi maganda. I tried to channel my self to everyone around pero tila hindi sa kanila nanggagaling ang matinding emosyon na yun. It's someone from a distance.
I closed my eyes. Tried to concentrate and locate the hightened emotion. Nasa sentro ito ng siyudad ng Alpha. Kasalukuyan itong hinihila ng mga kawal. I can feel his pain, his suffering and his fear. Si amang Lucas iyon na nadakip ng mga kawal. Nararamdaman ko ang nararamdaman nitong sakit. Sa sobrang bigat nito ay hindi ko kinaya nang hampasin siya ng isang napakalaking tubo sa ulo.
Darkness. Nawalan ako ng malay. The usual stuff na nangyayari kapag unberable ang emotion ma hawak ko.
"Alison! Alison!" Isang mahinang tawag kasabay ng biglaang pagyugyog sa aking balikat ang gumising saakin. Sina Sheryl at Allen.
Napabalikwas ako. Bumangong tila takot na takot. Agad kong hinanap si Amang Lucas at si Bue pero tila wala pa daw ang mga ito.
Hindi parin nakakabalik so Bue at amang Lucas. Magtatakip silim na. Kinabahan na ako dahil sa naramdaman ko kanina. Hindi ligtas ang siyudad kapag inabutan sila ng clearing day. Sabado na bukas at iyon ang nakatakdang clearing day, ang araw kung saan lumilibot ang mga kawal ng Alpha sa buong isla para tugisin ang mga posibleng alius. Hindi sila pwedeng abutan ng Sabado sa lugar na yun.
Sa gitna ng aking pagmumuni-muni ay nakarinig ako ng mabibilis na yapak mula sa kalayuan patungo sa kampo kung saan ako natutulog. Dumating si Levi na tila pagod na pagod at hindi mapakali.
"Alison!" Bungad nito nang makapasok sa kampo, "Si ama."
Sa pagkakabanggit nun ay biglang lumambot ang matigas na anyo ng mukha nito. Pinipigil nitong umiyak at magpakatatag ngunit tila tinatalo siya ng labis na kalungkutan.
"Kuya, anong nangyari kay ama?" Nanginginig pang tanong ni Sheryl kay Levi.
It took a while before Levi can voice a word. Nahihirapan itong magsalita kanina dahil sa matinding emosyon. "D-dinakip ng mga alpha si ama. Kakabalik lang ni Bue. D-dinakip si ama. Ipapatapon siya sa Delta."
Oh God! Oh no! Bulong ng utak ko.
Automatikong nagpanting ang aking tainga sa narinig. Tama ang naramdaman ko kanina. Pero kailangan kong siguraduhin. Maluha-luha ako nang lumayo ako kina Sheryl, Allen at Levi. Nakatalikod ako. Ipinikit kong muli ang aking mga mata para hanapin si amang Lucas. Dinama ko ang t***k ng puso nito. Kilala ko ang t***k ng puso nito at lahat ng alius sa Lotus island.
"Ama...." basag ang tinig ko nang makailang ulit ako sa paghahanap. Sinubukan ko muling palawigin ang paghahanap. I searched every heartbeat around Alpha. Kaya kong hanapin si ama sa mga libo-libong mamamayan ng Alpha. Wala akong narinig. Hindi ko marinig ang t***k ng puso nito. Hindi ko siya maramdaman. "Ama!" Ngayo'y mas malakas na ang aking pagsambit. Nawawalan na ako ng pag-asa dahil hindi ko siya mahanap. Hindi ko namalayan ang pagtulo ng luha sa aking pisngi habang nagtatanong ang sarili, P-patay na si amang Lucas?
###