Tinawagan ako ni Mark at binigay niya sa akin ang location ng Isa pang hide out ng mga arsenal. Magmula ng malaman ko na si Julluis ang leader nila.Nilulusob ko ang mga hide out nila. Nagbabaka sakali na nandun siya pero wala. Ang mga nahuli namin na tao niya mga walang alam kung nasaan Ang leader nila. "Maghanda kayo lalakad tayo ngayung gabi." Sabi ko sa mga tao ko. Pagdating ng gabi lumakad na kami. Nakarating kami sa hide out. Agad kaming pinaulanan ng bala ng mga ito. Nakipag palitan kami ng putok. Saktong napapasok na namin ang hide out, ng magsalita ang isang tauhan ko. "Boss. May mga FBI na dumating." Sabi nito napamura ako. "Hayaan niyo sila. walang ititira na buhay sa mga arsenal kung may mahuhili kayo dalahin niyo." Sabi ko sa mga ito. "Pano ang mga FBI Boss?" Tanong nit

