Chapter 1

5419 Words
Maaga pa ay busy na ako sa trabaho. Tambak ang mga pipirmahan at kailangan kong pagaralan. Kaya tutok na tutok ako sa mga papel. "Arah! Lunch time na wala ka bang balak bumaba nanaman?" Sabi ni Cherry sa akin. Tumingin ako sa kanya nakita ko na katabi niya si Flor na naghihintay. Tumingin ako sa relos ko, lunch na pala, hindi ko manlang namalayan. Huminga ako ng malalim, kahit ayaw kong umalis wala akong magagawa. Alam ko na hindi rin nila ako titigilan kagaya kahapon. Kaya kinuha ko ang bag ko at tumayo na. Inaya ko na silang lumabas sa Office ko. May bumati sa akin paglabas namin na empleyado pero hindi ko man lang ito tiningnan dahil nagmamadali ako. "Besty, bakit ang tagal niyo naman?" Tanong ni Rachelle sa amin, nagkibit balikat lang ang dalawa saka tumingin sa akin napatingin din sa akin si Rachelle. "Ano ba kayo! Laging naninibago? Alam niyo naman na tambak ang trabaho ko ngayun dahil sa kasal ni Flor e." Sabi ko sa kanila. Hindi na umimik si Rachelle at pumasok na kami sa loob ng canteen. "Mauna na kayo sa lamesa, kami na ni Cherry ang oorder ng pagkain." Sabi ni Rachelle at naupo na lang kami ni flor. "Best, kailan ang honeymoon niyo ni Tom?" Tanong ni Cherry kay Flor ng dumating sila ni Rachelle na dala ang pagkain namin. "Ano ka ba best? Maka honeymoon ka naman best, parang hindi mo nakikita na parang nakalunok ng pakwan itong si Flor." Natatawang sabi ni Rachelle. Saka sumubo ng salad na nasa harap nya. "Ano ka ba best, malay mo gusto nila magbakasyon. Ikaw talaga besty ang dumi agad ng iniisip mo. Akala mo porket honeymoon ay yun na agad yun. Hindi ba pwedeng gusto lang nilang magpahinga na magkasama?" Sabi ni Cherry, bago uminom ng shake natawa ako sa kanila. Sumimangot naman si Rachelle. Sabay kuha ng shake niya "Maghahakot lang kami ng mga gamit ko sa lingo tapos tamang pahinga lang best." Sabi naman ni Flor, habang kumakain. "Best, sigurado ka na ba talaga sa plano mong paglipat sa bahay nila Tom? Hindi ka kaya mahirapan. Masikip na nga sa kanila yung bahay, tapos sumama ka pa." Sabi uli ni Cherry. Napatingin ako dito nakita ko na napayuko si Flor. "Nagbigay naman ang kapatid niya. Siya na lang daw ang sa sala, kami na lang daw ang sa kwarto niya. Kasi buntis ako." Sabi ni Flor. Habang ngumunguya. Nainis ako. Kahit kailan talaga, hindi ko gusto ang asawa nitong si Tom. Alam niya na ngang sa kanila ay kulang pa ang sahod niya. Dinamay pa niya ang kaibigan ko at binuntis niya pa to. Kaya ngayun kailangan tuloy nitong makisama sa pamilya ni niya. "Dapat kasi Best, tinangap mo na yung binibigay ni Arah na bahay. Di sana hindi mo na kailangang makisama sa pamilya ni Tom." Sabi ni Cherry. "Ano ka ba best! Alam mo naman na ma pride si Tom, hindi niya rin tatangapin yun." Sabi nito na nakayuko parin. "May pa pride pride pa siyang nalalaman. Ang sabihin niya, mayabang talaga siya. Kung hindii ba naman, pumayag siya sa mama niya. kahit alam niya na wala na nga kayong pera at buntis ka pa paano kung manganak ka ng di oras? Wala man lang kayong naitatabi." Sabi ko sa kanya at napahinto sa pagkain. "Wag ka ng magalit best. Nangako naman si Tom na gagawa siya ng paraan para makaipon kami kaagad, para sa panganganak ko." Sabi ni Flor saka uminom ng juice. "Siguraduhin niya lang Flor, dahil kapag nadilikado kayo ng inaanak ko. Kahit ayaw niya pa ay hahakutin ko ang mga gamit mo sa kanila. Kung hindi siya makahihiwalay sa mama niya, maiwan siya dun sa biyanan mong hilaw." Sabi ko, tumawa naman si Rachelle at muntik pa itong mabulunan sa kakatawa. "Ayos na sana ang banat mo. Kaso may pa hilaw hilaw ka pang nalalaman, ano yun? So ibig sabihin may hinog din na biyanan." Sabi ni Rachelle na tawa ng tawa. Inirapan ko ito at tinapos na ang pagkain. **** TINANGHALI ako ng gising dahil tinapos ko pa ang mga gawain ko kagabi. May usapan kami na susunduin ako ni Rachelle ngayun. Ginagawa ko ang morning routine ko ng tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko ito. "Hello?" Sabi ko ng sagutin ko ito. "Best tulungan mo ako. nasiraan ako dito sa gitna ng EDSA, help me please." Maarteng sabi ni Rachelle. Napakunot ang noo ko. Paano napunta siya sa gitna ng EDSA? Ang alam ko susunduin niya ako ngayun. "Pano ka napunta diyan anong ginagawa mo diyan sa EDSA?" Tanong ko dito. Kasi ang alam ko, ilang blocks lang ang bahay niya sa bahay ko. "May ka meeting kasi ako ngayung umaga dito sa ayala. Papunta na sana ako sa bahay mo, kaso nung pauwi na ako biglang umusok ang sasakyan ko." Sabi nito sa akin. Ewan ko ba naman dito kasi, ilang beses ko ng sinasabi na palitan na ang lumang sasakyan niya. May nalalaman pang sentimental value daw, kaya hayan muntik na tuloy siyang isemento talaga sa sementeryo. Napairap na lang ako. "Okay! Okay, don't panic. I call my driver. Papupuntahin ko na diyan para sunduin ka at tatawag na lang ako ng kukuha ng sasakyan mo diyan. I-text mo na sa akin ang location mo." Sabi ko dito, saka tinawagan ko ang driver ko at pinasundo ko na si Rachelle sa gitna ng EDSA. Saka ako tumawag sa kukuha ng sasakyan niya. Pupunta kami sa gym ngayun, saka sasamahan namin si Flor mag pa checkup sa OB niya. Kasi may part time daw na pinasukan si Tom. Kaya kami ang sasama sa kanya. "Best, tingnan mo yung lalake sa likod natin. Ang gwapo, grabee!" Bulong ni Rachelle sa akin. Kasalukuyan kaming kumakain sa isang restaurant, pagkatapos naming pumunta sa gym. Tumingin din sila Cherry at Flor sa likod namin. "Besty, kanina pa siya naka tingin sayo. Parang na love at first sight." Sabi naman ni Cherry na kinikilig pa. Hindi ko sila pinansin. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na mukhang tatayo ito at lalapit sa amin, nataranta ako. Kaya mabilis akong kumuha ng pera sa wallet ko at nag-iwan ng pera sa lamesa saka tumayo na. Narinig ko ang tawanan ng mga kaibigan ko. Inis na inis ako ng makalabas ako ng restaurant, pag lingun ko ay wala ang dalawa sa likod ko. Si Cherry lang ang kasama ko. "Nasan na ang dalawa?" Tanong ko dito. "nasa loob pa." Sagot nito sa akin. Nanlaki ang mata ko ng may naisip. "Wag mong sabihin na.." Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko ng makita ko na lumabas na ang dalawa na nagtatawanan. "Bakit ngayun lang kayo?" Inis kong tanong sa mga ito. "Pinabalot ko pa kasi ang mga natira natin, sayang e marami pa kaya." Sabi ni Flor sa akin. tumango na lang ako, saka naglakad na. Pagkatapos ipakita ni Flor ang plastik na hawak niya "Halika na at sasamahan ka pa namin sa OB mo." Sabi ko dito. Sinamahan muna namin ito bago kami nanood ng sine. Sumasakit ang ulo ko sa ingay nila sa loob ng sinehan. Pagkatapos kiligin ay nagiyakan naman parang mga tanga lang, love story kasi ang pinanood namin. Para daw ma in love na ako kaso walang epekto sa akin mas na inis lang ako dahil para silang mga tanga sa loob ng sinehan, ang KJ ko daw...tssk. "Besty, kailan kayo lalagay na sa tahimik ni Thor?" Tanong ni Cherry nung kumakain na kami sa isang Fast food. Pagkatapos namin manood ng sine. "Wala pa kaming plano. Saka hindi pa namin napag uusapan yun. Hihintayin ko pa si Arah, gusto ko sabay kaming maglalakad sa gitna ng simbahan habang hinihintay kami ng love one namin, Aray!" Sabi nito na napahawak sa ulo niya. Diring diri ako sa mga pinagsasabi nito, gustong bumaliktad ang sikmura ko. "Bakit ka ba nambabatok?" Sabi nito muli. Hindi ko na lang to pinansin. "Pero seryoso best, kailan mo ipapakilala sa amin ang special someone mo?" Seryosong sabi nito sa akin. Kinilabutan ako sa mga pinagsasabi nito. "Best,kumusta na ang ingredients na binigay ko sayo nagawan niyo na ba ng sample? Tingnan ko nga sa susunod na araw kung nagawa niyo nga ng maayos." Pagiiba ko ng usapan. "Iniiba mo na naman ang usapan e." Sabi nito, pero hindi ko ito pinansin. huminga na lamang ng malalim si Rachelle sanay na sila sa akin. Allergic ako sa usapang relationship. Nagpatuloy na lang sila sa pagkain at hindi na ako kinulit pa. **** KASALUKUYAN akong nasa may pool nagaalmusal, balak kong mag swimming ngayung araw na to. Pagkatapos ko mag swimming, pupunta ako ng factory. Bibisitahin ko ang mga trabahador ko doon. "Wala ka bang pasok ngayun iha?" Tanong ni yaya, ng makalapit sa akin, dala ang isang baso ng orange juice. . "Wala po yaya," Sagot ko dito. Saka kinuha ang dala niya "Buti naman at naisip mong magpahinga iha." Sabi nitong muli. "Your mother will be proud of you, kung nasan man siya ngayun. Napalago mo ng husto ang iniwan niyang negosyo. Hindi lang yun, may mga dinagdag ka pa. Isa na lang ang kulang sa buhay mo, ang special someone na magbibigay ng tunay na kaligayahan sayo. Yung magpapabago sa paniniwala mo at magbibigay sayo ng isang buong pamilya." Napa ngiwi ako sa narinig ko kay yaya. Kung iba lang ito, siguradong nainis na ako. Pero iba si yaya kagaya ni mama hindi ako makaramdam ng inis at hindi ko kayang magtaray sa kanila. "Iha, wag mong isipin na ang kapalaran namin ay kapalaran mo rin. Hindi tayo magkakapareho, kung nabigo kami maaring ikaw matagpuan mo ang hindi namin natagpuan. Anak wag mong isarado ang puso mo, malulungkot ang mama mo kung makita kang nagsosolo. Hangad namin na mahanap mo ang tunay na kaligayahan mo, sa piling ng lalaking tunay na magmamahal sayo. Gusto namin ng mama mo na bumuo ka ng pamilya." Sabi nitong muli,saka hinawakan ang kamay ko. Hinawakan ko din ang kamay niya, saka ngumiti at humilig sa kanya. "Yaya hindi ko na kailangan ng lalake sa buhay ko. Dahil may pamilya na ako at kayo yun ng mga kaibigan ko." Sabi ko sa kanya. "Anak iba kami. Ng mga kaibigan mo, balang araw magiging busy na sila sa mga pamilya nila at balang araw mawawala narin ako. Ayokong dumating ang panahon na maiwan ka namin na nagiisa. Kaya anak, pagisipan mo ang sinasabi ko. Subukan mong buksan ang puso mo sa iba." Sabi niya sa akin at inabot sa akin ang towel, saka nagpaalam na. Umiling na lang ako. Hindi ko maisip na ako maghahanap ng partner in life? Ew ni sa hinagap hindi nga pumasok sa isipan ko yun. **** HABANG nasa biyahe ako, hindi mawala sa isip ko ang napagusapan namin ni yaya. Hangang napatingin ako sa mga billboard namin na makikita sa taas ng mga building dito sa makati. Real state kasi ang isang business ko kaya isang masayang pamilya ang makikita sa isa sa mga billboard namin. Na akala mo talaga, totoong may ganung family. Isang masayang pamilya, pero sa fairytale lang yun makikita at sa mga libro. Pero sa real life there's no happy family na nabuo dahil sa love na pinaniniwalaan ng iba. Because love is just a word, na laging ginagamit ng mga lalake para mapasunod at mauto ang mga babae. Ang mga babae naman laging nangangarap ng isang fairytale na hindi kailan man nagkakatotoo. Kaya napaka dali nilang bilugin. Pero hindi ako kagaya nila at hindi kailan man magiging kagaya nila. **** "KAMUSTA dito Mang Paeng? Maayos po ba ang paglabas ng mga produkto? Wala naman kayong nagiging problema?" Tanong ko sa ka tiwala ko sa factory ng dumating ako. "Maayos naman po ma'am." Sagot naman nito. "kailan ang shipment ng mga prudokto?" Tanong ko uli dito. "Sa susunod na linggo po ma'am." Sagot nito sa akin. "Ayusin mo ang mga tauhan mo. Ayokong magkaroon ng aberya sa mga customer. Kung kinakailangan na mag overtime pag over-timin mo ang mga tao huwag lang maantala ang shipment natin. Ang deliver ng mga produkto galing sa hacienda, maayos ba ang mga prutas at gulay?" Muling tanong ko rito. ang isang business ko ay food manufacturing gumagawa kami ng inumin junk food at kung ano ano pa at nilalagay namin sa lata o kaya binabalot ng maige at binibenta sa market ang iba iniexport. Nakarinig ako ng bulungan sa likod namin. "Grabe ang ganda talaga ng amo natin parang model sa magazine no." Narinig kong sabi nung isang babae na kumukuha ng mga prutas. "Oo nga, ngayun ko lang siya nakita." Sabi naman ng isa. Napalingon ako sa kanila. "Huwag kayong maingay at bilisan niyo. Hindi niyo siya kilala. Kung ayaw niyong mabulyawan, bilisan niyo." Sabi ng isang babae. Kaya napakunot ako ng noo. Nilapitan ko sila at tiningnan ang ginagawa nila. "Hindi ganyan ang paghawak niyan, bago pa makarating sa dulo ay bulok na yan. Mang Paeng hindi niyo ba tinuturuan ng tamang paghawak ng gulay at prutas ang mga tauhan niyo?" Sabi ko sa matandang katiwala. "Tinuturuan namin sila ma'am, hindi lang naiiwasan na nagkakamali ng paghawak." Sabi ng isang babae na mukhang leader nila. Bago lang ito. Kumunot ang noo ko, ang ayaw ko sa lahat ang sasagutin ako. Lalo na kung mali na nga sila mangangatuwiran pa. "Pwes walang lugar dito ang pagkakamali. Lagi niyong isaisip ang ginagawa niniyo dahil kunting pagkakamali niyo lang malaking epekto sa buong production. Kaya kong hindi mo kaya ang trabaho na yan. Maari ka ng umalis, kaysa magkaroon sayo ng problema ang lahat!" Inis kong sabi dito. "At ikaw, ikaw ang humahawak sa kanila dapat lagi kang alerto. Dahil sa inyo nagsisimula ang production, kapag sa inyo palang ay mali na, hangang dulo mali na yan. At kung magkakaproblema sa customer ay masasagot niyo ba ang cost ng damage na nagawa niyo?" Sabi ko dito. Namutla ito ng sigawan ko ito, parang maiiyak na ito kaya tinalikuran ko na. "Naku pasalamat ka at sinigawan ka lang hindi ka tinangal, maganda pa ang mood nun kung masama ang timpla nun, walang palipaliwanag tanggal na kayo." Narinig ko pang sabi nung isa. Kaya dahil sa kanila uminit na ang ulo ko at marami pa akong nasermunan sa loob ng production bago ako umuwi. **** SUMUNOD na araw naging busy na naman ako sa mga paperworks ko sa opisina. "Cherry, give me some update for my schedule today." Sabi ko kay Cherry.pagpasok niya ng tawagin ko siya,nasa labas kasi ng office ko ang desk niya. Habang nakaupo ako sa swivel chair ko at kaharap ko ang mga papeles na dapat kong pirmahan. "Okay ma'am." Sagot nito na ikinagulat ko. Napa angat ako ng tingin, maagsasalita pa lang ako ngunit hindi ko na nasabi pa ang sasabihin ko kasi bigla na lang din itong umalis. Napailing na lang ako. Hindi ako sanay na tinatawag ako nila ng ganun. "Here, this is your schedule for today. 8 am you have a board meeting.10 am you need to meet Mr.Chua in Chinese restaurant along Boulevard and 1 pm you have a meeting with Mr.Agunsilio, for some update to his investment. 3 pm you need to visit the construction site because Mr. Valdez wants to sign the contract and 7 pm you have a dinner meeting with the son of Don Aragon" Sabi niya sa akin na ikinakunot ng noo ko. "Dumating na pala yun. Cancel our meeting." Sabi ko kay Cherry dahil sa lahat ng ayaw kong makita ay ang lalaking yun. Hindi lang bastos, adilantado ay napaka yabang pa nito. "Hindi pwede Arah, matagal mo ng pinagtataguan sila. Alam mo ba na sila ang may pinakamalaking Investment sa company mo." Sabi ni Cherry. "Sige na besty, habaan mo lang ng konti ang pasensiya mo ha." Sabi ni Cherry, sabay ngiti. Umirap ako. ano pa ngaba ang magagawa ko? Bwisit! "Okay, pero umayos lang din sa akin ang lalaking yun." Sabi ko. Saka inis na kinuha ang bag ko, dahil umpisa na ang meeting ko sa board. Pagdating ng gabi dumeretso ako sa restaurant na sinabi ni Cherry na gaganapan ng dinner meeting namin ng anak ni Don Aragon. Pagpasok ko sa restaurant sinalubong ako ng isang staff. "Do you have a reservation ma'am?" tanong nito sa akin. "Yes, for Mr.Aragon." Sagot ko sa kanya. "This way ma'am." Sabi nito, saka hinatid ako sa gilid ng restaurant. Nakita ko na nandun na si Jude Aragon ang anak ni Don Aragon. Ng makita niya ako tumayo ito saka inabot sa akin ang isang bouquet of flowers. "I'm glad to see you again." Sabi niya ng aktong hahalikan niya ang kamay ko iniwas ko ito, natawa siya. "You didn't change, you always aloof." Sabi nito saka pinaghila ako ng upuan. Hindi ako umimik, ng makaupo kami, tinawag na niya ang waiter at omorder. "How are you? Long time no see." Sabi niya uli ng makaalis ang waiter. "I'm fine." Maikli kong sagot dito. Tumango siya saka humawak sa baba niya at tinitigan ako. Nailang ako kaya kinuha ko ang portfolio na kinalalagyan ng business deal na paguusapan namin. "Lets discuss the deal." Sabi ko dito. Napakunot ang noo niya. "The reason why i invited you to night is not the deal. I want as to know each other more." Sabi nito sa akin. Napakunot ang noo ko. Magsasalita pa sana ako kaso dumating na ang waiter na may dalang pagkain namin. "Let's eat first." Sabi nito sa akin. Kaya huminga na lang ako ng malalim para kumalma. Saka nagsimula na akong kumain kung hindi lang sa deal baka iniwan ko nato. "You know Kierah. I like you." Deretsahang sabi nito. Napairap ako. Magsasalita pa sana ako ng tumunog ang Cellphone ko.nagpsalamat ako ng makita ang pangalan ni Cherry sa screen may dahilan na ako para makaalis ayoko ng makinig sa ka preskuhan nito. "I'm sorry I have to go." Sabi ko dito. Hindi ko na hinintay ang sagot niya nagmamadali kong kinuha ang bag ko saka umalis. Sa sasakyan ko na sinagot ang tawag ni Cherry. Nagtanong lang kung anong nangyari sa dinner meeting ko ng ikwento ko ang nangyari tawa ng tawa ito. Badtrip na badtrip ako ng umuwi dahil sa Lalaking yun, walang ginawa kundi magpacute. hindi naman siya gwapo. Nakakabwisit dahil walang nangyari sa meeting namin. Wala siyang ginawa kundi dumiga ng dumiga sa akin Gustong gusto ko na talaga siyang basagan ng mukha. kainis! " Bakit busangot na busangot ang mukha mo? Kumain kana ba?" Tanong ni yaya Bel. "Ayos lang ako yaya, mayroon lang nambwisit sa akin. Kumain na po ako." Sabi ko sa kanya at nagpaalam na aakyat na ako sa kwarto. **** "BESTY may deliver ka." Sabi ni Cherry pagdating ko sa office. nakita ko agad ang isang basket ng bulaklak. Napangiwi ako, parang alam ko na kung kanino galing yun. "Hindi mo titingnan kung kanino galing ang bulak lak?" Sabi ni Cherry. "Para ano pa? Wala naman akong pakialam kung kanino man yan galing. Kunin mo kung gusto mo, kung ayaw mo ipamigay mo sa iba. Yung chocolate ibigay mo sa mga inaanak ko." Sabi ko sa kanya. Kaya tuwang tuwa ito. Agad nitong kinuha ang bulaklak at chocolate. "Ayaw mo? di sa akin na lang, binibigyan kana nga ayaw mo pa." Sabi nito sabay labas sa office ko. Napa iling na lang ako. Nasa kalahati na ako ng ginagawa ko ng pumasok sa opisina ko si Cherry. "Arah, Mr.Aragon is on the phone." Sabi nito. Sumenyas ako na sabihin niyang wala ako. "Sorry nasabi ko na nandito ka." Sabi nito sabay kagat ng daliri niya. "What?!" Sigaw ko sabay takip sa bibig ko. Inis na inis ako. Kahit kailan talaga itong si Cherry minsan talaga walang Common sense, haay. "Hello?" Sabi ko ng sagutin ko ang tawag. "Hello? Miss beautiful, do you like it?" Tanong nito sa kabilang linya. Nilaro laro ko ang ballpen na nasa harap ko. "Why are you calling? I'm busy." inis na sabi ko sa kanya, tumawa lang ito. "You know what? I like you for being direct to the point." Sabi nito sabay tawa nitong muli. "Sorry, but I have to go. I have a meeting." Pagsisinungaling ko, wala akong oras sa kanya. "Wait a minuite, I call you because I would like to invite you out for dinner tonight." Sabi nito sa akin. "Sorry, I have a dinner meeting tonight." Sabi ko sa kanya, this time hindi ako nagsisinungaling. " How about tomorrow?" Pangungulit nito. "Sorry, I have to go." Pagsisinungaling ko at bago pa siya makapagsalita ay binaba ko na ang telepono. ARAW araw akong kinukulit ng lalake na yun at lagi ko din pinagtataguan. ***ERUS POV*** "What happened to the transaction Thor?" Tanong niya sa bagong dating. "Maayos naman kahit may mga epal." Sagot nito. Tumango siya. "He signed the contract. Sa atin na sila kukuha ng Armas." Sabi nitong muli. "How about you Drake?" Tanong ko sa isa kong tauhan. "Mr.George Washington Agreed. The transaction will begin tomorrow evening." Sabi nito kay Erus. "Okay, gather our man tell them be ready. We will arrive tomorrow evening." Sabi niya dito. Tumango to bago yumukod at tumalikod na. "Why?" Tanong niya kay Thor, kanina pa niya napapansin na nakatingin ito sa kanya. "Ahhm..I would like to ask a vacation after this." He said, I frown when did he ever think of going on a vacation? "I want to go home to the Philippines to propose to my girlfriend." He said again, does he know what his talking about? "You know the consequences if you do that." I told him, he went to the bar counter He took two glasses and filed with ice and wine then he gave me one glass. We have been friends since childhood. We've always been together and I have never seen him so serious like now. "But I love her, Hindi ko kayang malayo pa sa kanya." Sabi niya sa akin, habang tinitigan ko siya. Nakita ko na marahan niyang iniikot ang baso na hawak niya at kilala ko siya, alam kong pag ganyan siya kinakabahan siya. "You know that. there's no place the word family on us, even the love you talking." I said to her and drink the wine he gave. He was silent. "I nkow you're tired. Go and rest" I said again to her before i leave. "Wait! DG" I heard him to shout my name but i didn't bother to go back. **** "ARE you ready?" Tanong ko sa kanila ni Drake ng lumabas ako sa silid ko. Nakita ko na kinakabitan ng magazine ni Thor ang baril niya. Si Drake naman ay kinakabitan ng silencer ang baril niya. Tumingin ang dalawa sa akin saka tumango. "Jude gather some our man. Alam mo na ang gagawin." Sabi ko kay Jude. "Yes Boss." Sagot nito saka lumabas na siya matapos kong utusan na mauna na sa meeting place namin. Para ikalat ang mga tao namin dun incase na magkaroon ng aberya. "Jake maiwan ka dito para magbantay." Sabi ko kay Jake. Ayaw niya sana pero dahil ako ang nagsalita ay hindi siya makaangal. Kaya natatawa ang dalawa na tinapik siya sa balikat pinakita niya naman sa mga to ang middle finger niya. Pagsapit ng dilim ay bumiyahe na kami. "Jude kumusta ang location?" Tanong ko dito. "Ayos naman DG, nagkakalat din ang mga tauhan ni George hindi nila alam kita namin sila." Sabi nito napa tiim bagang ako. Kahit kailan tuso talaga yung tao na yun. "Good!" Sabi ko saka pinatay na ang tawag. "DG! long time no see, you always wear your mask huh." Bati ng isang mistisong lalake na inabutan namin ngising ngisi. Aktong yayakapin ako nito pero umiwas ako. Hindi kami ganoong kaclose para makipagyakapan ako at isa pa hindi ako mahilig makipag yakapan lalo na sa kapwa ko lalake, ano ko bakla? "You know how much important every second to me, so dont waste my time lets begin the deal." Seryosong sabi ko.Tumawa siya. "Oh DG! tha's why I like you." Sabi nito. Sumenyas ito sa tauhan niya at umalis ang isang tauhan niya. Pumunta sa truck na nasa harap namin. Tumingin ako kay Thor, tumango siya pumunta siya sa sasakyan. Binuksan ng lalaki ang takip sa likod ng truck at nakita kong tumango si Thor saka sumenyas sa akin ng okay. Kaya tumingin ako kay Drake, Binigay nito ang dalawang attache case. Tinanggap ito ng isang tauhan niya saka binuksan, lumapad ang ngisi nito saka tumango. "Very good DG, see you next time." Sabi niya saka sumaludo sa akin. at umalis na nagsisakay na kami sa mga sasakyan namin si Drake na ang nagdrive ng truck. NASA kalagitnaan na kami ng biyahe papasok sa isang tunnel ng mag ring ang cellphone ko. "Hello Jake?" Sabi ko ng sagutin ko ang tawag. "DG, Wag kayong dadaan sa tunnel tatambangan kayo." Sabi niya maya maya may narinig akong putok napakunot ako ng noo. Nagtataka ako kung papano niya nalaman na may aambush sa amin. "What's happening there?" Tanong ko sa kanya ulit. "f**k!" Narinig kong mura niya saka nagpaputok. "Pinasok ang mansion DG at narinig ko na tatambangan ka nila sa tunnel." Sagot niya. "f**k!" Mura ko paanong nangyari yun? Alam ko mahirap pasukin ang mansion dahil pinalibutan ito ng code ni Thor. "What 's the problem?" Tanong ni Thor narinig nila kasi ang pagmumura ko. "Hold on Jake, parating na kami." Sabi ko dito saka pinatay ang tawag. "Lets go back!" Sabi ko sa kanila. "s**t!" Sigaw ni Julius. "DG, may kalaban napapaligiran tayo." Hindi ko na nagawa pang magtanong ng may magpaulan ng bala sa amin. "f**k!... ambush!" Sigaw ni Thor. Kinuha ko ang baril ko. "Julius gumawa ka ng paraan na makabalik sa mansion agad, isama mo ang mga tauhan kailangan ng tulong ni Jake para e secured ang lugar, nilusob ang mansion." Sabi ko kay Jullius. "Pano kayo kung dadalahin ko ang mga tao.?" Tanong niya sa akin. "Okay lang kami, kaya namin ang sarili namin ni Thor." Sabi ko,matagal ito bago sumagot. "Okay! babalikan namin kayo." Sabi niya bago narinig ko na tinawag na niya ang mga tauhan at nagbigay ng utos. Narinig ko ang pagmumura ni Thor sa kabilang linya at pakikipagpalitan nito ng putok. "Bibigyan kita ng daan,mauna kana sa amin Julius." Sabi ko saka sinenyasan ko ang driver ko na paandarin ang sasakyan papunta sa unahan, ng makarating kami sa unahan pinaulanan kami ng bala ng kalaban. "s**t!" Mura ko,saka biglang binuksan ang sasakyan sabay bunot ko ng dalawang baril ko sa tagiliran at gulong habang nagpapaputok ng magkakasunod. Tumigil lang ako ng mawalan ng bala. "s**t! Nandito si DG mali ang tao natin. Sabi niya nasa mansion." Narinig kong sabi ng isa, alam ko ang napagkamalan ng tao nila sa loob. Si Jake. "Ha? Pero sabi ni manolo tinamaan na daw ni Master ito sa binti at kasalukuyan niyang hinahabol ito?" Sabi naman ng isa. "s**t! " Bulong ko sabay labas, kailngan kong mapadaan si Julius nanganganib si Jake. Ng mahawi ko ang kalaban nagbigay ako kaagad ng utos kay Julius, kaya umalis na ang mga ito sakay ng tatlong van. Naiwan kami nila Thor at Jude pati iilang tauhan. Nasa likod ako ng sasakyan habang tumatagal mas dumadami ang mga kalaban namin. "f**k! Bro may dumarating pang back up sa kanila." Sabi ni Thor sa akin sa kabilang linya, nalaman nila agad na nadito ako. napangiti ako ito ang gusto kong laban. Lumabas ako sa pinagtataguan ko sabay paputok. Tumba agad ang apat na nasa harap ko, nagtago ako sa sakyan nila. Nakita kong may parating pa. Pinaputukan ko ito, kaso hindi ko inaasahan ang pagsulpot sa likuran ko ng kalaban. Naramdaman ko ang pagbaon ng bala sa balikat ko at sa binti kasabay ng dalawang putok. Pero nakapag paputok pa ako bago ako humarap sa kanila. Tumumba ang dalawa niyang tauhan. Ngumisi ito. Nagulat ako ng makita kung sino ang kalaban nasa likod ko. Nabuhay ang matagal ng galit na nagtatago sa puso ko, hindi ko makakalimutan ang mukha na yun na may x na pilat. "Nice meeting you DG." Sabi nito sa akin. "Masyado ka ng sakit ng ulo." Sabi niya. Bago pa ako makakibo tinamaan na ako sa isa pa sa balikat na siyang dahilan ng pagtalsik ng baril ko. Inangat ko ang kamay ko para paputukan siya pero likas na mabilis ito. Tinamaan ako sa isa ko pang binti na siyang dahilan para tumumba ako, Naglakad ito papunta sa lugar ko. "Ngayon makikilala ko na ang tunay na Devil God." Sabi nito.Gusto kong iangat ang kamay ko ngunit nararamdaman ko na ang panghihina nito kaya inipon ko ang natitirang lakas ko para maigalaw ko ang kamay ko ngunit pinaputukan ulit ako nito sa tiyan. "s**t!" Mura ko sa sarili.Matagal ko ng hinintay ang pagkakataon na ito. tapos magpapapatay lang ako hindi ako papayag. Ng aktong aangatin na nito ang maskara ko inubos ko ang natitira ko pang lakas at pinaputukan ko ito sa binti, kasabay nun ang paghagis ng teargas sa gilid ko. At may humila sa akin. "f**k! Gumising ka Bro a attend kapa ng kasal ko kaya hindi kapa pwedeng mamatay." Sabi ni Thor napangiti ako sa kabila ng panghihina ko. Pinilit ko ang sarili na lumakad. Pumalatak ito hangang sa makarating kami sa sasakyan. Doon na ako nawalan ng malay. **Kiera POV*** "Ma'am Arah, may deliver po kayo" Bungad sa akin ni Cherry pagkadaan ko sa desk niya sa labas ng office ko. Napa kunot naman ang noo ko. Wala naman akong inaasahang deliver ngayon. Pinagbuksan niya ko ng pintuan ng office at bumungad sa akin ang isang basket ng bulaklak at dalawang kahon ng chocolates. Mas lalong kumunot ang noo ko, parang alam ko na kung kanino nanggaling yan. "Kung gusto mo niyan kuhain mo na, ibigay mo nalang sa mga anak mo ang chocolate, pero kung ayaw mo naman ipamigay mo nalang sa iba." Sabi ko sa kaniya. Bigla naman nagliwanag ang mukha nito at mabilis pa sa alas kuwatro na kinuha lahat. "Sure ka na diyan best, ah, wala ng bawian iyan. Ikaw na nga itong binibigyan choosy ka pa." Tatawa tawang sabi niya sabay alis kaya napailing na lang ako. At kagaya nanaman nang dati marami na naman ang kailangan kong pirmahan, Nasa kalagitnaan na ako ng ginagawa ko nang tumunog ang telepono sa harap ko, hindi ko ito pinansin. Bigla namang may kumatok at pumasok si Cherry. "Ma'am. Arah, may tawag ka po sa phone." Kinikilig na ani niya kaya napa ngiwi naman ako, mukha siyang ewan. "Who's on the phone?" Tanong ko sa kaniya. "No other than son of Mr. Aragon" sagot nito sa akin. "Then told him I'm in the middle of the meeting." Bored na sagot ko sa kanya. "Eh, ma'am Arah, I told him na po that you have no meeting for today and sabi ko nasa office ka lang po ngayon." Nakangusong ani niya habang pinagtutugma ang mga dulo ng hintuturo niya. "What did you say?! Iritadong sabi ko ngunit nagtatakbo na ito palabas, kaya napasapo nalang ako sa noo ko.Inis na inis ako kay Cherry kahit kailan talaga ang babaeng yun . wala akong nagawa kung hindi sagutin ang tawag. "Hello?" Sabi ko pagkasagot ko sa tawag. "Hi_" Hindi ko na siya pintapos sa sasabihin niya. " If you're asking about the flowers and chocolate,Yes I received it. Thank you for those. If you don't have anything important to say, I'll hung up the phone because I'm busy I have many paperwork." Sabi ko dito hindi ko naiwasan na magtaray. "Oh sorry your not in a good mood today, maybe I will call you next time." Sabi niya saka nagpaalam na. Inis kong binaba ang telepono. Ilang araw ding hindi ako inistorbo nito akala ko pa naman nagsawa na, yun pala mukhang nagpahinga lang. Kainis talaga hindi ko alam kung ano ang gagawin ko para tigilan ako ng lalaking to. "O bat nakasimangot yan? Mukhang hindi maganda ang araw ni Arah." Bulong ni Flor kay Cherry, sumenyas naman ito na wag maingay. Nang naglalakad kami papuntang elevator, nakita ko na nagkwekwentuhan ang mga empleyado. "Oras na ba ng break time niyo at nagkukumpulan kayo diyan? Bakit hindi niyo sa akin i share? baka magamit natin yan kung dapat paba kayong mag stay O tangalin!!" Sigaw ko sa mga ito nagmamadali ang mga to na bumalik sa mga pwesto nila. "Lagot masama ang timpla ni ma'am." Sabi ng isa.Tiningnan ko pa sila ng masama bago nagpatuloy sa paglalakad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD