Inabot ko ang sing sing ko na suot ko. Saka pinihit ang bato nito. Isa itong Lazer tinapat ko ito sa Tali na nakapulupot sa kamay ko. Kaso hindi pa napuputol ang tali nakarinig na ako ng yapak ng sapatos. Kaya pinihit ko agad ang sing sing ko. Maya maya bumukas ang pintuan. Naramdaman kong may pumasok na tatlo pumunta sa harap ko ang dalawa nagpaiwan ang Isa sa likod ko. "Hello sweetheart!" Bati sa akin ni Jude Aragon." Sinamaan ko ito ng tingin. "Napaka suplada mo talaga. Nanganganib ka na nga suplada ka parin. Kaya sayo nagmana tong anak mo. " Sabi uli nito. " Sayang ka Ang ganda mo pa naman sana kung ako na lang ang ginusto mo di sana Hindi ka nanganganib ngayun. Pero pwede pa naman magbago ang isip ko. Kung papayag ka na magpakasal sa akin." Sabi nito. Nangilabot ako. Dito. Saba

