malayo pa kita na ang isang malaking bahay na napapalibutan ng mga puno. Huminto ang sinsakyan namin. Inalalayan niya akong bumaba saka kinalong si Kier. Sinalubong kami ng magasawang medyo may idad na. "Ginabi na kayo ah." Sabi ng babae.Saka tumingin kay Kier na kalong ni Erus. "Dumaan pa po kasi kami ng mall may binili." Sagot ni Erus. Kinuha ng lalaki ang mga paper bag na binili namin. "Ahhm. Si Arah po Asawa ko at si Kier anak ko at ito naman si Aida yaya ni Kier." Pakilala niya sa amin. Ikinagulat ko ang sinabi niya. Kaya napatingin ako sa kanya. Nginitian niya lang ako. "Magandang gabi sayo iha. Ako nga pala si Mameng at ito si Domeng ang Asawa ko. Kami Ang katiwala dito ni Boss Erus. Maligayang pagdating dito sa Isla Pwerta." Sabi nito sa akin. Saka ngumiti. "Magandang gabi

