TRIGGER WARNING: PHYSICAL ABUSE /SUICIDE ATTEMPT
MYLA
"MAUNA na ako, Anne." sabi ko sa kaibigan ko nang makarating kami sa parking lot. "Baka mapagalitan nanaman ako ni Tita Selina pag late na ko nakauwi."
"Ok, I'll see you tommorow." sabi niya saka naglakad papunta sa kotse niya.
Pinuntahan ko narin ang kotse ko at agad na sumakay.
Si Anne lang ang kaisa-isang kaibigan ko sa University. Alam niya ang sitwasyon ko. Alam niyang ulila na ako sa mga magulang at kay tito Ben nalang nakikitira. Alam niyang malayo ang loob sakin ng tita Selina ko at pinsan kong si Celine. At tanging si Tito Ben lang ang nagmamahal sakin.
Kay Anne ko isini-share ang lahat ng sama ng loob ko sa dalawa dahil hindi ko isinusumbong kay Tito Ben ang mga ginagawang pananakit nina Tita Selina sakin.
Masaya ako sa unibersidad. Mababait din naman ang mga classmates ko. Si Celine lang talaga ang laging galit pag nakikita ako saan mang sulok ng paaralan.
Agad akong nagdrive pauwi sa bahay. Nakita ko agad si Tito Ben na nakaupo sa sofa sa sala at nanonood ng balita.
Lumapit ako para bumeso. "Andito na po ako, Tito."
"O, hija. Sige magpahinga kana." tumango ako at akmang aalis na. "Ah, Myla..Nakalimutan ko, bukas nga pala ay maaga akong aalis. May conference meeting kami sa Pampanga. Two days lang naman ako doon."
"Sige po tito, maaga akong gigising bukas para ihatid kayo."
"No hija, hindi na. May pasok ka pa bukas. Wag ka nang gumising ng ganon kaaga. Salamat." nakangiti nitong sabi.
"Sige po. Yung gamot niyo po ha, dalhin niyo at wag niyong kalilimutang inumin." paalala ko sa kanya dahil may problema ito sa puso kaya may maintenance na iniinom.
"Yes hija, hindi ko kakalimutan. Salamat." saka tumayo at niyakap ako. "Take care of yourself, anak. Tumawag ka sakin pag may problema ha." utos pa nito nang magkahiwalay kami. "O sige na magpahinga ka na sa kwarto mo."
"Sige po tito." saka ako umakyat sa kwarto ko.
Nang makapagpahinga ng konti ay naligo ako. Pagkatapos magbihis ay nag-aral at ng review ako sa mga subjects na may quiz kinabukasan.
Pinuntahan ako ng katulong para sa dinner.
Agad akong bumaba at nagtungo sa hapag kainan. Naroon na sina tito Ben at tita Selina.
Tahimik lang akong humila ng upuan at umupo.
Habang kumakain...
"Asan na ba si Celine?! Anong oras na, wala pa ang batang 'yon?! " galit na tanong ni tito kay tita.
"She's with friends." walang emosyong sabi nito.
"Bakit ba hinahayaan mong maglayas kung saan saan 'yang anak mo?! Baka kung kani-kanino na yan sumasama. Babae ang anak mo for God sake!"
Bumuntong hininga lang si tita. "Meron ka pa palang concern sa anak mo?" aniya na tumawa ng mapakla. Matalim ang tingin sakin.
"Ano bang sinasabi mo? Anak ko yun! Natural na mag-aalala ako sa kanya." inis na sabi ni tito.
"Hindi ko masisisi si Celine kung bakit siya laging late nang umuuwi dahil pagdating dito sa bahay wala ka nang ibang inatupag kundi ang alalahanin 'yang pamangkin mo kaysa anak mo!" napatungo nalang ako para di makita ang galit sa kanyang mata. "Pinaparamdam mo sa anak mo na mas mahal mo' yang pamangkin mo kaysa sa kanya!"
"What the hell are you talking about? Of course mahal ko ang anak ko. Masyado lang talagang makitid 'yang utak mo kaya kung ano ano nalang ang iniisip mo! Kailan mo ba maiintindihan na ako nalang ang natitirang pamilya ni Myla!" Tumayo si tito at dinuro si tita. "Bakit ba ganyan ka katigas ha?! Bakit ba si Myla nalang lagi ang pinag-iinitan mo?!" sigaw niya pa.
Napatayo narin si tita. Habang ako ay nakatungo at nanginginig sa takot dahil sa sigawan nila.
"Dahil mula nang dumating sa buhay natin ang batang 'yan ay nawalan ka na ng oras sa amin ng anak mo! Sinisira niya ang pamilya natin!" ramdam kong dinuduro ako ni tita nang sabihin iyon.
"Ikaw ang sumisira sa pamilya natin!!!" malakas na sigaw ni tito para matigilan si tita.
"W-What?" usal ni tita. Bumuntong hininga lang si tito. "How could you say that to me!" galit niyang turan saka tinakpan ang bibig para pigilan ang iyak.
Di ko na nagawang kibuin ang plato ko at nakatungo nalang habang nakikinig sa kanila.
"Akala mo ba di ko nararamdaman na may ginagawa kang di maganda sa pamangkin ko?! Kahit hindi ko nakikita, alam kong gaano mo siya kinamumuhian!"
Natigilan si tita.
"Kapag nalaman kong sinasaktan mo ang pamangkin ko, humanda ka sakin dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo!"
"Ha!" parang di makapaniwalang sambit ni tita. "I can't believe you!"
"Kailan ka ba titigil dyan sa kapraningan mo ha Selina?!"
"Pag wala na ang babaeng yan sa pamamahay na to!" napatingin na ako kay tita sa sinabi niya. Nakita kong galit na dinuro niya muli ako sa mukha ko. "Matatahimik lang ang bahay na ito kapag lumayas yang babaeng yan!" sigaw niya pa.
"Yun ay kung papayag ako! Kung gusto mo ay ikaw ang lumayas sa bahay na 'to!"
Napatingin si tita kay tito. "Your unbelievable! Magsama kayo niyang pamangkin mo!" sigaw nito na tumingin pa sakin ng masama bago tuluyang umalis.
Bumuntong hininga nalang ako.
"I'm sorry hija. Narinig mo pa ang pagtatalo namin." mahinahong sabi ni tito.
"Okay lang po tito." Pilit ngiting sabi ko.
"Maiwan na kita dito. Aakyat na ako sa kwarto..."
"S-Sige po.."
At ilang sandali lang ay ako nalang ang naiwan sa mesa.
Muli akong napabuntong hininga. Kung may ibang matutuluyan lang ako ay di ko ipagpipilitan ang sarili ko dito.
Di ko na pinilit ang sariling ubusin ang pagkain dahil nawalan ako ng gana matapos ang nangyari kanina.
Umakyat na lang ako sa kwarto at gumawa ng homework.
KINABUKASAN, bumangon ako para maghanda na para pumasok.
Nakaalis na siguro si tito.
Agad akong pumunta sa banyo para magsipilyo at maligo. Nang makapagbihis at makapag-ayos ay agad akong bumaba.
Mula sa itaas ng hagdan ay nakita ko si tita Selina sa ibaba at hinihintay ako.
Nakapameywang ito at deretso ang tingin sa akin. Ang isang kamay nito ay may hawak na hula ko ay uniporme ng kanilang mga katulong.
Kinabahan ako bigla. Natataka ako kung para saan ung damit na yun.
Bumuntong hininga muna ako bago bumaba. Nasa kalagitnaan palang ako nang humarang siya sa hangganan ng hagdan. Matalim ang matang tumitig sakin.
"Sino ang may sabing papasok ka ngayon sa school?"
Natigilan ako. Nanginig bigla ang mga kamay ko.
"M-May quiz po kami..n-ngayon, T-Tita." pati labi ko ay nanginginig. "K-Kelangan ko pong p-pumasok.."
Pero natawa lang siya. "At sa tingin mo, papayagan kita!" biglang sigaw niya kaya natinag naman ako sa takot.
Naipit ko ang mga labi ko sa kaba.
"Hindi ka papasok!"
Gulat akong napatingin sa kanya. "P-Po?"
"Bingi ka ba?! Ang sabi ko hindi ka papasok ngayon!...O!" sabay tapon sakin ng uniporme. Bago ko pa man masambot ay nasubsob muna sa mukha ko.
Wala akong nagawa kundi ang titigan ang damit na hawak ko.
"Magpalit ka at bilisan mong bumaba dito! Wag mo akong paghintayin dahil malilintikan ka sakin!" aniya pero parang natulala lang ako. Pinipigilan kong wag umiyak.
"Ano pang itinutunganga mo dyan?! Bilis!!!" sigaw niya na nakapagpaatras sakin. Kaya mabilis akong tumalikod at umakyat muli.
Bagsak ang mga balikat kong pumasok sa kwarto at doon ibinuhos ang kanina pa nagbabadyang luha.
Maya maya ay naisip kong kaylangan kong magmadaling magpalit dahil baka mas lalo akong mapahamak kapag pinaghintay ko pa siya.
Pagkatapos kong magpalit ay kinalma ko muna ang sarili at pinahid ang mga luha.
Marahas akong nagbuntong hininga bago lumabas ng kwarto.
Pagkababa ko ay naroon parin si tita. May isang katulong din doon. Nakatungo at may hawak na mga gamit na panglinis.
"Beth!" tawag niya sa katulong. "Ibigay mo yang mga 'yan sa kanya!" utos ni tita.
Agad namang sumunod ang katulong at ibinigay sa akin ang mga gamit. Bakas sa mukha niya ang awa sakin.
Wala akong nagawa kundi ang tanggapin ang mga iyon.
"Linisin mo ang buong bahay! Hindi ka pwedeng huningi ng tulong sa kahit na sino dito maliwanag?! Hindi ka pwedeng kumain hanggat hindi ko sinasabi! Sige na, magsimula kana!" sabi niya saka tumalikod.
Nanlulumo akong umakyat sa pinakataas ng bahay. Sa sobrang laki at lawak ng bahay ay imposibleng matapos ko iyon sa isang araw ng mag isa.
Inuna ko munang linisin ang bawat kwarto ng bahay. Bawat kwarto ay may kanya kanyang banyo kaya mahirap para sakin lalo't hindi ko iyon nakasanayan.
Sa banyo talaga ako natagalan kaya alas dies na ako nakapag-simula sa terasa ng itaas ng bahay. Tagaktak ang pawis ko habang kinukuskos ang dumi sa sahig.
Ramdam ko na ang pagod. At mas lalo pa akong nanghina dahil sa gutom. Hindi ako nakapag-almusal at di ako sanay nang di nakakapag-agahan lalo na sa sandaling ito na kailangan kong kumain para mabawi uli ang lakas ko.
Rinig ko na ang hingal ko habang kumukoskos ng sahig nang may lumapit sakin.
"M-Mam Myla... Kumain na po muna kayo... Alam ko pong di ka pa nakakapag-almusal." ang isang katulong nila.
Agad ko siyang nilingon. May dala siyang tray na may isang platitong sandwich, isang pitsel ng tubig at baso.
Agad akong nabuhayan saka pilit tumayo at lumapit sa kanya.
"Salamat... aleng flor..." Sabi ko habang hinihingal.
Mabilis akong uminom ng tubig dahil sa sobrang uhaw.
"Bilisan niyo pong kumain mam...baka makita po tayo ni Mam Selina."Natigilan ako sa sinabi niya. "Hindi niya po alam na binigyan kita ng pagkain."
Kaya mabilis kong kinain ang sandwich kaya nabilaukan ako. Agad akong uminom ng tubig.
Wala pa sa kalahati ang naiinom ko nang...
PAAAAAAKKK!!!
Nagulat ako nang may humampas ng basong iniinuman ko.
Tumalsik ang baso at nabasag nang bumagsak sa semento.
Natigilan ko pagkakita sa nanggagalaiting mukha ni Tita Selina.
Mabilis niya ring hinablot ang tray na hawak ng katulong at pabagsak iyong tinapon.
Nanlaki ang mga mata ko at napangangang pinagmasdan ang nagkalat na pagkain at mga nabasag na plato at pitsel sa sahig.
Nanginig ang tuhod ko bigla.
"Sinong may sabi sayong kumain ha?!" Sigaw ni tita kaya napayuko ako.
"You!" turo niya sa katulong. "Sinabi ko bang bigyan mo siya ng pagkain?! Ha?!" Nasindak naman ang katulong at agad na yumuko. "Get out of my sight now!" sigaw nito sa mukha ng matandang katulong.
Nagmadali namang umalis doon si Aleng Flor.
"At ikaw!" napatingin ako sa kanya. Nanlilisik ang mga mata nito. "Pulutin mo ang mga kalat na yan at ipagpatuloy mo na ginagawa mo!" aniya saka ako tinalikuran.
Sinundan ko muna siya ng tingin bago sinimulang pulutin ang mga bubog at kalat.
"Arayyy!!" napangiwi ako nang bahagyang mahiwa ang hinlalaki ko.
Agad ko yung sinipsip. Biglang bumagsak ang ilang butil ng luha ko nang maramdaman ang kirot niyon. Hindi dahil sobrang sakit ng sugat na iyon, kundi sa araw na ito na siyang pinaka pait na pangyayari sa buhay ko.
Bumuntong hininga muna ako bago naisipang bilisan ang ginagawa.
Pagkatapos kong linisin ang kalat, tinapos ko na ang paglalampaso sa sahig ng terasa. Kahit hinang hina na ang mga tuhod ko ay pinilit kong maglakad patungo sa pasilyo ng bahay.
Alas dos na nang simulan ko ang paglalampaso doon. Hindi pa ako nabibigyan ng pagkain at kumakalam na ang sikmura ko. Kanina ay pinilit kong inumin ang tubig sa gripo na gagamitin ko sa paglalampaso ng sahig dahil sobrang uhaw na talaga ako.
Pinilit ko ang sarili kong bilisan ang ginagawa para matapos na iyon. Halos lumaylay ang dila ko kakahingal. Para akong aso sa ayos ko. Nakaluhod at nakatukod ang kaliwang kamay habang ang kanan ay siyang ginagamit ko sa pagkuskos.
"Ang tagal mo namang matapos dyan!" napatingala ako kay tita Selina. Nasa harapan ko na pala ito. "Ang bagal mo, kanina ka pa dyan!"
Lumapit ako sa kanya. Napayakap ako sa binti niya.
"T-Tita n-nagugutom na po a-ako...! " agad na nangilid ang mga luha ko. "P-Parang awa mo na po...n-nanghihina na po ang katawan ko...!" pagmamakaawa ko pa.
"Ano ba! Bitiwan mo nga ako!" pilit niya akong inaalis pero di ako umaalis sa pagkakayakap sa binti niya.
"S-Sige na po tita...m-maawa ka!!" halos tumulo na ang sipon ko sa hagulhol ko sa pag-iyak.
Mas lalo niyang nilaksan ang pagkalas sa pagkakayakap ko na halos masipa na niya ang mukha ako. "Sinabi ko nang bitiwan mo..ako!" at nabitiwan ko siya pero wala sa balanse ang pag-atras niya kaya bumagsak siya sa sahig.
BLAAAAGGG!!!
"Araaaayyyy!!! Nasambit niya na lang. "Ahhh!!" napangiwi pa siya habang pilit tumatayo.
Ako naman ay natigilan sa pag-iyak at agad na natakot nang makitang nag-aalab ang mga mata niya sa galit.
"T-Tita... I-I'm sorry. D-Di ko po s-sinasadya.." nanginginig na usal ko.
Nang makatayo ito ay bigla nalang akong sinugod at sinambunutan.
"Walang hiya kang!! Halika rito bwesit ka!!!" agad niyang hinila ang buhok ko at pilit inangat ang mukha ko saka..
PAAAAKKK!!!
SINAMPAL NIYA AKO. Sa sobrang lakas ng sampal na iyon ay halos mabingi ako. Nalasahan ko rin ang sariling dugo ko, marahil ay nasugatan ang labi ko.
Pero 'di pa siya nakontento dahil agad niyang nginudngod ang mukha ko sa basang sahig.
"Ahhh!!! Arayyyy!!" hiyaw ko dahil sa sobrang sakit na pagkakadiin ng mukha ko sa sahig.
"Yan ang nababagay sa tulad mo!!!" aniya saka ako pabagsak na binitawan. "Wala kang kakainin sa araw na ito!" Aniya pa at iniwan akong nakahandusay sa sahig.
Napahikbi nalang ako sa sobrang bigat ng nararamdaman. Awang awa ako sa sarili ko at di ko maintindihan kung bakit ko ito dinaranas. Anong kasalanan ko para pagdusahan ang ganito sa murang edad ko?
Pero kenailangan kong magpakatatag. Wala ang nag-iisang kakampi ko sa tabi ko para tulungan ako.
Halos gapangin ko na lang ang basahan saka iniloblob sa timbang may tubig. Pinilit kong madaliin ang pagpupunas ng sahig. Nagpatuloy ako hanggang sa hagdan.
Sa wakas ay sala nalang ang kailangang linisin at matatapos narin ang araw na iyon.
Napansin kong malapit nang magdilim. Kaya binilisan kong magpunas ng sahig. Tuyo na ang lalamunan ko, nanginginig na ang mga kalamnan ko at namamanhid na ang mga binti ko. Pero 'di ko 'yon pinansin.
Ramdam ko narin ang panglalagkit ng mukha ko sa naghalong pawis, luha at sipon pero wala na akong pakealam basta matapos na ang paghihirap na iyon.
"Myla?!" natigil ako sa pagpupunas at napalingon sa boses na iyon sa likod ko.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si tito Ben sa pintuan. Gulat na gulat na nakatingin sakin.
"T-Tito..." halos pabulong nalang ang pagkakasabi ko niyon. Lubos akong nasiyahang makita siya ulit.
Agad siyang lumapit. "Anong nangyari sa'yo?!" Bakas sa mukha ang pag-aalala nito.
Pinilit ko makatayo. Nanginginig akong tumayo pero bigla nalang akong nanghina at nakaramdam ng hilo. Nandilim ang paningin ko at agad natumba. Mabuti na lamang at nasalo ako ni Tito.
"Myla!!!" rinig kong sigaw ni tito, nanatiling nakapikit ang mata ko. "Myla gumising ka!!" pero di ko magawang imulat ang mata ko. Naramdaman ko ang pagtakbo ni tito. Inilapag niya ako mahabang sofa.
"Flor! Silvia!" tawag niya sa mga katulong. Agad kong naramdaman ang mga yabag na tumatakbo papalapit samin.
"S-Sir Ben!"
"Kumuha ka ng tubig bilis!" Sigaw ni Tito.
"O-Opo. Opo!" anito.
Naramdaman ko ang paghaplos ni tito sa pisngi ko.
"I'm sorry anak..." garalgal ang boses nito kaya alam kong naiiyak siya. "Sorry dahil nangyayari to sa'yo..."
"I-Ito na po ang tubig sir!" sabi ng katulong.
"M-Myla, drink this..." aniya. Naramdaman kong inalalayan niya ako sa pag-inom ng tubig. Pinilit kong imulat ang mata at agad kong nakita si Tito. May luha ang mga mata.
Nakahinga ako nang maluwag na nandito na siya.
"T-Tito..." usal ko.
"Sinong gumawa nito sayo?" aniyang hinawakan ang mukha ko. Siguro ay halata ang sugat sa labi ko.
"S-Sir..." Napalingon si tito kay aleng Silvia. "K-Kanina pa po siya naglilinis ng buong bahay... H-Hindi parin po siya nakakakain..."
"Ano?!" hindi makapaniwalang sigaw ni tito.
"Kaninang umaga pa po siya naglilinis at 'di pa nagpapahinga. D-Di po siya pinapakain ni Mam Selina..."
Di nakapagsalita si tito. Napayuko siya at 'di napigilang umiyak. Agad niya akong niyakap.
"Patawarin mo ako anak...di kita naprotektahan..." aniyang suminghot at hinawakan ng dalawang kamay ang mukha ko. "Ang kawawa kong pamangkin..." patuloy siyang umiyak.
Di naman ako makapagsalita. Nahawa lang ako sa pag-iyak niya.
"B-Benedict?" Sabay kaming napalingon ni tito. Si tita Selina na nakatayo sa hagdan. Gulat na gulat na makita si tito. "I-I thought you're in p-pampanga..?" Saka bumaba ng hagdan.
Nakita ko kung paanong nandilim ang paningin ni tito. Bumalatay sa mukha niya ang sobrang galit kaya kinabahan ako.
"T-Tito---." di ko na siya napigilan dahil mabilis siyang tumayo at agad na sumugod sa kanyang asawa.
PAAAAKKKK!!!!
Sinampal ni tito si tita. Napanganga nalang si tita at agad na nagbadya ang mga luha.
"Kung nagkataong hindi na-postpone ang meeting ay hindi ako makakauwi ng maaga at hindi ko na rin sana maabutang buhay ang pamangkin ko!!!" Agad niyang hinablot ang neckline ng asawa.
"B-Benedict.. Nasasaktan ako!!!"
"Anong kasalanan sayo ng bata para ganituhin mo siya ha!? Halos patayin mo na ang pamangkin ko, hayop ka!!!"
"B-Benedict bitiwan mo ako!! Nasasaktan ako!" umiiyak na si tita habang pilit inaalis ang pagkakasakal sa kanya ni tito.
Pilit kong tumayo para pigilan si tito.
"Masasaktan ka talaga kapag di mo tinigilan ang pamangkin ko!" saka pabagsak na binitiwan si tita. Hinihingal siya dahil sa galit.
Biglang bumakas ang galit sa mukha ni tita.
"How dare you do this to me?!!" sigaw ni tita nang nakahandusay parin sa sahig. "Mas kakampihan mo pa yang alilang yan kaysa sa'kin na asawa mo!!"
"At sa tingin mo kokonsentehin ko yang mga pinaggagawa mo?! Halos mapatay mo na ang bata!!!"
"Kung kakailanganin ko siyang patayin gagawin ko, mawala lang siya sa buhay natin!!!" nanggagalaiting sigaw ni tita.
Mas lalo iyong ikinagalit ni tito. Muli niyang sinugod ang asawa at akma sana itong sasakalin.
"Ang sama mo! Wala kang pu....so----Ahhhkk!!"
Natigilan ako nang makitang napahawak sa dibdib niya si tito. Bahagyang nanlaki ang mata niya at halata sa mukhang nahihirapan siyang huminga. Napaluhod siya hawak parin ang dibdib. Hanggang sa di na makayanan ang sakit ay napahandusay nalang siya sahig.
"B-Ben!" agad na lumapit si tita Selina
"T-Tito!!!" pinilit kong makalapit sa kanya.
"Ben!!!" Sigaw ni tita. "Flor! Tumawag ka ng ambulansya! Bilisan mo!" utos niya sa katulong. "Ben!..." napahagulhol si tita. Nang makita ako ay agad niya akong tinulak. "Umalis ka dito! Layas!..." Sigaw niya sa mukha ko.
Pero hindi ko siya pinansin. Pilit kong nilapitan si tito na hirap na hirap sa kanyang kalagayan. Halos bumaon ang kuko niya sa paghawak niya sa kanyang dibdib.
Hanggang sa sandaling hindi na siya kumikibo.
Hinawakan ko ang kamay ni tito at inilagay sa pisngi ko. "T-Tito?!!" pilit ko siyang inuuga pero di siya gumalaw.
"B-Ben?!!" si tita. Inilapit niya ang mukha niya sa dibdib nito. "Ben!!! Please gumising ka!!" Napahagulhol narin ako sa pag-iyak.
Bago pa man dumating ang ambulansiya, wala nang buhay si tito Ben.
Nanghihina akong napaupo sa sahig. Nakatulalang pinagmamasdan si tito Ben.
Parang biglang tumigil ang mundo ko. Hindi ko na naririnig ang paligid ko ni ang sarili kong iyak.
Iisa lang ang nasa utak ko sa sandaling iyon. Wala nang silbi pa ang manatili ako sa mundo at magpatuloy sa buhay.
Dahil ang kaisa isang natitirang taong nagbibigay sa'kin ng rason upang ipagpatuloy ko ang buhay ko, iiwan din pala ako.
Sa isang iglap, natagpuan ko na lamang ang sariling nakatayo sa gilid ng tulay, sa konkretong nagsisilbing harang niyon. Isang hakbang ko lamang ay tuluyan akong mahuhulog sa napakalalim ng tubig.
Tumingala ako sa langit at mapait na napangiti sa mga naroong nagkikislapang bituin.
"Mommy, Daddy, Tito. Magkakasama na po tayo…"
Ipinikit ko na ang aking mga mata. Iniaangat ang kanang paa.
"Wag!!!"
Natigilan ako at napalingon sa babaeng sumigaw.
"Please don't, sweetie." mahinahong sabi nito na dahan dahang lumapit sa'kin. "I'm begging you, please bumaba ka riyan anak…"
Tumulo ang luha ko nang makita ko sa kanya ang mukha ng mommy ko.
"Mommy…"