-Alexa POV- Nagising ako ng tumama ang sinag ng araw sa aking mukha. Mukhang hindi na naman nasarado ng maayos ang kurtina sa may bintana. Napatingin ako sa natutulog na nilalang sa tabi niya. Ang gwapo talaga niya, tulog man o hindi. As usual, nakayakap na naman ito sa akin at nakapatong ang isang paa niya sa binti ko. "Pinagnanasaan mo na naman ako." Nakangiti siya habang nagsasalita pero nakapikit pa rin. "Kapal!" Natawa na lang ako sa sinabi niya. "Wag ka nang mahiya. Asawa mo naman ako eh." Totoo naman po yun pero ayaw ko pong umamin. "Kahit asawa na kita, hindi pa rin kita pagnanasaan." "Bakit naman? Gwapo ko kaya, tsaka macho pa. May abs pa nga ako oh!" Namula ako sa sinabi niya kaya yumuko ako ng kunti. "Sira! Bumangon ka na nga. Kakain na tayo." Sinabi ko na lang yun para

